"Tama ba ang narinig ko? Akin ka muna for 24 hours?" Kitang kita sa mata ni Narda ang sobrang happiness at longing kaya hindi na n'ya pwede pang bawiin ang nasabi na n'ya.
"I guess i'm a woman of my word, Narda. I said what I said.." Nasabi nalang n'ya.
"24 hours? Kahit saan kita dalhin? Kahit ano'ng gagawin?" Namimilog ang mata nito sa excitement.
"Shit! Why did I even think about this? Mapapasubo yata ako." Naisa-isip n'ya.
"Y-yes! But only for 24 hours. After this kalimutan natin na nangyari manlang 'to. I just want to ease a little of your pain, Narda."
"This is absurd, Regina. Kung ano anong kagagahan ang nasa isip mo." Saway n'ya sa sarili.
Sandali itong natahimik saka tumayo at inilahad ang kamay sa kanya ng nakangiti.
"Let's go, love. Let's make the best out of it. 24 hours kang akin, Regina. No buts. No what ifs. No hesitation. No limit."
"But..." magrereklamo sana s'ya pero sinaway s'ya nito.
"Ano'ng no limits? Wala naman akong sinabing ganoon ah. Kasama ba 'yong intimate moments ng magjowa sa gagawin namin ngayon? Shit!" Napalunok nalang si Regina sa naiisip. Bigla s'yang kinabahan sa posibilidad na mangyayari nga 'yon.
"Op, op, ops! Kakasabi ko lang ng no buts. Just play along. Hindi ko hahayaang pagsisihan mo ang araw na ito, Regina. Come on now."
"Ikalma mo, Regina. Walang mangyayaring ganoon. Just look after yourself. Hindi mo naman s'ya hahayaang gawan ka ng masama. Hindi ka naman n'ya mapipilit sa bagay na hindi mo gustong gawin." Paalala n'ya sa sarili bago tinanggap ang kamay nito.
Narda intertwined their fingers. "Relax, love. Nanginginig ang kamay mo. Nararamdaman ko ang pagkatense mo." Pansin nito.
Tumikhim s'ya saka huminga ng malalim. Pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi n'ya mawari ang nararamdaman ngayon. Excitement? Awkardness? Discomfort? Thrill?
"Enough of my stupid self evaluation! Mas gusto ko nalang malaman kung paano ba magmahal ang isang Narda Custodio. Ginusto ko 'to kaya dapat kung panindigan. I am Narda's girlfriend today so I must act like one." Paalala n'ya sa sarili.
"Take me wherever you want, love." Nakangiting sabi nalang n'ya dito.
***
Sumakay ulit sila sa scooter nito saka bumyahe na naman. This time ay mas komportable na s'ya sa paghawak sa bewang nito na panaka-naka ay hinahawakan din ni Narda.Nangingiting ginagantihan n'ya rin ito ng haplos na para bang natural nalang sa kanya.
Dumaan pa sila sa mall para bumili ng mga kakailanganin para sa tinatawag nitong "little honeymoon" nila.
"We're here."
Matapos ang medyo mahabang byahe ay nakarating sila sa isang bahay sa gilid rin ng bundok. Katamtaman lang ang laki ng bungalow na sa tingin n'ya ay may 2 o 3 lang na kwarto.
"Mas maganda dito, Narda." Sabi n'ya habang nililibot ang paningin sa paligid.
"Mabuti at nagustuhan mo. Halika pasok na tayo sa loob." Yaya nito sa kanya. Bitbit nito ang mga pinamili nila.
"Kaninong bahay 'to, Narda?" Tanong n'ya habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng bahay.
Minimalist lang ang theme nito na nagustuhan naman n'ya at ang nagpapaganda lalo ay ang malalaking bintana na nakaharap sa berdeng tanawin.
"Sa'tin." Nakangiting sagot nito. Nakuha naman n'ya ang ibig nitong sabihin.
"Oh! You mean you and your girlfriend bought this place?"
"Actually binili ko itong lupa na ito pagkatapos na ng accident n'ya. Madalas naming daanan ang lugar na 'to kapag papunta kami ng Manila. Sabi n'ya one day bibili kami ng property dito. Ako na ang tumupad para sa kanya." Sagot nito sa kanya habang inaayos ang mga pinamili sa ref.
"You're really a sweet girlfriend, Narda."
Nagkibit-balikat lang ito. "Siguro nga."
"Do you want to rest ba muna? Bedroom's on your right. May inuutusan naman akong tagalinis dito sa bahay weekly kaya kahit ilang buwan pa akong hindi makadalaw dito sure ako na malinis at maayos ang mga gamit dito. Feel at home, love. Bahay mo na rin ito. Ipagluluto lang kita ng lunch." Hindi na ito nag-abala pang tingnan s'ya at nagpatuloy na sa ginagawa sa kusina.
"Thank you, love." Yumakap s'ya dito mula sa likod.
Narda froze. Hindi nito malaman kung paanong magrereact sa yakap n'ya.
Nagulat din si Regina sa actuation n'ya pero hindi na n'ya mababawi pa ito at nagawa na n'ya.
"Ahm. Sa kwarto lang ako if ever you need anything." Sabi nalang ni Regina saka dali-daling tumalikod kay Narda.
"Shit, Regina! Pinapangatawanan mo naman masyado ang pagiging girlfriend mo! Nakakahiya ka!" Saway n'ya sa sarili.
Sa pagmamadali ay ibang kwarto ang napasukan n'ya.
"Wow! May recording studio s'ya sa bahay?" Hindi n'ya mapigilan ang sarili at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa loob.
She brushed her fingers on the mixing boards as she continue to walk her way unto the piano on the left side of the room.
Parang may sariling utak ang mga kamay n'yang nagtipa sa keyboard ng pailang-ilang nota na nakabuo ng banayad na melodiya.
"Wrong door?"
Nalingunan n'ya si Narda na nakapamulsa sa gilid ng pintuan.
"Sorry. I invaded your privacy. Bawal yata ako dito. Hindi ako dapat pumasok dito." Akmang lalabas s'ya ng kwarto ng pigilan s'ya sa kamay ni Narda.
"It's okay. This is all for you, love. Pinagawa ko talaga 'to para sa'yo. You used to sing and play the instruments when we were together. I even encouraged you to follow your dreams. And you did, love. You did good in it too. Sobrang akong naproud sa'yo so we even rented a studio para buuin ang album ng mga kantang isinulat at kinakanta mo."
"So singer-songwriter ang girlfriend ni Narda." She concluded.
"You have bigger dreams than being just your father's heir, love. Natupad mo na sana 'yong mga pangarap mong 'yon. Hindi mo lang nakita kasi nawala ka ng ilang taon."
"She's so invested in our role playing kaya hindi ko na s'ya magawang sawayin pa. But it feels real. Feeling ko para sa akin talaga ang mga sinasabi n'ya. I don't know what to say though. I don't know how to react." Sabi n'ya sa sarili.
"I miss you, love. I really really miss you. Akala ko hindi ka na makakabalik sa'kin. Akala ko hindi na kita makikita ulit."
Narda started crying in front of her at nagpanic si Regina. Hindi n'ya alam kung paano n'ya ito icocomfort.
"Shhh! Stop crying, Narda."
Hindi n'ya alam ang gagawin. Nakatingin lang s'ya sa lumuluhang si Narda.
She suddenly held the back of Narda's neck, pulled her close and kissed her gently on the lips.
Nanlalaki ang matang parang napapaso s'yang napalayo kay Narda. Huli na ng napagtanto n'ya ang nagawa.
"Shit! I kissed a girl!"
BINABASA MO ANG
In Another Lie
Fiksi PenggemarRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...