Chapter 12

26.8K 594 12
                                    

"UNEDITED CHAPTER"

Natapos ang buong linggo na halos walang ganap at sabado na ngayon at ito ang araw na pinakaaantay ko para sa nasabing date namin ni mam.

Napagpasyahan din namin na sa bahay niya na lang kumain imbes na sa labas dahil baka ma issue pa kaming dalawa.

Hindi ko naman maiwasan ang ma excite lalo pa't first time niya akong niyaya. Kaya buong linggo din akong good mood at pangiti ngiti lang.

"Alam mo Asukal, kaunti nalang at iisipin ko nang nag dadrugs ka. Buong linggo ka na kasing parang timang at ngumingi mag-isa diyan. Ayos ka lang ba talaga ha?" Si Ery na kanina pa ako kinukulit habang nakaupo kami dito sa sofa.

Nasa bahay kami ngayon ni Syn habang hinihintay itong matapos sa pagbibihis dahil may lakad kami ngayon at yun ang bisitahin si Lola Delia sa home for the aged. Siya yung nakwento ko dati na nabangga ni Syn sa kalsada.

Dadaan muna kami ngayon sa mall para bumili ng ipapasalubong namin kay lola, kaya dito na kami dumeretso nitong si Ery sa bahay ni Syn para sabay sabay na kaming tatlo papunta doon. Siya lang kasi ang may sasakyan sa aming tatlo at Hassle na kung dadaanan niya pa kami sa kanya kanya naming bahay.

Masyadong mabait si tita Cloe na mama ni Syn dahil niregaluhan siya nito ng sasakyan noong nag 18 siya.

Halos pare pareho lang naman ang mga estado ng pamumuhay naming tatlo at ang pinagkaiba lang ay parehong kuripot ang parents namin ni Ery.

Hindi naman sa nagrereklamo ako kay Mami dahil bilib pa nga ako sa pagpapalaki niya sa akin. Tinuruan niya akong pahalagahan ang pera na natatanggap ko at ni minsan hindi niya ako inispoiled. Pag may gusto akong bilhin para sa sarili ko ay dapat na pag-ipunan ko ito. Tsaka na daw ako mag-inarte pag may trabaho na ako at may narating sa buhay. Kaya heto, tamang commute at minsan hatid sundo ang ganap sa amin.

"Yoohoo! may kasama ba ako dito?. Kanina pa ako nagsasalita mag-isa dito oh, magparamdam na kayo kung may multo man diyan sa tabi tabi!" Sigaw nitong si Ery habang umaarte na hindi niya ako nakikita.

Ahh ganon pala ha, tignan ko nga kung di ka magsisigaw diyan ngayon.

Medyo dim ang ilaw dito sa sala ng bahay nila Syn na bumagay sa interior design nito at dahil sa makulimlim din sa labas ay mas lalong na emphasize ang ilaw dito sa loob at nagmukhang nasa horror movie kami. Samahan pa na nakapatay ang ilaw sa kusina nila dahil parehong nasa taas ang mag-ina at wala din ngayon ang katulong nila dahil sabado.

Paglingon ko sa likod niya ay saktong bumababa si tita Cloe sa hagdan at busy ito sa kanyang cellphone. Nakasuot ito ngayon ng puting gown na pang doctor at mukhang may duty ito ngayong araw.

"A-ano Ery, ma-may nakaputing babae sa likod mo." Sabay acting ko na parang takot na takot at bigla akong tumayo at dahan dahan na umaatras para magmukhang totoo.

Parang tumalab naman ang acting ko sa kanya dahil bigla ding nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito at napalitan ng takot at Dahan dahan itong lumingon sa likod niya.

At sakto papalapit na si tita cloe dito sa pwesto namin habang busy parin sa pag seselpon.

"AHHHH!! MULTO! MULTO! AHHHH" sigaw nitong si Ery sabay takbo papunta sa akin at bigla akong niyakap ng sobrang higpit na halos ikatumba ko.

Dahil sa sigaw ni Ery ay nabitawan ni Tita ang kanyang Cellphone sa sobrang gulat.

"Oh my god! What is happening to you, Ery Hija? I almost got a heart attack. At anong multo, ako multo? Ikaw talagang bata ka. I'm just wearing my usual doctor's outfit." sabi ni tita habang nakahawak parin sa kanyang dibdib.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon