Chapter 3: Mission failed

487 30 3
                                    

"Your car is ready, ma'am Regina. Hop in."

Nakangiting mukha ni Narda ang nabungaran n'ya sa front yard. Nakasandal ito sa kotse habang nakapamulsa.

She rolled her eyes. "Heto na naman 'tong makulit na bodyguard na 'to." Bulong n'ya sa sarili.

"Silly me. Bodyguard! I wasted my time thinking about some bodyguard? Akala ko she's someone important kaya paulit-ulit na nakarehistro ang pangalan n'ya sa utak ko. Nasa bahay lang pala ni dad ang hinahanap ko. She's one of his annoying bodyguards lang pala. Siguro madalas akong pikonin nito dati kagaya ng ginagawa n'ya sa akin ngayon. Nagpakagaga pa ako kakaisip kung sino 'yong Narda na 'yon. Itong Custodio na ito lang pala." Naisa-isip ni Regina habang nakatitig sa nakangiting si Narda.

"She looks hot in that brown leather jacket, white polo shirt and skinny jeans though." Hindi n'ya mapigilang komento ng mas maigi n'ya itong mabistahan ng tingin habang bumababa sa hagdan papalapit dito.

"Bakit ikaw ang nandito? Nasaan ang driver ko?"

Itinuro nito ang sarili at malapad na ngumiti. "Nandito po. Ako. From now on kasi ako na 'yong driver slash alalay slash bodyguard slash whatever you wanna do with me, ma'am Regina. Wala na pong iba. Sa Vanguardia Empire na pinagreport ni sir Rex si Mang Lando. Kaya wala po kayong choice at ako lang ang nandito. Narda Custodio po at your service."

Pinagbuksan pa s'ya nito ng pinto ng kotse.

Tinaasan n'ya lang ito ng kilay at inilahad ang kamay. "Where's the key? Give me the key." Tanong n'ya rito.

"Po? Nasa akin syempre. Bakit, ma'am?"

"I'll drive myself to work. Let me remind you, Narda, hindi ako pumayag na maging bodyguard ka, driver o alalay manlang. Go back to dad. I don't need your services."

Tinitigan lang s'ya nito tapos ay kinuha sa bulsa ang susi.

"Heto po, ma'am. As you wish."

Alanganin naman n'yang tinanggap ang susi.

"Bye, ma'am. Sasabihin ko nalang po kay sir Rex na ayaw n'yo po akong tanggapin dito. Balik nalang po ako ng Batangas." Sumaludo pa ito sa kanya tapos ay tumalikod na.

"N-narda?!" Tawag n'ya dito.

Lumingon naman ito at pilit na itinatago ang ngiti. "Po? Bakit po, ma'am?"

"I..." napunok s'ya.

"You?"

"Damn it, Narda! Take me to the office. I'm late." Nakapikit pang sabi nito na para bang napipilitan lang talaga sa sinasabi habang nilalahad ang susi kay Narda.

"Magplease ka muna." Sabi nito at 'di manlang nag-abalang lumapit sa kinaroroonan n'ya. Nasa bulsa lang nito ang kamay.

Nanlalaki ang matang tinitigan n'ya ito. "What? Me? No! I don't say please. Not now, not ever!" Pagsusungit n'ya pa.

"Oh 'di sige. See you around, ma'am Regina." Tumalikod ito at kumaway pa habang naglalakad palayo.

"F*ck! P- please, Narda. Take me to the office now."

"Ano ulit? Hindi ko marinig eh."

Napapalatak s'ya. Wala talaga sa vocabulary n'ya ang salitang 'please'. "Argh! Ple..."

Nagulat nalang s'ya ng kinuha nito ang susi sa kamay n'ya at binuksan ulit ang pinto para sa kanya.

"Sakay na po kayo, ma'am."

Tahimik naman s'yang sumakay sa likurang bahagi ng sasakyan.

"Hindi ka pa rin pala marunong magmaneho hanggang ngayon."

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon