Chapter 20: Someone's in a bad mood

540 36 34
                                    

"Kailangan bang kasama talaga akong maghihintay dito, Regi? Antok na antok na ako." Reklamo ni Ali sa tabi n'ya.

"Yes, Ali. Baka kung ano pa masabi ng Narda na 'yon sa akin mamaya kapag ako lang ang naghintay sa kanya kaya dumito ka lang."

"Hayst! Ang hirap talaga maging alalay ng isang Regina Vanguardia."

Tinaasan n'ya ito ng kilay. "May sinasabi ka, Ali?"

"Wala. Sabi ko magtitimpla lang ako ng kape. Tawagin mo nalang ako kapag nandyan na sila."

"Oo na."

Agad naman itong umakyat papasok sa bahay. Naiwan s'yang nakatayo sa mismong drive way.

"Finally!" Nasabi nalang n'ya ng makarinig ng tunog ng paparating na motor.

Nakahalukipkip na naghintay si Regina sa paghinto ng motor sa harapan n'ya.

"Woah! Misis na misis ang datingan ah. Naghihintay na sa labas pag-uwi ko." Natatawang sabi ni Narda habang bumababa sa motor ni Julia.

"Ops!" Agad naman itong napaatras at napasandal sa motor indikasyon na lasing pa rin talaga ito.

"Watch out, Nards. Baka masagi mo ang tambutso. Mainit 'yan. Hintayin mo kasi akong makababa. Ihahatid kita sa kwarto mo." Paninirmon ng kasama nito sa kanya.

"Kami na ang bahalang magpasok sa kanya sa bahay." Pilit n'yang hinila ang kamay ni Narda palapit sa kanya.

"Good morning, boss ma'am ni Narda. Ako nga pala 'yong karibal mo sa kanya. Baka gusto mo lang malaman bago mo ako paalisin ng 'di manlang nagtithank you." Sarcastic na banat ni Julia sa kanya habang nagtatanggal ng helmet.

Tumikwas ang kilay n'ya ng mapagtantong maganda talaga ito hindi gaya ng sinabi n'ya kanina kay Ali. Lumalabas pa ang dimples habang nakangiti.

"Hindi mo ako karibal kay Narda. Hindi ko naman s'ya gusto kagaya ng iniisip mo. Bodyguard ko si Narda kaya kailangan ko s'ya." Depensa n'ya. "As for your request, sige, thank you for bringing her home. Happy? Have a safe trip home. Makakaalis ka na."

"Mabuti naman at akin lang pala s'ya. Wala ng bawian 'yan ha?"

"O-oo naman."

"Wow! Parang 'di ko kayo naririnig ah. Ano ako chocolate para pag-agawan n'yong dalawa?" Sabad ni Narda.

"O s'ya ipapaubaya ko na muna s'ya sa'yo, boss ma'am."

"Mabuti naman at aalis ka na din."

Hinarap s'ya nito na may nakakalokong ngiti sa labi. "Don't get me wrong. Ipapaubaya ko s'ya for now pero don't expect na habang buhay 'yan. Til next time, Regina Vanguardia."

Hinarap nito si Narda. "Call me later, Narda. Aalis na ako. Ingat ka dito."

Akala n'ya ay tatalikod na ito pero laking gulat n'ya ng halikan nito sa labi si Narda sa harapan n'ya mismo.

"The audacity of this girl to kiss Narda in front of me! Hindi na nahiya!" Inilihis n'ya ang paningin. Hindi n'ya kayang tingnan ang kaganapan sa harap n'ya.

"Kung ako sa'yo, boss ma'am, alamin mo kung sino talaga ang tunay na tinitibok ng puso mo. Pakinggan mo ang puso mo at baka mas alam n'ya kung sino talaga ang totoong mahal mo. Baka pagsisihan mo balang araw na hindi ka nakinig at naging bulag ka sa katotohanan. Baka bago mo marealize, huli na ang lahat at naagaw na s'ya ng iba sa'yo... baka naagaw ko na s'ya sa'yo. Advice lang naman 'yon, boss ma'am. See you when I see you."

Nagsuot na ito ng helmet saka pinaandar ang motor at humarorot na paalis.

"Aalis na ba tayo? Kukunin ko lang ang baril ko sa kwarto." Tanong ni Narda habang sinusubukang iayos ang pagkakatayo.

"I changed my mind. We're not going anywhere. Dito nalang tayo. 'Di mo na kaya, Narda. Matulog ka nalang."

"Eh bakit mo pa ako pinauwi dito?" Mukhang nabadtrip ito sa kanya na natigil ang date nito sa babaeng kakaalis lang.

"I need you to be here. I'm comfortable when you're here, Narda. I just want to see you, always."

"Tumigil ka na nga sa ganyang linyahan, Regina. Paasa ka masyado. Hindi ka na nakakatuwa." Pagalit na sagot nito sa kanya.

"Just sleep, Narda. Ayokong makipagtalo sa lasing. Usap nalang tayo bukas." Huminga s'ya ng malalim para pigilan ang inis.

"Bahala ka nga!" Pasuray-suray itong pumanhik ng bahay.

Sakto namang pababa ng hagdan si Ali kaya tinulungan na nitong makaakyat si Narda bago binalikan si Regina na nasa labas pa rin.

"Ang ganda naman ng eksena kanina. Tinalo n'yo pa ang mga palabas sa tv ah. Tama palang hindi muna ako umuwi. Andito pala 'yong real intertainment eh." Natatawang sabi nito habang humihigop ng kape.

"Tumigil ka kung ayaw mong mabigwasan, Ali. Ubusin mo na 'yang kape mo saka umuwi ka na. 'Di na kita kailangan dito."

"User!"

Inirapan n'ya ito.

"Sabi ko nga uuwi na ako after. Kita nalang tayo sa office mamaya."

***
[The next morning]

Padabog n'yang isinarado ang pinto ng makapasok na sa kotse.

Nakita n'yang nagdial ito sa phone saka niloudspeaker. Narda's trying to call Ali so she stopped her. She pushed the end button.

"Bakit mo inend 'yong call?" Baling sa kanya ni Narda.

"Bakit mo tinatawagan si Ali?" Balik-tanong n'ya.

"Kay sir Ali ko na itatanong kung bakit ang aga-aga badtrip ka. Parang ikaw 'yong may hangover ah."

"Andito naman ako sa likod mo. Bakit hindi mo nalang ako tanungin ng diretso?"

"May usapan tayong idadaan ko kay sir Ali lahat. Dapat nga hindi kita sinasagot ngayon, ma'am."

"Cut the crap, Narda!"

"Huwag ka ngang sumigaw, Regina! Sumasakit ang ulo ko lalo sa'yo eh. Eh bakit kasi nagagalit ka na naman d'yan?Ano na naman ba ang pinuputok ng butsi mo? Dahil ba lasing akong umuwi? Bawal bang uminom?" Tinanggal nito ang shades saka hinarap s'ya.

"Oo a-at hindi lang 'yon!"

"Pinagpunas ba kita ng suka ko? Pinag-alaga ba kita sa 'kin? Hindi naman yata."

"Hindi 'yon!"

"Eh ano nga?"

"You..."

"I?"

"You kissed a girl! Screw you!" Namumula na sa galit si Regina.

"Who? Me?" Nakangising tanong nito sa kanya.

"Malamang! Sino pa ba?" Inirapan n'ya ito.

"Did I kiss her or she kissed me?"

"Parehas lng 'yon!"

"Oh eh bakit ka naman galit? 'Di naman kita girlfriend. O baka naman gusto mo lang ginantihan ko s'ya ng halik sa harapan mo?"

"Don't you dare!"

"Why? Masasaktan ka? I doubt it. Magalit ka kung ako ang unang humalik o nakipaglaplapan ako sa kanya sa harap mo. O 'yon ba ang gusto mo kaya ka galit? Nabitin ka ba? Gusto mo ng live show? Sana sinabi mo agad."

"Damn you, Nar-..."

Hindi na n'ya natapos ang sasabihin ng bigla s'ya nitong hinila saka hinalikan sa labi. Wala s'yang nagawa kundi tugunin ang mapusok nitong halik.

Hinihingal na itinulak n'ya ito matapos ang makapugto-hininga nilang halikan.

"Kaya naman pala galit. 'Di nalang nagsabi kaagad na gusto lang din pala ng kiss." Nakangising sabi nito saka isinuot ulit ang sunglasses at pinaandar na ang sasakyan habang tahimik lang s'yang nakatingin sa labas ng bintana.

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon