Chapter 17: Narda's Dark Angel

484 33 21
                                    

"Juls, where are you?" Agad n'yang tanong matapos nitong sagutin ang tawag n'ya.

Pinipigilan nalang n'yang humikbi para hindi marinig ng kausap ang pag-iyak n'ya.

"Umiiyak ka ba, Narda? Bakit ganyan ang boses mo? Nasa farm ako. Do you need anything?" Concerned na tanong nito.

"Can you pick me up? Ayoko muna dito." Nanghihinang sabi n'ya.

"Nards! Wrong timing ka naman eh. Nagdadrive ako ng truck. Magdadala sana ako ng abono sa palayan."

Natawa s'ya sa sinabi nito. Naimagine n'yang sakay na naman ito sa mala skeleton nitong farm truck na wala ng windshield dahil naibangga nila ito ng minsang maglasing sila sa bukid.

"Nababaliw ka na naman. Alam kong lumalabas na uhog mo kakaiyak pero nagawa mo pang tumawa."

"Sige na. Dito nalang muna ako sa garden at magpapahangin. Tapusin mo na ang trabaho mo. Sorry sa istorbo." Naiiling na sabi nalang n'ya dito.

"Mang Damian!" Narinig n'yang sigaw nito sa kabilang linya. "Ikaw na po muna ang magdala ng abono sa palayan. Aalis muna ako. May sasakalin lang."

Lalo s'yang napatawa habang pinapahid ang mga luha.

"You don't have to, Juls. Magiging okay din ako. Promise."

"I'll be there in an hour. Save your tears, Nards. Text me the address."

"An hour? Nahihibang ka na ba? Mahigit 2 oras papunta dito uy. Alam mo namang nasa Manila ako, 'di ba?"

"I said what I said, Nards. Send me your location."

"Julia, magtigil ka! 'Pag ikaw talaga napahamak may kaltok ka sa 'kin."

"Blah, blah, blah. Send the address now. Magbibihis lang ako."

Wala na s'yang nagawa kundi itext ang location dito matapos s'ya nitong patayan ng tawag.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, Julia." Naiiling na nasabi nalang n'ya.

***
Eksaktong isang oras ay may tumigil na bigbike sa harap n'ya.

"Mabuti pinapasok ka ng mga gwardiya? Mukha ka pa namang assassin sa porma mong 'yan." Biro n'ya dito.

"Itinimbre mo naman daw na darating ako kaya 'di na ako hinarang. Wala tuloy dumanak na dugo, sayang. Oh, helmet mo." Mabuti at nasalo naman n'ya ang inihagis nitong helmet.

"Babasagin mo ba 'tong bungo ko, Julia?" Inirapan n'ya ito.

"Mawawasak ang helmet sa tigas ng ulo mo, Narda. Nasa taas ba s'ya? Gusto mo upakan natin?"

Naiiling na nagsuot s'ya ng helmet saka umangkas sa likod nito.

"Huwag kang ano d'yan. Wala pa nga akong sinasabi."

"Namo, Narda! Kahit hindi ka pa magkwento basang-basa na kita. Martir kang hinayupak ka!"

Kinatok n'ya ang helmet nito. "Galit na galit, gusto pang manakit. Bibig mo uy! Wala na naman sa lugar ang pagiging basagulera mo. Take me somewhere now. Alis na tayo please."

"Okay, boss! Sabi mo eh." Sagot naman nito saka inarangka na nito ang motor sa direksyon palabas ng subdivision.

***
"Humawak ka uy! Ayokong maging dahilan ng kamatayan mo. Makukulong pa ako sa katangahan mo." Medyo pasigaw nitong biro ng tinatahak na nila ang highway pabalik sa farm nito.

Hinigpitan naman n'ya ang hawak at dumikit dito para makapag-usap sila kahit nasa byahe.

"Thank you for always being there on my rescue, Juls."

"Bakit hindi nalang kasi ako, Narda? Am I not good for you? Bakit s'ya pa rin kahit sinasaktan ka n'ya ng ganito?" Sagot naman nito. Ni hindi ito lumingon sa kanya, diretso sa daan lang ang tingin nito.

"Kung natuturuan lang ang puso, Juls, matagal na sanang naging tayo. Hindi ka mahirap mahalin, Julia. You've always been there for me during my lowest. Ikaw ang nandyan noong nag-iisa ako, natuliro at nawalan ng direksyon. But you don't deserve someone like me. Hindi ako mabuo-buo kasi nasa kanya ang puso ko. Sa kanya lang ako mabubuo, Julia. Sorry hindi kita kayang paasahin. Hindi mo deserve 'yon."

Natahimik ito at maya-maya ay mas bumilis ang takbo nila. Napahawak s'ya ng mas mahigpit dito.

"Juls, galit ka ba? Sorry na. Dahan-dahan lang please."

Binagalan naman nito ang takbo. "Narda..." narinig n'yang tinawag nito ang pangalan n'ya, lumapit s'ya para marinig n'ya ang sinasabi nito.

"Bakit?"

"Have you ever thought about your last 24 hours of being alive? I mean your last day on earth."

Bigla s'yang kinabahan sa tanong nito. "Woah! 'Wag mong sabihing magpapakamatay ka dahil lang sa inayawan kita? Julia, naman!"

Tumawa lang ito. "Seryoso nga kasi. Sagutin mo lang. I swear wala akong binabalak na ganyan."

Nakahinga s'ya ng maluwag sa sagot nito.

"Hindi ko alam eh. Hindi ko pinag-isipan 'yan kahit minsan."

"Paano kapag alam mong mamamatay ka na bukas? Wala ka manlang gagawin? Siguro ako, susulitin ko every seconds of it. Last na eh. Wala na kasing next day, wala ng someday, wala ng some other time. Eh ikaw?"

"I don't know. Maybe wala? Or maybe say sorry to everyone na nasaktan ko in the past. I had been playful. I had broken several hearts. Hindi ko na nga mabilang kung ilan ang napaiyak ko. Ni hindi ko na sila matandaan lahat. Maybe Regina is my karma. Kaya siguro ako nasasaktan ng ganito ngayon, kinakarma na marahil ako dahil sa pinaggagawa ko noon."

"So tinatanggap mo nalang na ganyanin ka kasi feeling mo kinakarma ka lang? Suntukin kaya kita d'yan!"

"Maybe?"

"Live each day like it's your last, Narda. Kaya hindi ako natakot na umamin sa feelings ko sa'yo. Wala namang nawala sa akin, 'di ba? Andito ka pa rin. Andito pa din tayo. Isn't that enough proof na dapat araw-araw kang maging totoo sa nararamdaman mo? Na araw-araw mong iparamdam sa mga taong nasa paligid mo kung gaano mo sila kamahal kahit na wala kang natatanggap in return. Hindi ba pwedeng masaya ka lang kasi nagmamahal ka?"

Napaisip s'ya sa sinabi nito. "Kung hindi ka lang nagdadrive pinupog na kita ng halik."

"Uy gusto ko 'yan. Sa lips pwede?"

"Heh! Sapak gusto mo?"

"Joke lang kasi pero pwede rin naman sana kung willing ka. Kaso alam ko namang hindi."

"Julia..."

Nagfvck you sign ito sa kanya. "Sagot mo nalang shot natin. Lunurin mo nalang ang sarili mo sa alak para mailabas mo 'yang sama ng loob na nararamdaman mo ngayon. Alam ko namang magpapakatanga ka pa rin ulit bukas kaya 'di na ako mag-aadvice na magmove on ka. Magsasayang lang ako ng laway." Natawa nalang s'ya sa kaprangkahan nito.

"Salamat, Juls. It helps me feel a little less guilty for loving her this much kahit feeling ko wala ng patutunguhan pa 'to."

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon