Chapter 18

24.1K 560 62
                                    

"Good Morning Sugar"bati sa akin ng manager pagkapasok ko sa restaurant ni mami.

"Good Morning din po Ate Celia"bati ko pabalik sa kanya.

Napagpasyahan kong dito na lang managhalian para mabisita na rin itong restaurant ni mami. Matagal tagal na rin ng huling punta ko rito.

"Anong gusto mong kainin sugar, yung usual parin ba?"tanong ni ate celia.

"Yes ate celia yun parin po. Tsaka pakidagdagan na lang kasi dito din kakain ang dalawa kong kaibigan, alam niyo naman po na malakas lumamon yong isa dun. Shhh ka lang ate"natatawa kong sabi sa kanya na ikinatawa niya din.

"Ok, Ipapahanda ko na lang, tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka pa"sabi niya sa akin.

"Pahinge na lang din po akong juice Ate. Salamat"pakiusap ko sa kanya.

"Yes ipapahatid ko na lang agad"nakangiting pahayag niya bago umalis.

Siya yong manager ng restaurant ni mami. Nasa early 30's na siya pero alam ko wala pa din siyang asawa, maganda at sexy  naman ito at halatang maalaga siya sa katawan. Close na close din kami kaya ate ang tawag ko sa kanya.

Pero minsan napapansin ko iba ang tingin na pinupukol niya kay mami, halata ko kasi ang sigla sa kanyang mga mata pag kinakausap niya nanay ko. Ganon din kasi ako kay mam.

Naaalala ko na naman siya.

Para sa akin kung sakali man na iibig ulit si mami boto ako kay ate celia. Sobrang bait niya kasi at napakaalalahin pa. Tulad ngayon ng nakita niya ako pumunta dito, kahit busy siya sa pag I instruct sa ibang staff ay inuna niya muna akong asikasuhin. Halatang Nagpapalakas sa akin hehe. Pero syempre na kay mami na yun kung iibig pa siya ulit matapos ang masalimuot niyang nakaraan.

Tinigil ko na din muna ang trabaho ko kay sir at nagrason na lang ako na may bonding kami ni mami kaya mag leleave muna ako at humanap na muna siya ng ibang papalit sa akin.

Si sir na dineretso kong kausapin para wala ng madaming pang-uusisa, kasi kung si mam pa kakausapin ko sigurado madaming tanong yun at hindi papayag.

At kanina niya pa nga ako tinatawagan pero hindi ko lang sinasagot, ayaw ko at baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na magpatukso na naman sa kanya.

Iwasan ko muna siya hanggang makabalik lang ulit sina lolo sa spain. Para din mapanatag si mami dahil alam ko ma iistress yun pag nagkita sila ng parents niya, kaya ayaw ko na dumagdag pa sa iisipin niya.

Ilang minuto na akong nag-aantay pero wala parin ang dalawa at naiinip na rin ako.

"Hey Sugar!, Ikaw nga. Can i join you here?"biglang may nagsalita sa harapan ko kaya binalingan ko ito ng tingin. Nakangiti siya sa akin na para bang  kilala nya ako. Tinitigan ko ito ng mabuti at parang pamilyar nga siya sa akin.

"You don't remember me?, Its Stella, Stella Flores"sabi niya pa habang iniisip ko parin kong saan ko siya nakita dati. Stella, narinig ko na yung pangalan niya pero hindi ko lang maalala.

Nahiya ako bigla dahil nakatayo pa rin ito  sa harapan ko kaya pinaupo ko muna.

"Cge upo ka, wala pa naman ang mga kaibigan ko at magkakasya naman tayo kung sakali."sabi ko sa kanya na agad din naman niyang sinunod.

"So hindi mo talaga ako maalala?"tanong niya sa akin ulit. Kaya napaisip ako bigla. Baka siya nga yun.

"Remember sa resort kasama Si Mr. Hardford."sabi niya dahilan para maalala ko siya.

"Ikaw yung kliyente na naka meeting namin dati at ikaw din ang kabit ni sir"sabi ko at pabulong na binanggit ang huling linya.

"Yes ako nga"

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon