Special Chapter 1

550 26 9
                                    

"Uy, Ali! Sabi ko nga ba ikaw 'yan eh."

"Couz?" Napalingon naman ito ng hawakan n'ya sa balikat.

"Kamusta? Dito pa tayo nagkita sa mall ah? Kamusta sila Tito?"

"Okay lang naman ako. Okay lang din sila. Ikaw, kamusta?"

"Okay na okay lang din. Kakabalik ko lang 2 days ago. Bibisita nga dapat ako sa bahay n'yo this within this week. Ikaw na ba ang humahandle sa family business n'yo, Ali?"

"No. Si daddy pa din doon. Matagal na akong umalis sa bahay, couz. Sa Vanguardia Empire na ako nagtatrabaho ngayon."

"Ha? Really? Hindi ko alam na doon ka pala nagtatrabaho, Ali. Kailan pa?"

"Hmmm. Almost 4 years now. Why don't you join me for coffee at ng magkakwentuhan tayo?" Yaya sa kanya ni Ali.

***
"So... kilala mo si Regina Vanguardia?" Tanong n'ya dito matapos silang omorder ng kape.

Nilingon ito ni Ali. "Kilala mo ang boss ko?"

"Hindi lang kilala, Ali. Kilalang-kilala." Nasabi n'ya sa isip.

"Yeah. Kamusta na pala s'ya? I haven't seen her in 5 years maybe. Huli kaming nagkita before ako umalis papuntang New York."

"Okay naman din s'ya. Coping up."

"With what? Break na ba sila ng jowa n'ya?" Kumislap ang mata n'ya sa isiping malaya na ito.

"Jowa? Wala s'yang jowa, couz. Or atleast hindi n'ya lang matandaan kung meron nga."

Kunot-noong napatitig s'ya kay Ali. "What do you mean?"

"She meet a car accident 5 years ago. Ayun, hanggang ngayon hindi pa bumabalik ang ibang memories n'ya."

"So wala na si Narda sa buhay n'ya? Ano kaya ang nangyari?" Naisa-isip n'ya.

"Naku! Bakit kaya hindi ko nabalitaan 'yon?"

"Malamang busy ka na sa pambababae mo sa ibang bansa ng panahong 'yon." Panunudyo nito sa kanya.

"Nagbago na ako uy!"

"Asa pa ako, cous. Pero maiba tayo baka naman close kayo ni ma'am Regina noon. Baka kilala mo 'yong may-ari ng singsing na suot n'ya? Hinahanap n'ya 'yong nagbigay sa kanya n'yon eh. Tinutulungan ko nga s'yang hanapin ang may-ari n'on kasi feeling n'ya importante ang taong nagbigay n'on sa kanya."

"Sigurado akong galing kay Narda ang singsing na 'yon. Wala namang ibang bukambibig si Regina kundi s'ya. S'ya na naging rason kung bakit ako iniwan ni Regina."

"Akalain mo 'yon, Narda. Makakabawi pa rin pala ako sa'yo. Makakaganti pa rin pala ako sa'yo. Mababawi ko pa rin pala ang para sa akin."

"Kilalang-kilala ko ang nagbigay ng singsing na 'yon kay Regina, Ali." Nakangising sagot n'ya rito.

"Woah! Talaga ba? Mabuti palang nagkita tayo dito. Sigurado akong matutuwa si Regina kapag ibinalita ko sa kanya 'to. Sino, couz? Sino ang nagbigay ng singsing kay Regina?"

"Ako, Ali."

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon