"Good morning, ma'am Regina." Bati ni Narda habang pinapatay ang makina ng motor n'ya.
Pababa na ito ng scooter at dahan-dahang nagtatanggal ng helmet.
Hindi maiwasang mapatitig ni Regina sa kabuuan nito.
"Shit! She's so hot. So poganda." Agad naman n'yang sinaway ang sarili sa naisip. "Heh! Tumigil ka nga Regina. Bodyguard mo 'yan. Saka bakit ka ba naaattract sa babae eh straight ka? Hayst! Enough with that thought!"
"Hmmm. Maybe try to be here a little bit early next time. Baka sakaling maging good ang morning ko sa'yo." Inirapan n'ya ito para itago ang nagsusumigaw n'yang paghanga.
Lumapit naman ito sa kanya ng nakangisi.
"What's with you and your phone, ma'am? Hindi po ba uso sa'yo ang maglagay ng ringtone?" Pang-aasar agad nito sa kanya.
Kunot-noo namang kinuha nito ang cellphone sa bag n'ya.
3 missed calls from Ali.
Messages from Ali.Agad n'yang binuksan ang messages at binasa ito.
"Ghad! I hate late notices!" Nanggigil na sabi n'ya saka tinalikuran si Narda at umakyat ng hagdan.
Cancelled ang flight ni Mr. Nakamoto from Japan kaya obviously hindi ito makakarating. Irireschedule nalang kinabukasan ang meeting nila. It means free day for her dahil ito lang din ang kameeting n'ya today.
"Sama ka nalang sa akin, ma'am."
Napatigil sa pag-akyat si Regina at nilingon si Narda.
"Papunta saan?"
Nagkibit-balikat lang ito. "Kung saan tayo dadalhin ng hangin? Maging adventurous ka naman kahit minsan, ma'am."
Matagal n'yang tinitigan si Narda saka tumango. "Okay."
"Magpapalit lang ako ng damit saka ilalabas ko na ang sasakyan. Ipapark ko lang ang motor ko. Saglit lang 'to, ma'am." Tumalikod na ito para pumasok sa bahay.
"Wait, Narda."
"Bakit, ma'am?"
"Can we ride your scooter instead?"
Ngumiti naman ito sa kanya saka tumango. "Sure."
"Alright. Go grab me some helmet. Magbibihis lang ako."
***
"Tara na, ma'am. Isuot mo muna 'to."Hinarap s'ya ni Narda at sinuotan ng helmet.
She stared at her face habang inaayos nito ang helmet sa kanya. Ngayon n'ya lang mas natitigan ang mga mata nito.
"Bakit parang ang sad ng mata n'ya?" Tanong n'ya sa sarili.
"Angkas ka na, ma'am." Untag nito sa kanya habang nakalahad ang isang kamay para alalayan s'ya papunta sa likod nito.
Tumango naman s'ya saka umangkas na sa motor nito. Humawak agad s'ya sa rear grab rail ng motor at naglagay ng kaunting distansya sa pagitan nila.
"Umayos ka nga ng upo, ma'am." Saway nito sa kanya habang nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng side mirror.
"Maayos naman ang upo ko, Narda. I'm tightening my grip here sa likod if that's what you want." Sagot naman n'ya rito.
"Hindi kasi ganyan ang tamang pagsakay, ma'am. Pakiramdam ko tuloy magjowa tayo na nag-aaway na halos ayaw mong dumikit manlang maski tela ng damit mo sa akin. Akin na ang kamay mo."
Hindi s'ya gumalaw.
"Ibibigay mo ba o dito nalang tayo buong umaga?"
"Okay okay!" She rolled her eyes bago ito sinunod. "Paano ba kasi dapat?"
"Dito ka kasi humawak." Kinuha naman agad ni Narda ang nakalahad n'yang kamay saka nilagay sa bewang nito.
Hindi na nakapagreklamo pa si Regina dahil kaagad ng pinaandar ni Narda ang motor. Wala s'yang nagawa kundi humawak ng mabuti sa bewang nito.
"Why am I feeling this way? Bakit kanina I feel so uneasy and awkward pero parang all of a sudden ang komportable ko na lang na nakaupo dito sa likod n'ya habang nagmamaneho s'ya. It sure is my first time riding a motorcycle pero bakit parang hindi?" Confused n'yang puna sa sarili.
Napansin nalang n'yang mas binibilisan ni Narda ang motor kaya lalo s'yang napakapit dito. "Ay! Magdahan-dahan ka nga, Narda!
***
"I hate you! Hindi na talaga ako sasakay ulit sa'yo, Narda!" Naiinis n'yang sabi dito matapos silang bumaba sa motor.Hindi s'ya sinagot nito pero tumawa lang ito at inayos ang dala nitong kumot sa damuhan bago ilatag ang mga tupperware na nasa bag nito. Nakatingin lang s'ya dito.
"Did you plan all this?"
Ngumiti lang ito saka inayos ang parteng uupuan n'ya. "Dito ka na maupo, ma'am."
"Narda..." naghintay s'ya ng sagot mula dito habang nakahalukipkip.
"Tumawag ng maaga si sir Ali. Sabi eh mukhang nakasilent na naman ang cellphone mo. Ako na daw ang bahalang mag-inform sa'yo na cancelled ang meeting mo today. Alam ko naman na wala ka ng ibang meeting kaya naghanda nalang ako ng pagkain para sa'tin. Kaya, yes, plinano ko na yayain kang gumala."
"Eh paano kung hindi ako pumayag?"
"Eh 'di hindi mo matitikman 'tong ginawa kong kwek kwek para sa'yo."
Kunot-noo s'yang nakatitig sa sisidlan na may mga orange na bilog na binuksan nito para ipakita sa kanya.
"Looks yummy." Sabi n'ya sa sarili. Bigla s'yang natakam sa 'di n'ya malamang dahilan. Kumuha s'ya ng isa saka ito tinitigan. "Kinakain 'to?"
Tumango naman si Narda. Tinusok ng stick ang isa, isinawsaw sa sauce saka inilahad malapit sa bibig n'ya. "Say ah."
Palipat-lipat ang tingin ni Regina sa kwek kwek saka sa mukha ni Narda. "I didn't realize she could also be this sweet. I thought she will always be that annoying bodyguard who always ruins my day." Sabi n'ya sa sarili.
"Ma'am naman. Nangangawit na ako. Isubo mo na kaya?"
"S-sige. Ako na hahawak." Wala naman s'yang nagawa kundi kunin ang hawak nitong stick saka kumagat.
"Isubo mo kasi lahat. Quail eggs lang 'yan na binalot sa batter tapos iprinito. Masarap naman 'yan. At saka walang lason 'yan kaya 'wag kang mag-alala."
"Mmm. Masarap nga. Kuha pa ako ha?" Kumuha pa ulit s'ya ng isa habang ngumunguya.
"Sige lang. Para sa'yo talaga lahat 'yan."
Humiga ito sa damuhan saka pumikit. Nakatitig lang s'ya rito. "Bakit parang kahit payapa ang pagkakapikit n'ya ramdam kong may dinaramdam s'ya? Bakit pati ako mukhang apektado sa kalungkutang napapansin ko sa kanya?"
"Tumingin ka sa paligid, huwag sa akin." Sabi lang nito habang nakapikit pa rin. Naramdaman siguro nito ang titig n'ya.
Napahiyang iginala na lamang n'ya ang paningin sa lugar kung saan sila tumigil.
"Beautiful." Bulalas n'ya ng mapagtantong nasa gilid lang sila ng highway pero ang ganda ng scenery. "Ang peaceful naman dito. Nakakahappy."
"Nasa Marilaque highway lang tayo. Minsan kasi hindi na hinahanap pa ang happiness. Minsan kailangan mo lang iappreciate ang mga bagay na meron ka at kung ano lang ang nasa paligid. Hindi mo na kailangan pang hanapin ang wala."
"Is she pertaining to my lost memory o brokenhearted lang ito kaya humuhugot?" Nilingon n'ya ito pero nananatili lang itong nakapikit.
"Ang lalim naman n'on. May pinagdadaanan ka ba, Narda?"
Tumingin ito sa kanya pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko.
"Bakit naman napunta sa akin ang usapan? Ang sinasabi ko lang naman eh ang ganda ko. Huwag ka ng maghanap ng iba. Ako nalang kasi." Saka ito tumawa.
"Loko ka talaga! Kailan ka ba seseryoso ha?"
BINABASA MO ANG
In Another Lie
FanfictionRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...