"Make yourself likeable, Narda. Make her like you. Make her believe that she needs you to stay by her side. Tito Rex told you to." Paalala ni Narda sa sarili habang palakad-lakad sa labas ng kwarto ni Regina.
Napatingin s'ya sa wrist watch. "Hindi pa ba s'ya gising? May meeting s'ya in 30 minutes ah."
Sinubukan n'yang ilapit ang tenga sa pintuan pero ni kaluskos wala s'yang naririnig mula sa loob ng kwarto.
"Ah! Bahala na!"
Binuksan n'ya ang kwarto nito gamit ang spare key na bigay ni Rex sa kanya.
"Regina? Gising ka na ba?" Mahinang tawag n'ya dito habang nakasilip sa may pintuan.
Wala. Hindi pa rin sumasagot.
"Hmmm." Kinapa n'ya ang switch. "Buksan ko kaya ang ilaw? Naku! Baka magalit. Pero kasi malilate na s'ya 'di ba?"
Lumapit s'ya sa kama nito para yugyugin sana at ng magising na pero ang maamo naman nitong mukha ang nabungaran n'ya na sobrang payapa sa pagkakatulog.
"You sleep like a baby talaga. Ang amo ng mukha mo kapag tulog."
Maya-maya pa ay bumaba ang tingin n'ya sa labi nitong bahagya pang nakaawang habang humihilik ng mahina. Nakagat n'ya ang pang-ibabang labi.
Napalunok s'ya at biglang napaatras. "Hindi ito ang tamang oras para dito."
Mas pinili nalang n'yang buksan ang kurtina ng kwarto nito para pumasok ang sikat ng araw.
"What the f-..." Bulyaw nito.
Huminga ng malalim si Narda at pilit na ngumiti bago lumingon mula sa bintana.
"Wtf! Ali! Why did you open the curtains? And who gave you the permission to enter my room? Get out!" Sigaw si Regina habang nagtatakip ng unan sa mata. Nasilaw s'ya sa liwanag ng araw na pumapasok sa nakabukas ng kurtina.
Tumikhim si Narda. "Good morning, ma'am Regina."
"What the he-..." Bigla naman nitong tinanggal ang unan, tumingin sa kinaroroonan n'ya at nagkusot ng mata na para bang sinisigurado kung tama ba ang nakikita.
"Ma'am naman. Wala bang good morning manlang d'yan? Puro naman kayo mura eh. Ang aga aga."
Bumangon ito at sinamaan s'ya ng tingin. "Sino ba kasing nagsabi sa'yo na pwede kang pumasok sa kwarto ng may kwarto ha? Pumayag na ba akong maging bodyguard ka? Bakit andito ka sa kwarto ko? Labas!" Sigaw ni Regina dito.
"Ma'am naman. Kalma. Ang puso n'yo, ang aga aga nahahighblood na agad kayo."
"Highblood? Me? Yeah! And that's because of you. Why don't you get out of my sight so we can both have a good morning ha?" Litanya nito habang nagsusuot ng bathrobe.
Hindi nakalampas sa paningin ni Narda ang see-through nitong nighties pero mas pinili nitong magpakaseryoso.
"Ma'am naman. Personal bodyguard n'yo na po ako sa ayaw at sa gusto n'yo. Ang daddy n'yo po ang nag-assign sakin dito. Wala na po kayong choice." Nakangiti pa rin n'yang sagot dito.
"The h*ll with dad and his decisions for me! I'm a grown-up now. I can take care of myself. I can decide for myself. And it is my decision if I wanted another bodyguard or not. And my decision is final. I. Don't. Want. You. Here. Period!"
"Naku! Pigilan ako ng mahabaging langit! Papatulan ko na 'to." Pilit n'yang pinapakalma ang sarili.
"May sinasabi ka?" Tumaas ang kilay nito at humalukipkip sa harap n'ya.
"Ang agang pagmamaldita naman n'yan, ma'am Regina. Kalma. Kaya lang naman ako nandito para iremind ka na may meeting ka in..." Tiningnan n'ya ang orasan n'ya. "...In 20 minutes."
"W-what? Bakit hindi mo sinabi agad? Bakit hindi ako niremind ni Ali? F*ck! I'm gonna be late." Natatarantang tanong nito.
"Eh kung 'di ka sana talak ng talak kanina pa eh 'di ka sana malilate sa meeting mo." Bulong n'ya.
"Yes? Why don't you say it to my face? Hindi 'yong bubulong-bulong ka like a bee."
Napailing nalang si Narda. "Tumawag ang secretary n'yo sa baba ma'am. Nakapatay daw ang cellphone n'yo kaya hindi n'ya kayo matawagan. Nagmagandang loob lang naman po sana ako na sabihan kayo since kanina pa po katok ng katok ang maid pero hindi po kayo sumasagot."
"So kasalanan ko pa na 'di ko narinig ang katok nila ganoon?" Nameywang na talaga ito sa harap n'ya tanda ng pagkairita.
Napalatak si Narda. "So stubborn, Regina."
"Ay naku hindi n'yo po kasalanan ma'am. Kasalanan siguro ng maid na hindi s'ya nagdala ng martilyo at symbals para magising ka. O kasalanan n'ya kasi sana sinira n'ya nalang 'yong pinto 'di ba? O 'di kaya kasalanann ng secretary mo. Sana inusog nalang sa hapon 'yong meeting at ng 'di naman nasisira ang beauty rest n'yo." Sarcastic na sabi n'ya dito.
"Narda!!!" Sigaw nito at binato s'ya ng unan na kaagad naman n'yang nasalo.
"Ay oo nga. Kasalanan ko din pala kasi sana binitbit nalang kita sa shower at pinaliguan kaysa nakikipagsagutan pa po ako sa inyo dito with respect."
"Argh! Kung hindi lang talaga ako malilate pinatulan na kita."
"Ay hindi pa ba, ma'am?" Nakangising tanong n'ya rito. Pero itinaas din ang kamay matapos damputin nito ang sariling cellphone at akmang ibabato na sana sa kanya. "Relax, ma'am. Meeting?" Itinuro pa n'ya ang wrist watch.
"I can't believe you. Argh!" Nagdadabog na itong tumalikod sa kanya para pumasok na sa banyo.
"Eh kung nginitian nalang po sana n'yo ako pagmulat ng mata n'yo eh 'di papunta na po sana tayo sa meeting n'yo ngayon."
"Argh! Stop talking! Sumasakit ang ulo ko sa'yo, ang aga aga. You're so annoying!"
"Cute naman."
"Who told you that? They're lying."
"Hindi nagsisinungaling ang lola at mama ko, ma'am. Sila kaya nagsabi na cute ako."
"Enough, Narda! Tell the driver to get ready. I'll be there in 5 minutes."
"50 minutes?" Pang-iinis n'ya pa.
"Fiiive! I said five!"
"Chill, ma'am. Baka kasi matagalan ka pa sa pagtanggal palang ng muta mo."
"Narda!!!"
"Sabi ko nga 5 minutes."
BINABASA MO ANG
In Another Lie
Fiksi PenggemarRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...