"Akin ka nalang ulit, love. Uwi ka na sa'kin please." Gusto sanang idagdag ni Narda pero pinigilan n'ya ang sarili.
Umupo s'ya sa damuhan at tinanaw ang bangin sa 'di kalayuan.
"This place is spectacular, Narda. How did you discover this?"
"This maybe heaven for you, ma'am, but this is hell for me for so many years."
Hindi na kaya pang pigilan ni Narda ang emosyon. Sinusubukan nalang n'yang pigilan ang pagpatak ng luha.
"Why is that, Narda?" Nakakunot-noong tumabi ito sa kanya sa damuhan.
("You can't tell her anything, Narda. Hindi dapat maconfuse at matrigger si Regina.") Paulit-ulit na rumihistro sa utak ni Narda ang mga salitang ito ni Rex Vanguardia.
"God knows how much I wanted to tell you everything, love. But I can't. I need to stop myself from doing so." Malungkot na tumitig si Narda sa mga mata ni Regina. "Please remember me, love. Bakit pati puso mo hindi na ako maalala?"
"Narda?" Nakatitig din sa kanya si Regina habang naghihintay ng sagot.
Huminga s'ya ng malalim. "I lost my girlfriend here, ma'am. Naaksidente ang sinasakyan n'ya sa bahaging 'yon ng pauwi na s'ya sa isla kung saan kami nakatira." Itinuro n'ya ang bangin na malapit lang sa kinaroroonan nila.
"Hindi naman siguro masamang maglabas ng nararamdaman, di ba? All this years I tried to be strong for us. Itinago ko 'tong sakit na nararamdaman ko pero hindi ko na yata kaya pang sarilinin 'yong sakit lalo at nasa harap lang kita, love. Kung pwede ko lang sanang sabihin sa'yo 'to."
"I'm sorry, Narda. I didn't know." Bakas naman dito ang lungkot at pakikisimpatya sa nararamdaman n'ya.
Umiling s'ya saka pilit na ngumiti dito. "It's okay, ma'am. Sorry at naging emotional ako. Namimiss ko na kasi s'ya. Alam mo ba? Lagi akong bumabalik dito. Kapag masaya ako o malungkot, dinadalaw ko 'tong lugar na 'to para ikwento sa kanya 'yong nararamdaman ko."
"I'm sorry for your loss, Narda." Hinawakan nito ang kamay n'ya.
"Hindi pa s'ya patay, ma'am. Hindi ko lang s'ya pwedeng makasama."
"Oh!" Sabi lang nito sabay bawi sa kamay na nakahawak sa kamay n'ya. "Silly me. Sorry at nag-assume ako. Ikaw kasi, ang drama drama mo d'yan eh buhay pa naman pala ang girlfriend mo."
"Buhay nga s'ya pero hindi ko naman pwedeng makasama. Ginive-up ko s'ya sa daddy n'ya kasi 'di ko naman kayang gastusan 'yong operation n'ya. Sino lang ba ako kaysa sa sobrang powerful n'yang tatay. Ayon, hinayaan ko nalang na dalhin s'ya ng daddy n'ya sa ibang bansa para ipagamot. After n'on wala na akong naging balita sa kanya until recently. Kailan ko lang nalaman na okay na s'ya at nakabalik na sa bansa. Never n'ya na rin kasi akong binalikan sa isla."
"Bakit hindi mo s'ya puntahan ngayon?Bakit kasi hindi mo s'ya ipaglaban? Baka naman pwede pa o baka naman pwede na ulit maging kayo?"
"Paano ko s'ya ipaglalaban kung s'ya mismo hindi n'ya na ako natatandaan?" Nakagat ni Narda ang pang ibabang labi. Nadulas ang dila n'ya. "I mean paano ko s'ya ipaglalaban kung mukhang kinalimutan nalang din naman n'ya ako."
"Oh, Narda." Bakas sa mukha ni Regina ang awa para sa kanya.
"What can I do to help?" Sincere nitong tanong.
"Hayaan mo na 'yon, ma'am Regina. Pero salamat pa rin. Napagaan mo ang loob ko dahil nakapag-open up ako sa'yo. Sapat na 'yon."
"Hmmm. Glad to hear that. But if I can be of help just let me know."
"Sana nga ikaw nalang s'ya para maging happy na rin ako pero alam naman nating impossibleng maging ikaw s'ya. Kabaliktaran kayong dalawa eh. Sobrang bait n'on samantalang ikaw eh anak yata ni Hitler sa pagkamaldita."
"Okay na sana eh. Kala ko seryoso na tayo dito tapos andyan ka na naman sa pagiging annoying mo. Talagang hindi magiging ako ang girlfriend mo kasi 'di kita matagalan kahit isang oras manlang. Ang kulit kulit mo kasi, sobra. Paano natiis ng girlfriend mo 'yang pagiging annoying mo, Narda?"
"Ha! Ha! Ha! If you were my girlfriend hindi mo sasabihin 'yan, ma'am Regina. Pinakacaring at pinakaloving na girlfriend yata ako sa buong mundo. Kita mo nga ilang taon na akong hindi binalikan, hinihintay ko pa rin. Minamahal ko pa rin. Inaalagaan ko pa din dito sa puso ko."
Mahabang katahimikan ang pumuno sa paligid. Mga huni ng ibon, lagaslas ng dahon, ihip ng hangin at tunog ng mangilan-ngilang sasakyan na dumadaan lang ang maririnig.
"Then let me experience how to be loved by you, Narda. Let's pretend that I am your girlfriend for twenty four hours."
BINABASA MO ANG
In Another Lie
FanficRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...