***Flashback***
"Daddy, uuwi ka ba? It's my birthday na tomorrow." She asked as she plays with her walking and talking doll sent by her father as an early birthday gift.
"I'm sorry, anak. It's Regina's piano recital tomorrow. I need to be there."
"But dad, it's my birthday. Can't you spare a day just to be with me?"
"No. I can't do that. Hayaan mo babawi ako sa'yo, anak. I've had a lot of things to do tomorrow too so I really can't. Isiningit ko na nga lang 'yong recital ng half-sister mo. Besides, i've already sent you a birthday gift. Isn't it enough? How about I send you another gift, ano ba ang gusto mo?"
"Eh bakit 'yong sa kanya pwedeng isingit? Tapos 'yong sa akin hindi? Kahit na dito ka nalang matulog sa amin, daddy." Pamimilit pa n'ya. "Or pwede rin na ipakilala mo nalang ako sa sister ko. And then i'll sleep over in your house. Siguro masaya 'yon, daddy."
"I said no!"
"Daddy? You're shouting at me again?" Mangiyak-ngiyak na tanong ng bata sa ama.
"I'm trying to be patient with you earlier but you're testing my limit. I don't have time for your tantrums. If I say no, it's a no!"
"I hate you, daddy." Itinapon n'ya sa lapag ang cellphone na hawak saka nag-iiyak umakyat ng hagdan dala ang doll n'ya.
"I'm sorry, Rex. Pagsasabihan ko s'ya. Hindi na mauulit 'to." Dinig n'yang sagot ng nanay n'ya sa cellphone bago n'ya maisarado ang pinto ng kwarto.
"I hate you, daddy! I hate you!" Pinagsisira n'ya ang doll na bigay nito para sa birthday n'ya.
"When I grow up, i'll surely wreck you like this doll, Regina. I'll make sure of that." Kuyom ang kamaong pangako nito sa sarili.
She's a 7 years old innocent girl who just wanted to be loved by her father but is always disregarded and rejected because of Regina, his father's only legitimate child.
***End of Flashback***
"Ano'ng iniisip mo?" Tanong ng lalaki sa tabi n'ya.
"Wala. May naalala lang ako." Sabi n'ya saka n'ya nilaro ang buhok sa dibdib nito.
"Ikaw ha? Naglilihim ka na ba sa akin ngayon?" Nakangiting tudyo nito sa kanya.
"Ako? Ni wala nga akong kaalam-alam na nakabalik ka na ng bansa, tapos ako pa tatanungin mo kung may inililihim ako sa'yo?"
Niyakap naman s'ya nito mula sa likod. "Tampo agad 'yan? Eh sorry na. Nabusy lang ako. Babawi naman ako sa'yo, 'di ba?" Hinalik-halikan nito ang balikat n'ya, saka hinimas-himas ang makinis n'yang braso.
Tumikwas ang kilay n'ya at tinampal ang kamay nito.
"Busy kay Regina Vanguardia?"
Ngumiti naman ito pero maya-maya ay biglang nagngalit ang bagang nito sa inis.
"Oh! Bakit parang namumula ka na agad d'yan sa galit?"
Sumandal ito sa headboard ng kama saka inihilamos ang kamay sa mukha.
"I think i'm losing my chance with Regina. I tried to kiss her earlier but she stopped me. I guess it has something to do with that Narda Custodio."
"Brian, matagal ka ng walang chance doon. Simula noong niloko mo s'ya."
"Hindi ko s'ya niloko. Inakit mo ako. Who knows, baka ikaw pa ang nagsend ng pictures natin together sa kanya noon."
Tumawa lang s'ya. Tama ang hinala nito pero hindi n'ya icoconfirm 'yon.
"Aaminin ko naman na inakit kita sa una. Pero ang mga susunod mo bang pakikipagkita sa akin ay kagagawan ko pa rin? Just like now, hindi ba ikaw ang tumawag?"
"Wala nalang akong sinabi." Itinaas pa nito ang dalawang kamay.
"So... what's your plan now?" Tanong n'ya dito. She have to make sure na papanig ito sa kanya bago n'ya ito isali sa sariling plano. Alam n'yang magagamit n'ya ang lalaki dahil sa nadiskubre n'yang ugnayan ulit nito at ni Regina.
"Babalik ng New York, I guess? Or maybe bring you with me if you want to."
"Wow! Hindi ko alam na ganyan ka lang pala kadaling pasukuin."
"I choose my battles, babe." Sabi lang nito habang nakakibit-balikat.
"You wanna have some fun before you give up on her then? Matikman mo manlang ulit s'ya before ka umalis."
Kunot-noo naman itong tumitig sa kanya. "What do you mean?"
"Why don't we kidnap Regina?"
"Ano?! No! Ayoko! Hindi pa ako nasisiraan ng bait para pumayag sa gusto mo. Ayokong madungisan ang reputation ko ng dahil lang sa evil plans mo."
"What if I tell you na papatayin ko rin naman si Regina kaya okay lang na magpakasasa ka muna sa katawan n'ya before I do so? Huwag kang mag-alala, hindi ka madadamay. Magpapasarap ka pa nga ng libre, courtesy of me." Itinuro pa n'ya ang sarili habang nakangisi.
"I can't believe i'm hearing this from you. Ganyan na ba talaga kalaki ang galit mo sa half-sister mo para pag-isipan mo s'yang patayin?"
"Correction! Pinapatay ko na s'ya 5 years ago, hindi lang kami nagtagumpay."
Nanlaki ang mga mata ni Brian sa narinig mula sa kanya. "Shit! Huwag mong sabihing 'yong nangyaring aksidente 5 years ago ay hindi talaga aksidente kundi kagagawan mo?"
"Yes! Tama ka, Brian."
Dali-dali itong tumayo saka pinulot sa lapag ang mga nagkalat na damit. "You're crazy! I don't want to have anything to do with you anymore."
"Oh saan ka pupunta?"
"Aalis na! I'm not dealing with you. Nababaliw ka na!"
"That is, if hahayaan pa kita, Brian." Tinutukan n'ya ito ng baril.
"Drop it, will you? Huwag kang magbiro ng ganyan. Just let me leave. Walang makakaalam ng sekreto mo. Icoconsider ko lang 'yon as a joke."
"Nope. Hindi ka aalis, Brian. Or papayagan lang kitang umalis kapag pumayag ka sa gusto kong mangyari."
Napaupo si Brian sa kama habang sapo ang ulo.
"At paano kung ayoko?"
"You know I like saving memories on HD, 'di ba, Brian? Baka gusto mong 'yong reputation na iniingatan mo ay maging isang myth nalang?"
"Damn you!"
Sinubukan s'ya nitong sakalin pero sinipa n'ya ito sa pagkalalaki dahilan para mapaatras ito at mapahiyaw sa sakit.
"Parang gusto mo yatang patulugin nalang kita habang buhay kaysa bigyan pa kita ng choice? Why don't you just choke me in bed?"
Tinutukan n'ya ulit ito ng baril. "So what's it gonna be, Brian?"
"Oo na! Susunod na ako sa'yo!" Hintakot na sagot naman nito.
BINABASA MO ANG
In Another Lie
Hayran KurguRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...