"Go get your stuffs coz you're fired! Idiot!" Napatigil si Narda sa paghahanda ng first order n'ya as a newly hired chef sa 5 star restaurant na pinagtatrabahuan n'ya.
"Is that fillet steak ready yet?" Nakangiting tanong ng head chef nila.
"One moment, chef." Kinuha n'ya ang napkin para linisin ang kumalat na sauce sa platong iseserve n'ya sa guest.
"Order's ready. Table 2 please." Nakangiti n'yang iniabot ang platong hawak sa waiter na magseserve ng ginawa n'yang steak.
Naghugas s'ya ng kamay saka nilapitan ang isa sa mga nakilala n'yang sous chef kanina.
"Hmmm. Gail? Can I ask you something?" Tanong n'ya rito habang nagpupunas ng kamay.
"Yes, chef?" Kunot-noong tanong naman nito sa kanya.
"Sino ba 'yong babaeng sigaw ng sigaw kanina? That one who fired a waiter?"
Umiling ito saka ngumiti ng marahan sa kanya. "If I were you avoid getting in contact with that one. Anak 'yon ng may-ari nitong restaurant, they even own this hotel. That's Regina Vanguardia, chef. Our soon to be boss kapag nagretire na next year ang daddy n'ya. Laking states, nag-iisang anak, lumaking may ginintuang kutsara sa bibig kaya hindi makarelate sa mga poritang kagaya natin, spoiled brat in short."
Napatango-tango si Narda habang binibistahan ng tingin ang babaeng nagngangalang Regina na ngayon ay natatanaw n'yang may pinapagalitan na namang empleyado.
"Pretty but dangerous." Komento n'ya bago bumalik sa trabaho.
***
"Kung minamalas ka nga naman." Naisa-isip ni Narda habang papasakay ng elevator. Too late na para subukan pa n'yang umatras dahil nakita na s'ya ng bratenella na papasok ng elevator kung saan ito nakasakay."Good morning, miss V." Napilitang bati n'ya.
"Miss V? Like Miss Vicious? Miss Vile? Miss Violent?" Tumataas ang kilay nitong binalingan s'ya.
"Exactly!" Gusto sanang isagot ni Narda pero pinigilan n'ya ang sarili n'ya.
Ngumiti s'ya ng pilit saka umiling. "No, miss. V is for Vanguardia and not for something else. Bago lang po akong chef dito. Just started working here yesterday."
"I know, chef Narda Custodio. I know my employees well. I know you even your life's deepest secret." Nakairap pa ring sagot nito sa kanya.
"So you also know na nananakal at nananampal ako ng babae, miss V?" Mahina n'yang bulong sa sarili pero hindi yata't narinig nito kaya tumaas ulit ang kilay nito.
"Don't you dare, chef Narda! Mabuti akong kaibigan pero masama akong kaaway. I can fire you in an instant if you ever lay your hands on me."
"Ang maldita din talaga ng isang ito eh." Nanggalaiting napakuyom nalang ng kamao si Narda pero hindi na n'ya ito sinagot.
"Nananakal at nananampal ka ng babae sa kama, chef Narda, right? Pwes i'm not one of those girls who'll beg you to slap them again and beg for your mercy in bed. Kulungan ang aabutin mo sakin kapag nagkaganoon."
That's it! That's the last straw. Ayaw na ayaw ni Narda na pinapakialaman ang personal life n'ya.
"Ay!" Nagulat si Regina ng isinandal s'ya sa pader ng elevator ni Narda.
"Let me go!" Sigaw nito habang sinusubukang tanggalin ang mga kamay n'yang nasa magkabilang balikat nito.
Inilapit n'ya ang mukha sa mukha nito. Halos magkapalit na sila ng mukha sa lapit. Nose to nose na ika nga. "You know what, miss V. Fire me all you want! I'm not afraid of you. I work for your father, yes. Pero wala kang karapatang pakialaman ang personal life ko! No one, not even you has the right to invade anyone's private life. Kung ganyan pala kayo magscreen sa mga employees n'yo bakit hindi n'yo nalamang may mga pinapakain silang pamilya na basta basta n'yo nalang pinapaalis sa trabaho? You should have known how hard it is to have nothing and how hard it is to find a job na basta basta mo nalang ipafire dahil sa nagmamaldita ka at nagmamataas? Grow up, miss V."
Saktong bumukas ang elevator ng 20th floor kung nasaan ang office ni Regina.
Lumayo si Narda at inayos ang nagusot na long sleeves ni Regina saka n'ya inakay palabas ng elevator ang hindi nakahumang bratenella.
"And one more thing. Don't ever be sure na hindi ka hihiling na masampal at masakal ko sa kama, miss V. Have a nice day." Aniya bago sumara ang elevator kung saan s'ya sumakay ulit paakyat sa revolving restaurant na nasa top floor ng hotel na pinagtatrabahuan n'ya.
Natatawang napasandal nalang s'ya sa pader ng elevator habang nakahalukipkip.
"Oh fvck! What have I done?" Natampal n'ya ang noo kalaunan.
She then realized that she messed up with the owner's daughter.
BINABASA MO ANG
In Another Lie
FanfictionRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...