"Mi ba't mo siya pinag mop?"
"Mi ba't mo siya pinaglaba?"
"Mi ba't siya naglilinis ng pool?"
Sunod sunod kong tanong.
"Mi ba't siya nag-
"Ba't ba ang rupok rupok mo pagdating sa kanya sugar ha?" Napatigil ako sa paglalakad ng huminto ito at humarap sa'kin.
Para kasi akong asong buntot ng buntot sa kanya mula sa labas hanggang dito kusina.
"Nagsalita ang hindi, ahem!"
Napabaling ang atensyon naming dalawa kay mommy na nag gagayat ng gulay sa lamesa.
Palihim akong napatawa sa sinabi nito.
Sapol na nga sa mukha. Sapol pa sa katotohanan.
"Wala akong narinig" sabay irap ni Mami sa eri.
Tatawa tawa ako sa likod niya ng lumingon ulit ito sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin.
"Siya ang nag-presinta na gawin lahat ng yun kaya hindi mo ako masisisi."lumapit ito kay Mommy at humalik sa pisngi.
"Gusto niyang patunayan ang sarili niya kaya pinagbigyan ko."binuksan nito ang ref at kumuha ng mansanas at nilapag sa lamesa.
Nakatayo parin ako at pawis na pawis kakatakbo para silipin si Berry habang nagtatrabaho.
Umalis lang ako saglit para pick-upin ang order kong dessert sa restaurant ni Mommy ngunit pagbalik ko ay nag lilinis na ng pool si Berry.
Buong akala ko pa naman kakausapin lang nila ito pero ibang usap yata ang ginawa nila.
Okay lang sana kung pag mo-mop lang eh ang kaso ay halos lahat yata ng gawaing bahay ay pinagawa nila.
Awang awa ako dahil hindi ako pwedeng tumulong dahil sinasamaan nila ako ng tingin kaya wala akong magawa kundi ang manahimik na lang sa sulok.
Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanila ngunit hindi nila ako masagot na ikinainis ko.
"I let her choose between word or action and her answer is? obviously. Aksyon pala gusto niya eh, kaya pina aksyon ko." Sambit nito na akala mo ang simple lang ng pinagawa niya.
"Mi naman. Hindi naman tama na pagtrabahoin siya". May sama ng loob kong sambit.
"Tigil anak, umupo ka diyan at antayin siyang matapos" si mommy naman ang sumita sakin ngayon.
Wala akong nagawa kundi ang umupo sa silya at mangalumbaba.
"Pinagtatrabaho niyo, eh paano na lang kung makunan siya?"pabiro kong bulong na ikinatahimik nila.
Maya lang ay biglang napatayo si Mami at nabitawan ang kinakain nitong mansanas.
Napalingon ako sa gawi nila at halos matawa sa expresyon nilang dalawa.
"She's pregnant? She's fuvking pregnant and you let her do the work?!" Sigaw ni mommy sabay bato nito ng talong kay Mami, mabuti na lang at agad itong nakaiwas dahil kung hindi sapol na naman ito sa Mukha niya.
"Mommy t-teka lang po"taranta nitong tinanggal ang suot niyang apron bago tumalikod at naglakad paalis.
Maski ako ay napatayo na rin sa aking kinauupoan.
"Hindi ko naman alam dahil walang sinasabe itong anak mo sakin" medyo namutla ito at nagkukumahog na sinundan si mommy palabas.
"Hoyyy mi, Mommy!!" Tawag ko sa kanila at patakbong sunundan sila palabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]
HumorIntersex | GxG | ProfxStud | R18 Started: Oct/02/2022 End: June/13/2023