Chapter 1: Narda

616 29 4
                                    


"Where's Narda?" Tanong ni Regina all of a sudden.

"Who's Narda?" Tanong ni Ali na litong napatingin sa kanya mula sa pag-aayos ng mga dokumento n'ya sa lamesa.

"N-narda?" Napamaang s'ya. "Sino nga ba si Narda?" Naitanong n'ya rin sa sarili.

Biglang napahawak sa ulo si Regina na s'ya namang ikinataranta ng secretary n'yang si Ali.

"Wait. Kukunin ko lang ang gamot mo. Just stay put, ma'am."

Natatarantang naghalungkat ng gamot sa drawer si Ali.

Regina forced herself to calm down and focused on her breathing to clear her mind from unnecessary blurry thoughts.

Agad namang inabutan ni Ali ng gamot at tubig si Regina saka pa lamang umayos ang pakiramdam n'ya pagkainom nito.

"Who's Narda again ma'am?"

Umiling si Regina. "Nevermind, Ali. Maski ako hindi ko alam kung sino s'ya. Hindi ko maalala. A colleague, maybe. A friend from the past I guess. A stranger maybe. Pero pakialam mo ba, Ali? Bakit ka ba tanong ng tanong?"

Napaatras si Ali. "Bumuga na naman ang dragon." Naisa-isip n'ya.

"Eh ikaw 'tong naghahanap kay Narda eh hindi ko naman s'ya kilala tapos magagalit ka sakin?"

Tumaas ang kilay ni Regina sa naging sagot nito. "Ano ulit 'yon, Ali?"

Napakamot naman ito sa batok. "Ah, wala. Wala po akong sinabi ma'am. Kalimutan n'yo nalang na sumagot ako. Sabi ko nga na lalabas na ako at hahanapin ko si Narda."

"Gooo! Get out , Ali!"

"Tangnang buhay 'to oo. Parang 'di naman ako nito kaibigan sa totoong buhay kung makapalayas."

"Wala ka na bang kailangan? Okay ka na ba dito?"

Sinamaan lang s'ya nito ng tingin habang itinuturo ang pinto habang nakahawak na naman sa ulo.

"Sabi ko nga lalayas na ako at hahanapin si Narda."

"Ali!!!"

Kaagad na n'yang isinarado ang pinto sa likod pagkalabas n'ya at baka mabato na naman s'ya nito ng kung ano-ano.

Naiiling na napabuntong-hininga nalang si Ali.

"Bad mood yata amo mo ah." Nakangising bati ni Xandra ang sumalubong sa kanya. Dinig siguro nito mula sa labas ang sigaw ni Regina kanina.

"Kilala mo ba si Narda?" Tanong din ni Ali kay Xandra.

"Sino'ng Narda? Wala akong kilalang Narda."

Ikinumpas ni Ali ang kamay sa ere. "Yaan mo na nga. Go back to work." Tinalikuran na n'ya ito.

"Saan ka pupunta? Baka hanapin ka na naman ng dragon sakin." Pahabol na tanong nito.

"D'yan d'yan lang. Hahanapin kung sino man 'yang si Narda."

"Goodluck, Ali." Narinig n'yang napabungisngis si Xandra pagtalikod n'ya.

"Heh!"

***
"Narda, Narda, Narda... sino ka nga ba talaga? Bakit hindi kita matandaan."

"Are you somewhat special to me at ganito ako mabother sa pangalan mo palang?"

"But if you're that special...bakit kita nakalimutan in the first place?"

Walang nakuhang sagot si Regina sa mga tanong n'ya.

After that car accident 5 years ago, only bits and pieces of her memory came back. Her childhood, her elementary and highschool years even her college days sa states, naaalala n'ya na lahat. But beyond that wala na. Everything after that is still a puzzle na kailangan n'yang buuin.

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon