Chapter 27: Traitor of all traitors

481 26 15
                                    

"Julia, gising!"

Naalimpungatan s'ya sa malakas na lagabog mula sa labas ng pinto.

"Sandali! Hinay-hinay naman. Para namang wawasakin mo 'yang pinto ah." Sigaw n'ya mula sa loob ng kwarto habang hinahanap ang tsinelas.

"Kaka nap ko lang eh! Sino bang..." naputol ang sasabihin n'ya ng mabungaran ang kapatid na nakapameywang sa harap ng pinto.

It's Julie in her normal revealing dress with her usual heavy make up. Parehas sila ng itsura pero magkaibang- magkaiba sila sa pananamit, kilos at pananalita. In short, Julie can be Julia's socialite alter ego kung hindi lang sila magkakambal.

"Napakalaking himala naman para dalawin mo ako dito sa farm, sis. It must be so important. May problema ba?" Sabi n'ya habang inaayos ang buhok.

"Where's Narda?"

"Ma at pa?" Kibit-balikat n'yang sagot.

Naglabas ito ng baril na ikinataas naman ng kamay n'ya.

"Woah! Pati ba naman ako? Julie, naman! Chill!"

"Where's Narda?!" Pagalit ulit nitong tanong.

"Hindi ko nga kasi alam. Andito lang ako sa farm the whole time. Kakagising ko nga lang from my afternoon nap oh. Ikaw ang nasa Manila ah. Hindi mo ba pinabantayan?"

"Pupunta ba ako dito kung nabantayan sila ng maayos ng mga tauhan ko, Julia? Mag-isip ka nga."

Nilampasan s'ya nito at prenteng naupo sa sofa sa loob ng kwarto n'ya. Nagsindi ito ng sigarilyo.

Isinarado n'ya ang pinto at hinarap ito. Agad naman n'yang kinuha ang sigarilyo at itinapon sa labas ng bintana. "Alam mong hinihika ako sa amoy ng sigarilyo mo, di ba? Eh 'di pinahanap mo sana. Bakit mo sa akin hinahanap? Baka nasa Vanguardia Empire lang. O 'di kaya gumala."

Tinaasan s'ya nito ng kilay. "Akala ko ba magkakampi tayo dito, Julia? Bakit parang naglilihim ka na sa akin ha? Kumakampi ka na ba sa Narda na 'yon?"

"Wala akong kinakampihan, Julie."

"May gusto ka doon, 'di ba? Natural mag-isip akong nakikipagkasabwat ka na sa kanya."

Napatikhim si Julia sa sinabi nito. "H-hindi no! Wala akong gusto kay Narda, Julie."

"Maloloko mo ang lahat, Julia, pero ako na kakambal mo, hinding-hindi mo maloloko! Now spill it! Where's Narda and Regina?" Tanong ulit nito sa kanya.

"Hindi ko nga alam. I swear. And besides, hindi ako kasali sa plano n'yo ni mom para bantayan ko s'ya lagi. I was never a part of your evil plans. Okay na ako dito sa farm na pamana sa akin ng lolo't lola. Bakit hindi mo nalang hingiin kay dad ang parti mo? Bakit kailangan mo pang pumatay ng tao? Bakit kailangan kang maging sakim sa kayamanan, Julie?"

"Tama talagang ipinatapon kita kay mommy dito sa farm ng lolo't lola noong maliit pa tayo. Kulang ka sa ambisyon, Julia. Bakit kailangan kong maging kahati ang Regina na 'yon sa kayamanan ng daddy kung pwede namang sa akin nalang lahat, 'di ba?"

"Kung gusto mong kamkamin lahat ng yaman, kunin mo nalang sa maayos na paraan, hindi 'yong papatay talaga kayo ng tao. Kapatid mo rin si Regina, Julie. Makonsensya ka naman. Ni hindi nga n'ya alam na nag-eexist tayo."

"Exactly! Hindi n'ya alam na nag-eexist tayo kaya hindi n'ya alam na naghihirap tayo samantalang nakukuha n'ya lahat ng gusto n'ya."

"Bakit mo naiisip na naghihirap tayo eh ibinibigay naman ni dad ang lahat ng pangangailangan natin? Hindi naman s'ya nagkukulang sa sustentong halos sa inyo na nga lang ni mom napupunta. Hindi na nga ako nakikihati, 'di ba?"

"Kulang, Julia! I can't even live luxuriously. I can't even travel the world like I wanted to. At dahil 'yan kay Regina! Ayaw mo ba ng financial stability? Ayaw mo bang mabili lahat ng gusto mo?"

"I am happy with what I have, Julie. Hindi ko kailangan ng sobra."

"Enough!" Tumayo ito at dinuro s'ya. "I'm giving you 24 hours to find Narda. Kundi uubusin ko lahat ng mga hayop dito sa farm mo!" Pangbablackmail pa nito sa kanya. Palibhasa alam nitong mahal na mahal n'ya ang lahat ng alaga n'ya sa bukid.

"Susubukan kong hanapin s'ya, Julie. If wala, eh 'di ikaw ang maghanap! Don't you dare blackmail me with my animals kung ayaw mong ako mismo ang magsumbong sa inyo ni mom sa mga pulis!" Ganting banat n'ya rito.

"Kinakalaban mo na ba ako, Julia? Kay Narda mo ba natutunan 'yan?"

"All my life, naging sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto mo, Julie. If ayaw mong magtake ng exam, i'll be there para pumalit sa'yo. If may pinagtataguan kang lalaki, nakikipagpalit ka ng identity sa akin. Ako pa dati ang nasasampal ng mga babaeng nilalandi mo ang mga boyfriend dahil inaakalang ako ikaw. I had been your life's savior, Julie. Had! Hindi na ngayon. Hindi porket mahal kita bilang kapatid, eh mananatili akong bulag at bingi sa masamang pinaggagawa n'yo ni mom. Huwag mo na akong idamay! Please let me live a peaceful life."

Huminga ito ng malalim at nagbait-baitan na naman. Alam na ni Julia ang style nito kaya napailing na agad s'ya.

"Huwag ka namang ganyan, sis. Just let me know Narda at Regina's whereabouts tapos hahayaan na kita. Hindi na kita gagambalain pa. Please consider this as my last favor."

Napahinga s'ya ng malalim. "I'll call you if alam ko na kung nasaan sila. Labas na ako sa kung ano man ang gagawin n'yo pagkatapos."

"Yehey! Thank you, sis! I know I can always count on you. Love yah! See you."

Niyakap s'ya nito saka umalis na. Napaupo nalang s'ya sa sofa habang nag-iisip.

She dialled Narda's number pero walang sumasagot. She even texted her pero walang reply.

"Hay, Julie, kung hindi lang talaga kita kapatid!"

Kinuha n'ya ang susi ng motor. Nagdesisyon s'yang pumunta nalang sa bahay nina Regina para makibalita sa kinaroroonan ng mga ito.

Hindi pa man s'ya nakakalayo ay may humarang na sa kanyang motor. Mabuti at nakapagpreno s'ya kaagad bago pa man sila magkabanggaan.

Agad s'yang tinutukan nito ng baril pagbaba nito sa sariling motor.

"Baba!" Sigaw nito.

Wala namang nagawa si Julia kundi ang sundin ito.

"Si-sino ka? A-ano'ng gagawin mo sakin?" Hintakot na tanong n'ya.

"Ililigtas ka sa tiyak na kapahamakan, Julia! Ayokong magpagamit ka pa sa kapatid mo!" Sagot nito bago s'ya pinukpok ng baril sa batok para mawalan ng malay.

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon