"What was that stunt, Narda? Bakit kailangan mong ipahiya si Brian kanina?"
Pagkauwing-pagkauwi sa bahay ay sinabon n'ya si Narda.
"Wala akong ginagawang masama, ma'am. Ginagawa ko lang ang trabaho ko." Nakayuko lang ito at wala yatang planong tumitig sa kanya habang nakasandal sa pader at nakapamulsa habang s'ya naman ay palakad-lakad sa sala sa harap nito.
"Will you stop looking down? Bakit ba hindi ka makatingin sa 'kin?"
Hinawakan n'ya ang baba nito saka s'ya nakipagtitigan dito. "Trabaho mo bang makialam sa date ko? Trabaho mo bang pumili ng pagkain ko? Trabaho mo rin bang malaman pati allergies ko? At trabaho mo bang punasan maski bibig ko? I see everything, Narda. You're trying to provoke Brian at hindi ko nagustuhan 'yon."
"No, hindi na 'yon kasama sa trabaho ko. Pero hindi mo ako masisisi na ginawa ko 'yon."
Umiwas lang ulit ito ng tingin na ikinainis n'ya lalo.
"Then why did you do that?"
"Kasi nagseselos ako! You know that I love you, Regina. Hindi ko naman itatanggi na 'yong actions ko kanina is out of insecurity. Ayokong makipagplastikan. Nagseselos ako dahil s'ya ang kadate mo at hindi ako." Pagtatapat naman nito sa kanya.
Hindi alam ni Regina kung paano s'ya magrereact sa sinabi nito.
"Dapat ba akong matuwa, Narda? You ruined my date!" Pagalit n'yang sigaw dito.
"And you're ruining your life by letting him into it again! Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Hindi mo kilala si Brian." Sinubukan nitong lapitan s'ya pero umiwas s'ya dito.
"At hindi rin naman kita kilala, Narda. Out of you two, mas papaniwalaan ko pa si Brian kaysa sa'yo. Kasi si Brian nag-eeffort para ipaalala sa akin ang nakaraan ko. How about you? Ano ba ang maitutulong mo for me to gain my memories back? Wala, 'di ba? 'Coz you were never a part of it. Bodyguard ka lang ng daddy ko na bodyguard ko lang din ngayon. Nothing more. Nothing less." Panunuya pa n'ya.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Regina. Hindi mo alam ang sacrifices ko para sa'yo." Nasaling yata n'ya ang ego nito kaya sumasagot na rin ito ng pasigaw sa kanya.
"Sacrifices for me? Really now? So may utang na loob pa pala ako sa hindi ko malamang dahilan. I can't believe i'm hearing this from you right now." Sarcastic n'yang tanong dito.
"Wala akong sinasabing ganoon, Regina. Ang sinasabi ko lang is 'wag mo akong ijudge base lang sa nakikita mo at sa sinasabi ni Brian sa'yo."
"What am I suppose to do, Narda? Tell me. Bakit hindi kita dapat ijudge? Bakit ikaw ang mas dapat kong piliin kaysa kay Brian? Bakit ikaw ang mas dapat kong paniwalaan kaysa sa kanya?"
"Kasi ang sinasabi ni Brian sa'yo kung paano kayo nagkakilala kanina ay kwento natin. Tayo, Regina! Tayo ang nagkakilala sa ganoong paraan at hindi kayo. Ako talaga ang nagbigay ng promise ring na 'yon kasi ako ang girlfriend mo!"
Tuloy-tuloy na umaagos ang luha sa mgamata ni Narda. Kitang-kita sa mata nito kung paano itong nasasaktan ngayon dahil sa mga sinasabi ni Regina dito.
"You're crazy! At sa tingin mo maniniwala pa ako sa'yo, Narda? You're making this all up! Kailangan mo talagang gumawa ng kwento para lang paniwalaan kita? Ganito ka na ba kadesperate?"
"Yes! I am desperate. Pero hindi para piliin mo, kundi para ilayo ka d'yan sa cheater mong ex."
"Brian is not my ex! He is my fiancè! Stop with this nonsense, Narda. Huwag mong siraan si Brian. Maawa ka naman doon sa tao. Wala s'ya rito para maipagtanggol ang sarili n'ya. Wala s'yang kalaban-laban since binabackstab mo s'ya. I'm not listening to any more of this."
"Wala rin naman yata akong dapat sabihin pa kasi magiging kasinungalingan lang 'yon sa pandinig mo. Kalimutan mo nalang na may sinabi ako na kahit ano sa'yo, Regina. I'm sorry at nakipagsagutan pa ako sa'yo." Akmang tatalikod na si Narda sa kanya.
"Ang hihilingin ko lang sa'yo is give me and Brian the space we deserve. Treat me as your boss and not anything else. Kalimutan mo na rin ang panliligaw na iniisip mo, Narda, coz I don't want you to court me."
Tumawa lang ito saka pinahid ang luha.
"As you wish, boss. Pumili ka na rin naman ng hindi mo namamalayan. But I want you to know, hindi pa rin kita susukuan. I'm fighting for us 'til the end, Regina. I've waited long enough and I will wait for you forever if needed. But if you really needed that space... sige, i'll give you that. Pero isa lang din ang hihilingin ko sa'yo, please hayaan mo pa rin akong gawin ang trabaho ko. Let me stay here as your driver and your bodyguard para mabantayan ka. Promise hindi ako magiging sagabal sa personal life mo. Hindi ko kailangang mag-exist sa mundo n'yo ni Brian kung 'yon ang gusto mong mangyari. And if you need anything from me or may iuutos ka, please tell sir Ali. Sa kanya mo nalang idaan lahat. Hindi natin kailangang mag-usap, ma'am." Tinalikuran na s'ya nito.
BINABASA MO ANG
In Another Lie
أدب الهواةRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...
