Chapter 24: Confessions

645 41 22
                                        

"Bakit antagal mong sumunod?" Nagulat si Narda ng biglang magsalita si Regina. Hindi yata't kanina pa ito naghihintay sa pag-uwi n'ya.

"Oh! Dapat ba kanina pa ako, ma'am? Akala ko magtatagal pa si Brian dito kaya kaysa mainis ako, nagliwaliw muna ako d'yan lang sa malapit. Sana tumawag ka kung may kailangan ka."

Hindi naman ito sumagot at tinalikuran na s'ya. Pero ng akma na s'yang papasok sa kwarto ay sinalubong s'ya nito.

"For you." Inabot nito sa kanya ang paper bag na may pangalan pa ng botique na pinuntahan nito at ni Brian kanina.

"Ano 'to?"

"Open it." Nakahalukipkip naman nitong utos.

Inilabas n'ya ang laman ng paper bag.

"Jacket? Para saan 'to, ma'am?"

"Hmmm. Wala. I just saw it earlier and I instantly thought na babagay sa'yo 'yan."

"Hindi mo ako kailangang bilhan ng kahit ano, ma'am." Naalala na naman n'ya ang dating Regina. 'Yong palaging may kung ano-anong surprises para sa kanya pero laging nagpapaalala na huwag na s'yang mag-abala pang magbigay din pabalik dito dahil wala na itong kailangan kundi pagmamahal n'ya lang.

"I want to. No buts. Just take it, Narda."

"Okay. Oh, 'di thank you nalang, ma'am." Akmang tatalikuran na n'ya ito ng pigilan s'ya ni Regina.

"How about you put on that jacket and bring me somewhere with your motorcycle? Night swimming tayo?"

"Peace offering ba 'to?"

"I don't apologize for the decisions I made. But consider it as a bribe for you not to leave me... as my bodyguard."

Napailing nalang s'ya. "Sige, magbihis ka na, ma'am. May alam akong secluded place na pwede kang magnight swimming."

***
"Narda..." Untag ni Regina sa pagmumuni-muni n'ya. Kasalukuyan silang nasa isang private resort na malapit sa dagat. Sakto at mukhang sila lang ang tao ngayon dahil tahimik ang paligid.

"Yes, ma'am?" Tanong n'ya habang inaayos ang kahoy sa ginawang bonfire.

"Why are you so patient with me?"

Napabuntong-hininga s'ya. "Hindi ko magawang magalit sa'yo kahit ano pa ang gawin mo, Regina."

"Why? Because you love me or dahil pinapanindigan mo 'yong statement mo na ako 'yong inilayo sa'yo na girlfriend mo?"

"Both." Maikling sagot n'ya.

Tumahimik naman ito sa tabi n'ya at maya-maya pa ay tumayo na at naghubad ng damit. Itinira nito ang one-piece sexy swimsuit na suot nito sa ilalim ng pants, sleeveless shirt at jacket.

"Seryoso? One-piece swimsuit during night swimming? Pwede namang rash guard nalang. Ang lamig kaya ng panahon." Reklamo n'ya.

"Hmmm... Pwede but I think your eyes deserve something sexier than that. I think you'll like the view even better with me in this." Nagwink pa ito sa kanya.

"Regina!" Reklamo n'ya sa pang-aakit nito... kung pang-aakit nga ang tawag doon.

"Tara swimming?" Sagot lang nito saka naglakad na patungo sa dalampasigan.

"Sobrang sexy n'ya talaga." hindi mapigilang komento ni Narda sa isip.

Nilingon s'ya nito. "Ano pa ang hinihintay mo, Narda?" Hindi n'ya mapigilan ang sariling mapalunok at mas mapatitig sa katawan nitong nakabakat na at halos naaaninag na n'ya dahil sa nabasa na ng tubig ang suot nito.

Naghubad lang s'ya ng jacket at hindi na nag-abala pang palitan ang suot na pants at sleeveless top.

Nagulat naman s'ya ng agad nitong inangkla ang kamay sa leeg n'ya ng makalapit na s'ya sa kinaroroonan nito saka kinintalan s'ya ng maikling halik sa labi.

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon