"Sandali lang! And'yan na!" Dali-daling naglakad si Narda papunta sa maindoor ng makarinig s'ya ng mga katok.
"Ang bilis mo namang makabalik, love. May nakalimutan ka ba?" Kaagad n'yang binuksan ang pinto sa pag-aakalang si Regina ang kumakatok. Pero laking gulat n'ya ng mabungaran si Julia.
"J-julia? Paano ka nakarating dito?"
"Nagulat ka ba? Sorry sumunod ako ng walang pasabi. Nagpunta ako sa mansyon nina Regina. Sinabi nila na andito kayo." Malapad pa ang pagkakangiti nito habang nagsasalita.
Napaatras si Narda at akmang sasaraduhan ito pero kaagad s'yang napigilan ni Julia ng ipasok nito ang kalahati ng katawan sa papasarado nang pinto.
"Oh bakit parang natatakot ka naman d'yan? Hindi ka ba happy na andito ako?"
Naikuyom ni Narda ang mga kamao.
"Sinungaling! Wala akong pinagsabihan kahit sino kung saan kami pupunta. Inuutusan ka na naman ba ni Julie na sundan kami kaya ka nandito?"
Medyo natigilan si Julia sa narinig. "H-hindi ah. Walang nag-utos sa akin na sumunod dito. Gusto ko lang din magbakasyon kagaya ninyo. Pwede naman akong makithird wheel, 'di ba?"
"Cut the crap, Julia! Hindi mo ako mauuto. Bakit ka ba nagpapagamit sa kakambal mo? Ano ba ang makukuha mo sa ginagawa mong 'to?"
"So alam mo na may kakambal ako all this time? Bakit wala kang sinasabi?" Tuluyan na itong pumasok sa loob ng bahay at isinarado ang pinto sa likod nito.
"Bakit ko naman sasabihin, Julia? Alam ko namang nakipagkaibigan ka lang sa akin para mabantayan n'yo ang mga galaw ko. Alam kong inutusan ka ni Julie na makipaglapit sa akin. Tama ako, 'di ba?"
"At bakit naman gagawin ng kambal ko 'yon? Wala ka namang atraso sa amin. Itigil mo nga 'yan, Narda. Tamang hinala ka na naman eh." Akmang lalapit ito sa kanya pero umatras s'ya patungo sa sala.
"Dahil kay Regina. Dahil sa plano n'yong pagpatay sa kanya! 'Wag na tayong magbolahan dito."
"A-all this time alam mo ang lahat? Bakit wala kang binanggit? Bakit wala kang sinasabi?"
"Sa tingin mo ba sa 5 taon kong pagmamanman sa inyo hindi ko malalaman na magkakambal kayo ni Julie? Isa lang din ang rason kung bakit hinayaan kitang makipaglapit sa akin noon. Sinakyan ko lang ang trip n'yo para mabantayan ko rin kayo, Julia."
"Eh 'di naglolokohan lang din talaga tayo?!" Naglabas ito ng baril mula sa likod at tinutukan s'ya nito.
Napataas naman ng kamay si Narda habang umaatras. "Shit! Bakit ko ba kasi iniwan 'yong baril ko sa kwarto?!" Gusto n'yang kaltukan ang sarili.
"Julia, naman! Alam kong hindi ka masamang tao kaya huwag mong gawin 'to. Huwag kang magpagamit sa kapatid mo. Sa una inakala ko na magkasabwat kayo pero kalaunan ay nalaman kong mabait ka talagang tao. Na hindi ka gahaman kagaya ni Julie. Kaya 'wag mong gawin ito Julia, ibaba mo na 'yang baril mo."
"Alam mo ba kung bakit ako nagpapagamit sa kapatid ko, Narda? Kasi mahal kita! At gusto kong sa akin ka lang!"
Itinulak s'ya nito sa sofa habang tinututukan pa rin ng baril.
"Julia, naman! Hindi ba napag-usapan na natin 'to? Hindi kita pwedeng mahalin kasi isa lang ang laman ng puso ko. Si Regina lang."
"Bakit kasi hindi nalang ako ang piliin mo, Narda? Bakit kailangan mo pang dumaan sa mga hindi kaaya-ayang sitwasyon kagaya nito para lang sa babaeng hindi ka naman naalala? Ikaw lang ang nagsasakripisyo para sa kanya!"
Dinaganan s'ya nito at hinalikan sa labi.
Magpupumiglas sana s'ya ng makarinig ng click mula sa likuran n'ya. Hindi n'ya namalayang ipinosas na pala nito ang mga kamay n'ya.
"Uto-uto!" Bulong nito sa tenga n'ya saka tumawa ng malakas habang bumababa sa kandungan n'ya. Mabilis nitong ipinosas ang mga paa n'ya bago pa man n'ya ito matadyakan.
"J-julie? Hindi ikaw si Julia!" Doon lang napagtanto ni Narda ang lahat.
"Uy! Paano mo nalaman?" Tatawa-tawang tanong nito.
"Hindi ganyan tumawa si Julia. Hindi s'ya tawang demonyo kagaya mo!" Singhal n'ya dito.
Sinampal naman s'ya nito. Nagdugo ang pisngi n'ya dahil sa matatalim nitong kuko. "At ginagalit mo talaga ako ha?"
"Malas ko at hindi ko kaagad naamoy ang lansa ng pagkatao mo, Julie!"
Sinampal ulit s'ya nito. "Malas mo nga, Narda, kasi hindi mo alam na madalas kaming magpalit ng identity ni Julia dati. Lalo na kapag may exams ako sa school at kung may pinagtataguan akong mga lalaki. Si Julia ang umaayos sa lahat ng gusot at pagkakamali ko. Kaya nagamay ko na rin kung paano s'ya kumilos at gumalaw, pati magsalita sa dalas ng pagpapalitan namin. I hate being in her shoes dati. Sino ba naman ang may gustong makipagpalit ng identity sa boring na nerd na kagaya n'ya? Akalain mo bang magagamit ko pala 'yon ngayon? You fell into my trap, hard, Narda."
"Pakawalan mo ako, Julie! Lumaban ka ng patas!"
"Bakit ko naman sasayangin ang pagkakataong kagaya nito, Narda? Alam kong hindi kita kaya kapag lakas ang pinag-uusapan. Pero alam kong mas matalino ako kaysa sa'yo. Look at you! You are at my mercy!"
"Wala ka bang konsensya, Julie? Papatay ka talaga ng tao para sa kayamanan? Mandadamay ka pa ng inosente kagaya ko."
"Alam mo, Narda. Tama ka eh. Hindi dapat kita idinadamay sa away pamilya. Pero alam mo? Napaisip kasi ako. Ang dami ko ng atraso doon sa kapatid ko. I kicked her out of the house when we were little. I kicked her out of our lives pero never s'ya nagtanim ng sama ng loob sa akin. She's always there at my disposal. Kahit ano'ng hilingin ko sa kanya, handa n'yang ibigay. That's how much she loves me. And now? May chance naman ako para ibigay ang happiness n'ya, bakit hindi ko gagawin, 'di ba? Promise to love my sister and i'll let you live."
Tumawa si Narda. "Wala ka nga talagang puso, Julie! Maski si Julia hindi matutuwa kapag nalaman n'ya 'to. Alam mo? Kung walang Regina sa buhay ko? Talaga namang kaya kong mahalin si Julia. Kasi mabuti s'yang tao. Alam kong mahal n'ya ako pero never s'yang nagtake advantage sa mga panahong vulnerable ako."
"Kaya ko nga papatayin si Regina. Para pwede ka ng maging kanya. It's like hitting two birds with one stone. Mapapasaakin ang kayamanan ni Rex Vanguardia at mapapasakamay ka naman ni Julia. It's a win win situation for us!"
Nagdial ito sa cellphone. "Kunin n'yo na s'ya at dalhin sa hideout."
Kaagad namang pumasok ang mangilan-ngilang armadong lalaki na kanina pa pala naghihintay sa utos nito sa 'di kalayuan.
"Walang hiya ka talaga, Julie! Kapag nakatakas ako dito, dila mo lang ang walang latay kapag ako nakaganti."
"Some things are better said than done talaga no? Magaling ka lang sa salita, Narda, kulang ka naman sa gawa!"
Binusalan s'ya ng mga lalaki saka binitbit na parang isang sako ng bigas.
Nagpupumiglas s'ya habang karga ng isa. Pinagpupukpok n'ya ito sa likod gamit ang nakaposas n'yang mga kamay. "Tulong!" Sigaw n'ya ngunit ang impit n'yang daing lang ang maririnig dahil nakabusal ang bibig n'ya.
"Tumigil ka! Nasasaktan ako!" Huling salitang narinig n'ya bago s'ya nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
In Another Lie
FanfictionRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...