Chapter 18: Akin ka muna

530 28 32
                                    

"Uy! Nakatulala ka na naman d'yan?" Inabutan n'ya ito ng bote ng beer.

"Wala. Iniisip ko lang 'yong sinabi mo kanina. Dapat ba sinabi ko na agad na ako 'yong naiwan n'yang girlfriend noong araw na pinakilala ulit ako sa kanya ni tito Rex?"

Nakita n'yang inubos agad nito ang laman ng bote. "Hoy! Dahan-dahan naman. Nauuhaw ka ba? 'Di sana nagsabi ka ikinuha kita ng tubig." Natatawa pang banat n'ya rito.

"Ito naman kailangan ko talaga. 'Di naman tubig." Hindi manlang nito pinatulan ang joke n'ya.

"Hmmm. 'Di ba sabi mo may kasunduan kayong 'di n'yo ipipilit na maalala ka n'ya agad?"

Ibinato nito ang bote. "Hoy! Paglilinisin mo na naman ako ng kalat mo bukas. 'Pag nakabasag ka talaga at matapakan 'yan ng mga alaga ko dito sa bukid, tatagain talaga kita sa paa at ng malaman mo kung gaano kahapdi kapag nasugatan ka n'yan."

"Eh kasi naman nakakainis 'yong Brian na 'yon eh. Inangkin pa 'yong love story namin ni Regina. Palibhasa stalker at chismoso kaya alam lahat ng detalye ng pagkakilala namin ni Regina."

"Bitter lang 'yon hanggang ngayon. Ikaw ba naman ipagpalit sa babae? Di ba masasaling ego at pride mo bilang ikaw 'yong may 'tite'?"

"Bunganga mo talaga, Juls. Ipapakain ko talaga sa'yo 'yong tae ng kalabaw mo."

Natatawang pinagbukas n'ya nalang ulit ito ng bote saka binigay dito.

"Totoo naman kasi 'yon. Ilang years ba namang naging sila, 'di ba? Tapos ng dumating ka, wala na, nasulot mo agad si Regina. Eh ano pa ineexpect mong maramdaman n'on?"

"Eh kasalanan ko ba na cheater s'ya? S'ya ang nagloko kaya di n'ya dapat isinisisi sa akin kung bakit naout of love si Regina sa kanya noon."

"Wala na nga lang akong sinabi. Mapagkamalan mo pa akong Brian apologist n'yan, ako pa masuntok mo."

Natahimik naman ito saka bumalik sa malalim na pag-iisip. Hinayaan lang muna n'ya itong uminom ng uminom.

"Kung hahayaan mo lang sanang mahalin kita, Narda. Gagawin ko ang lahat para 'di na kita makitang nasasaktan ng ganyan. I'll make you happy if you'll only let me." Seryosong pahayag n'ya dito.

Hinawakan naman nito ang kamay n'ya. "Huwag nalang ako, Juls. Ayokong mawala ka sa 'kin eh. We're better this way. Mas pipiliin pa kitang maging kaibigan nalang habang-buhay kaysa sumubok tapos kapwa lang tayong masasaktan kapag hindi nagwork. 'Di na ako kasing gaga kagaya dati. Ayaw kitang gawing panakip-butas at ayoko ring takasan ang problema sa ganyang paraan."

Huminga nalang ng malalim si Julia. "Suntukan nalang tayo! Kala mo ba hindi masakit 'pag nirereject mo ako lagi?"

Lumamlam naman ang titig nito sa kanya.

"Joke lang kasi. Don't mind me. Kaya ko 'yang rejections na 'yan. Pero kapag nakita kong tuluyan ka na n'yang bibitawan, sasaluhin kita ng walang pag-aalinlangan."

"Bahala ka nga sa buhay mo, Julia. Malaki ka na." Umiling nalang ito saka uminom.

"Akin na nga phone mo."

"Bakit?" Takang-tanong naman nito pero ibinigay naman agad sa kanya ang cellphone matapos ilagay sa home screen.

"Sayaw nalang tayo. Basag trip ka naman kasi. Ayokong madamay sa pagkabroken hearted mo ngayon. Ano ba ang nasa playlist mo?"

Nagscroll s'ya sa phone nito saka nangunot ang noo.

"Bakit puro kanta ni Mysteriosa ang nasa playlist mo? I've heard of this singer. She releases an album once a year lang yata for the last couple of years pero wala pa ring nakakaalam kung sino ba talaga s'ya, never s'ya nagkalive show or meet and greet manlang, not even a single concert kahit na millions na yata ang fans n'ya. She's so popular but she's living up with her name mysteriosa kasi sobrang mysterious n'ya."

"Maybe she'll show up someday... when her memories come back." Sagot lang nito sa kanya saka uminom ulit.

"Kilala mo si mysteriosa? For real?" Curious n'yang tanong dito.

"How can I not? I am the one releasing an album for her every year."

"Ikaw si Mysteriosa?" Gulat na tanong n'ya dito.

"No. Si Regina. S'ya si mysteriosa."

"Syet! That explains the recording studio in your townhouse. Ang lakas talaga ng tama mo d'yan sa jowa mo. Ang dami mong ginagawa para sa kanya, ang dami mong sinasakripisyo pero wala naman s'yang ibang ginawa kundi saktan ka."

Ngumiti lang ito sa kanya. Kitang kita ang lungkot sa mga mata nito.

"Hay, Narda." Umiling s'ya saka nagscroll sa phone nito. May naisip s'yang idea.

"Ano ang pinakafavorite mo sa lahat ng kinanta n'ya?"

"Why?"

"Basta."

"Hmmm... Nung tayo pa."

Hinanap n'ya ang kanta saka pinatugtog.

[AN: Play the song 'Nung Tayo Pa by Janella Salvador' to connect with the episode.]

Tumayo s'ya saka inilahad ang palad dito. "May I have this dance, miss ma'am?"

"Ano na namang kalokohan 'yan, Juls?"

"Sige na." Pilit n'ya itong tumayo na kamuntik naman nitong ikinatumba. "Lasing ka na yata eh."

"Ikaw kasi." Natatawang humawak naman ito sa leeg n'ya.

Julia rolled her eyes. "Bakit ba ito ang favorite song mo? Relate ka? Ang sakit naman ng lyrics ng kanta n'ya. Nakakasenti tuloy. Kaya mas gusto ko ng pop rock o 'di kaya country music eh."

She started swaying with her. Tahimik lang itong nakasandal sa kanya. Hinayaan nalang n'yang ang tugtog nalang ang maingay sa tahimik na paligid.

Ramdam n'ya ang pagpatak ng luha nito sa t-shirt na suot n'ya.

"What have you done, Julia? Akala ko ba ayaw mo s'yang nakikitang umiiyak? Bakit ikaw pa ang gumawa ng paraan para lalo s'yang umiyak ngayon? Ang tanga mo talaga, Julia!" Saway n'ya sa sarili.

"Shhh! Stop crying, Narda. Ayokong nagkakaganyan ka. Hindi ako sanay na hindi ka ngumingiti sa tuwing magkasama tayo. I played that song hindi para maalala mo s'ya kundi para maalala mong ako ang kasayaw mo, na ako ang kasama mo ngayon habang tumutugtog ang kantang 'yan. We'll make more memories... happy memories together." 

She grabbed Narda's chin and lowered her face unto hers.

"Bahala na kahit isipin mo pang tinitake advantage ko ang kahinaan at kalasingan mo but i've been wanting to do this for some time now."

"Pwede bang akin ka na muna kahit ngayong gabi lang?"

Unti-unti n'yang tinawid ang pagitan ng mga labi nila.

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon