Chapter 22: Blurry memories

497 33 16
                                    

"Babe baka mabangga ka kakatingin sa likod." Untag ni Brian sa kanya habang magkahawak-kamay silang naglalakad papunta sa kakainan nilang restaurant.

"Sorry." Sabi nalang n'ya saka pilit ng idineretso ang paningin sa nilalakaran.

Pero maya-maya ay napatingin na naman s'ya sa likod.

"Regina, naman. Ako ang kasama mo ah? Bakit parang may iba ka naman yatang hinahanap? Bakit ba kasi sa malayo nagpark 'yong driver mo eh meron namang parking area sa malapit?" Reklamo pa nito.

"Aw, sorry, Bri. I was just looking for Narda. You know i'm uncomfortable without a bodyguard. May importanteng tawag kasi na kailangan n'yang sagutin kanina kaya doon na kami nagpark malapit sa mall. It's just a few minutes walk so I don't mind." Pagdadahilan pa n'ya.

Brian held her hand tighter, visibly trying to be patient. "Babe, I told you, hindi mo kailangang magworry. Safe ka kapag ako ang kasama mo. At saka, pwede bang akin muna 'tong time na 'to? No Narda, no Ali, no work... just you and me. I miss you. I miss this. I miss us. Kahit ngayon lang please?"

Huminga naman s'ya ng malalim saka tumango.

Napangiti naman ang lalaki at inakay s'ya papasok sa nadaanan nilang botique.

"Akala ko ba kakain tayo, Brian?" Takang-tanong n'ya.

"Masama bang ipagshopping ko muna ang girlfriend ko kahit minsan lang?" Iginiya na s'ya nito papasok sa botique para hindi na makatanggi pa.

"Hmmm. You know I have someone who designs my clothes, Bri, and besides I don't like wasting time in..." naputol ang sasabihin n'ya ng mapansin ang army green na maong jacket na suot ng mannequin.

Napangiti naman si Brian ng mapansin s'yang nakatitig sa particular na jacket.

"Gusto mo 'yan? Bibilhin ko para sa'yo."

"Miss, may sizes ba kayo n'yan? Para sa kanya sana." Tanong nito sa nag-aassist sa kanila.

"No, miss. Pakihanap ako ng 1 or 2 sizes smaller please. Whichever is available. Ako na rin ang magbabayad."

Nangunot ang noo ni Brian.

"I told you, i'll buy anything you want, babe. Ako ang magbabayad."

"No need, Bri. This is not for me anyway. May pagbibigyan ako." Sagot lang n'ya rito.

Nagkibit-balikat nalang ang lalaki.

"Ang hirap mo talagang iplease kahit kailan." Nakapamulsa nalang nitong sabi.

"Sorry. 'Wag ka na kasing mag-alala about me. I can take care of my needs, Bri. Thank you though. I appreciate it." Apologitic na nginitian nalang n'ya ito.

"Sabi mo eh." Kibit-balikat nalang nitong sabi.

"Tara? Where are we eating?" Tanong n'ya sa lalaki matapos mabayaran ang binili.

"May reservation ako d'yan sa restaurant na katabi nitong botique." Sagot naman nito sabay hawak sa bewang n'ya saka iginiya s'ya palabas.

Napatigil naman ang lalaki saka napatingin sa kausap ni Narda.

"Kilala mo ba 'yong kausap ni Narda?She looks familiar."

Agad naman s'yang napatingin sa dakong itinuro nito.

Tumikwas ang kilay n'ya ng mapagsino ang kausap nito.

"Let's go, Bri." Yaya n'ya dito pero hinila s'ya nito palapit kila Narda.

"Fancy seeing you here." Kaagad na bati nito sa babae sabay yakap nito.

Kapwa sila napatingin ni Narda sa eksena.

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon