Chapter 7

24.6K 674 146
                                    

"UNEDITED CHAPTER"

"I'm glad that you changed your mind and signed the contract Ms. Anders. We will make sure that you will not regret your decision in the future. Thank you for your trust in our company." Sabi ni sir sabay nakipagkamay sa magandang kliyente namin.

Nakakapagtaka nga eh kung bakit biglang pumayag itong si Ms. Anders na kausapin kami at pirmahan agad ang kontrata na taliwas sa ini-expect namin. Tumawag kasi kanina ang secretary niya na hindi daw ito matutuloy na makipagkita dahil busy ito.

Pero laking gulat namin ng biglang dumating ito at parang kinakabahan lalo na ng makita kami. Ako pala, biglang nag-iba expresyon nito pagkakita sa akin.

"You're Welcome Mr. Hedford" bati niya pabalik kay Sir sabay tingin sa akin.

"Can I have a moment with your secretary?". Dagdag niya pa na ipinagtaka ko.

"Yes, Ms. Anders, you can have her all day. And if you have any concerns about the contract, you can tell her directly." Pagpayag niya pa sa hiling ni Ms. Anders.

Bakit niya kaya ako kakausapin?  Tanong ko sa aking sarili.

Tinignan ko naman ito ng mabuti para kilatisin, at mukhang hindi naman siya ang kabit ni Sir. Medyo may edad na kasi ito at parang ka edaran lang ata ni Mami.

Sobrang ganda nito na sa unang tingin mapagkakamalan mong kaedaran lang ni ma'am pero halata kasi ang pagiging mature niya.

Intimidating ang aura at parang hindi bagay sa kanya ang apeltido niyang 'Anders' parang pang top eh. Sopistikada din ito manamit at parang ka grupo ito ni ma'am sa katarayan.

And speaking of ma'am,  ayoko nalang mag talk.

Ramdam na ramdam ko parin kasi ang sakit.

Tumatak na sa puso ko ang sakit pero hindi ko parin maiwasan na mag-aalala sa kanya. Inisip ko kasi baka nga naabuso ko ito kaya ganon nalang reaksyon niya. 

Hindi naman porket siya una humalik sa akin eh pwede ko na gawin ang ganung bagay sa kanya. Wala eh tapos na at nagawa ko na, nadala lang ako sa tukso kaya hindi na ako nakapag-isip ng matino.

Sa totoo lang wala ako sa mood lumabas ng bahay ngayon,  pero dahil sa kasunduan namin ni mam tumuloy parin ako. Kahit naman medyo masama ang loob ko dito eh hindi naman pwede na umatras nalang ako bigla.

Kung ito lang ang paraan para makabawi ako sa kanya at yun ang tulungan siya para malaman ang kabit ni sir ay gagawin ko.

"You're free to go after you talk to Ms.  Anders, Ms. Lacaforte. I will contact you if I need anything." Sabi sakin ni sir at tinapik ang balikat ko.

"I'll go first ladies". Palaam nito bago umalis.

Kaming dalawa nalang ni Ms. Anders ang naiwan ngayon sa lamesa at ni isa sa amin ay walang nagsasalita.

Kanina pa ako naiilang sa kanya at habang nagsasalita si sir at pinapaliwanag ang content ng contract ay siya naman maya't maya ang tingin sa akin.

Medyo pamilyar nga ito sa akin ngunit di ko lang maalala kung saan ko ba ito nakita dati.

"Do you want to eat something Ms. ?"

"Sugar nalang po Ma'am" sabi ko dito.

"That's a nice name for a fine young lady like you. So Sugar, do you want to eat something, ah, like dessert, maybe leche flan? That's my favorite dessert." Nakangiti niyang pahayag. Ang sweet niya naman parang kanina lang nakakatakot ang aura niya ngayon naman parang biglang nasapian ng isang anghel.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon