Chapter 4: Promises are made to be broken

480 30 0
                                    

"You know what, Ali? I feel like there's something more to Narda than being just an annoying bodyguard to me." Sabi n'ya habang nilalaro ang singsing na nasa kwentas n'ya.

"What do you mean, ma'am? Na may malaki talaga s'yang parte sa nakaraan mo? Ganoon? Like lover mo s'ya before ka naaksidente?"

Napatawa si Regina sa sagot ni Ali. "As far as I know, I am far from being a lesbo. I'm straight, Ali. Sigurado ako doon. Though I am an ally. Wala naman akong problema sa lgbt community."

"Eh paano mo naman nasabi na feeling mo hindi lang annoying bodyguard si Narda para sa'yo?"

Tinanggal n'ya ang kwentas at tinitigan ang singsing na ginawa n'yang palawit dito.

"I can't explain, Ali. Feeling ko kasi parang sobra n'ya akong kilala na hindi umuubra ang kamalditahan ko sa kanya. Like I take a step and she already has 3 counters. Parang mas kilala pa nga n'ya ako kaysa sa sarili ko."

"Eh kung ganoon bakit hindi mo nalang s'ya tanungin kung gaano ka nga ba n'ya talaga kakilala."

"Nope! I don't like to start a conversation with her. Hindi ko alam pero parang ang hirap n'yang pagkatiwalaan. Parang ang init ng dugo ko sa kanya sa 'di ko malamag dahilan."

"Ewan ko lang, ma'am ha? Pero sa pagkakakilala ko sa'yo, never ka naman talagang nagtiwala kahit kanino. Kahit nga sa akin na secretary slash only friend mo, hirap mo ngang pagkatiwalaan sa mga personal na bagay. Maybe try to be open to people kahit paunti-unti lang. Baka si Narda pa ang makakapagpabalik ng iba mong alala-alala since mas kilala ka naman n'ya kaysa sa akin."

"Pag- iisipan ko, Ali. Mas curious naman ako sa taong nagbigay ng singsing na 'to sa akin." Nilaro-laro n'ya ang singsing.

"Ang hirap namang magkaamnesia. Ang daming nakakalimutan."

Sinamaan n'ya ito ng tingin. "Malamang mahirap. Amnesia nga 'di ba? Never ko gugustuhing magkaganito kung may choice lang ako, Ali."

"Sabi ko nga." Naiiling na sabi nalang nito. "Pero baka daddy mo lang ang nagbigay ng singsing na 'yan? Maybe gift n'ya sa'yo."

"No. Malakas ang kutob ko na it's from someone special. Maybe it's a promise ring. Feeling ko may babalik para sa akin. Hindi ko lang alam kung kailan at kung sino."

"Bakit kasi hindi ka nalang magjowa, ma'am, kaysa umasa sa someone na parang hindi naman talaga nag-eexist. Start to move on at hayaan mo nalang 'yang nakaraang hindi mo maalala. Baka it's better that way. Malay mo baka hindi mo maalala kasi dapat mo na talagang kalimutan."

Napaisip s'ya sa sinabi ni Ali. "Maybe he's right."

"You might need someone na magdadivert ng attention mo mula sa pag-alala ng nakaraan? Hindi mo ba gustong may kayakap sa gabi? Ayaw mo ba ng may matawag na sa'yo?"

"I think I already have someone, Ali. After kong magising from coma nasa kamay ko na itong singsing na ito. Umaasa ako na anytime soon babalikan ako ng nagbigay nito."

"Anytime soon pero umabot ng 5 years? Ma'am, baka naman naghihintay ka sa wala? Let's be realistic, Regina, as a friend, kung totoo man 'yang someone na 'yan dapat eh nasa tabi mo s'ya ng gumising ka from your coma. Dapat s'ya ang una mong nabungaran. Dapat isa s'ya sa magpapaalala sa nakaraan mong hindi mo maalala. Kung totoo man s'ya, dapat hindi ka n'ya iniwan."

"Basta feeling ko totoo s'ya. Maybe he has his reasons. Maybe he's stuck with something kaya s'ya natagalan. Basta alam kong meron. I feel it in my heart, Ali. Babalikan n'ya ako."

"Nasaan nga s'ya, maam? Wala akong nakikita. Wala kaming nakikita. Kung totoong meron ma'am sana paggising mo from coma may kasama ka na. Paggising mo may hahawak sa kamay mo. May hahalik sa'yo. May yayakap. May aalalay. May magmamahal at nag-iinspire sa'yo na ngumiti at ng 'di ka nagmamaldita ng ganyan."

"Aliiii!!! Wala talaga kayong pinagkaiba ni Narda. Parehas kayong mahilig manira ng araw."

PS: Be patient with the slow pacing.

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon