"Love, ibaba mo nga ako. Ayokong mahirapan ka sa 'kin." Angal ni Narda habang karga-karga s'ya ni Regina sa likod nito.
"Did you remember when you always make me piggy back ride you? 'Yong mas malaki pa ako sa'yo pero ikaw pa kumakarga sa 'kin?" Tanong nito na sa wari'y inaaliw ang sarili habang naglalakad sa gilid ng may katarikang bundok.
Mag-uumaga na at kailangan na nilang makarating sa tagong daungan kung saan may ikinukubling bangka si Narda. Tatakas sila sa isla gamit ang bangkang 'yon.
"Yeah. Pero hindi naman ako nahirapan at nag-enjoy pa kasi punong-puno naman ako ng halik sa cheeks." Sagot nalang n'ya habang pinapahinga ang katawang napagod sa pakikipagbugbugan sa malalaking goons kanina. Nakayakap lang ang mga kamay n'ya sa leeg ni Regina.
"Can I have a kiss then?"
She promptly planted a kiss on her hair and on the side of her cheeks.
"Wow! Ang gaan-gaan pala talaga ng bitbit kapag may bayad na kiss." Pambobola nito sa kanya. Halatang hinihingal na ito sa pagkarga sa kanya.
"Ibaba mo na ako, love. Ayokong mahirapan ka."
"Huwag! Kakargahin kita hanggang sa makakaya ko. Magsasabi nalang ako kung hindi ko na kaya."
Magrereklamo pa sana s'ya ng makarinig ng mga yabag sa 'di kalayuan.
"Ayon sila! Habulin n'yo." Sigaw ng boses babae na alam nilang si Julie.
Kaagad s'yang bumaba sa likod ni Regina. "Love, tumakbo ka na. Ako na ang bahala dito."
Ikinasa ni Narda ang baril na dala at akmang sasalubungin ang mga lalaking tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila.
"No! Sumama ka sa 'kin! Hindi mo kaya ang dami nila."
Hinawakan s'ya ni Regina at tumakbo sila palayo sa lugar na 'yon.
Nagsimulang magpaputok ang mga ito at kaagad naman silang nagkubli sa mga puno para magtago.
Panaka-nakang gumaganti ng putok si Narda. Tinatantya ang bawat tira na sana ay may matamaan at ng mabawasan ang kalaban.
Maya-maya ay umalingawngaw ang putukan sa paligid. Sa wari'y may tumutulong na sa kanya na makipaglaban sa mga goons ni Julie.
"Hali ka na!" Inakay s'ya ni Regina. Inot-inot silang lumayo sa lugar ng putukan at baka madamay pa sila.
Nakarinig sila ng ugong ng papalapit na helicopter.
"Regina! Hali ka! Doon tayo pumunta sa may bangin. Humingi tayo ng tulong sa paparating na helicopter. May palagay akong sina Pipper 'yon."
Lakad-takbo ang ginawa nila paakyat sa gilid ng bundok pabalik sa itaas ng bangin.
"Maliligtas na tayo, Narda!" Masayang pahayag ni Regina habang paakyat sila sa taas.
"Dito! Andito kami!" Pareho nilang sigaw habang kinakaway ang kamay sa paikot-ikot na helicopter.
"Not that fast, bitches!"
Kapwa sila napalingon sa nagsalita sa likod nila.
Kaagad na ihinarang ni Narda ang katawan sa katawan ni Regina habang nakaharap kay Julie.
Nakatutok naman ang baril na hawak nito sa kanilang dalawa.
"Julie! Maawa ka. Itigil mo na ito. Kung kayamanan ang gusto mo, kung gusto mong sa'yo mapunta ang mana ko, sige, sa'yo na! Hindi ko kailangan lahat ng 'yon! Just please spare us. Let us live!" Pagmamakaawa ni Regina.
"Awa? Too late, Regina! Wala na akong nararamdamang awa para sa inyo! And sure naman ako na kapag napatay kita, sa akin na ipamamana ni dad ang lahat!" Sigaw nito habang nanatiling nakatutok sa kanila ang baril nitong hawak.
BINABASA MO ANG
In Another Lie
FanfictionRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...