"Uy! Nahuli n'yo na pala 'tong isa, Juls." Bungad ni Brian pagpasok n'ya sa hideout nila ni Julie.
"Malamang! Nakikita mo naman, 'di ba?" Mataray nitong sagot. "Saan ka ba galing, Brian?"
"Kumuha ng pasalubong. Saan pa ba?" Nakangisi naman n'yang sagot.
Tumikwas ang kilay nito sa pagtataka. "Huh? Anong pasalubong?"
Lumabas ng hideout si Brian at pagbalik ay dala na n'ya ang nakagapos na si Regina.
"Pakawalan mo nga ako, Brian! Ano ba'ng kasalanan ko sa inyo ha?"
Itinulak s'ya ni Brian sa sulok kung saan nakatali ang walang-malay pa ring si Narda.
"Oh, Narda! Ano'ng ginawa nila sa'yo? Bakit ang dami mong pasa?" Tanong ni Regina pero wala itong nakuhang sagot mula kay Narda dahil wala pa rin itong malay.
"May silbi ka rin naman pala kahit papaano, Brian." Itinapon ni Julie ang sigarilyong hawak sa sahig saka inapakan ito habang matalim na nakatitig kay Regina.
"Magkakilala kayo? Magkasabwat kayo ni Brian? Bakit? S-sino ka ba talaga, Julia?" Maang tanong ni Regina habang lumalapit sa kinaroroonan nito si Julie.
"Hello, sister! Correction! It's Julie, not Julia. Mas maganda naman ako sa isang 'yon. Mas matalino pa."
"J-julie? S-sister? Kapatid kita?" Palipat-lipat ang titig nito kay Julie at kay Brian.
"I'm Julie Vanguardia aka Julie Barreto, one of the two illegitimate children of Rex Vanguardia. Your sister, Regina Vanguardia. I wish Julia was here to see this heartwarming sibling reunion." Tumawa ito ng nakakaloko.
"What?! P-pati si Julia kapatid ko rin? Bakit walang sinasabi si dad tungkol sa inyo? Bakit hindi kayo nagpakilala sa akin?"
"We wanted to, Regina. Kaso ayaw ng daddy natin. Ayaw n'yang mawalan ng respeto sa kanya ang unica hija n'ya. He wanted to look decent, respectable and an admirable family man sa mata ng publiko. He hid us but showered us with material things and bribed our mom with ample amount of money just for us to keep our mouths shut. Para kaming mga kriminal na kailangang magtago para hindi mahanap ng kung sinumang nakakakilala sa isang Rex Vanguardia."
"I'm sorry you went through all that. I've longed to have siblings growing up. I wish I had known. Maybe... we might have been a huge happy family."
Tumawa si Julie at hinawakan sa mukha si Regina. "Sana tinanong mo muna ako kung parehas ba tayo ng wish."
She tapped Regina's face and bahagya itong sinampal. "I don't want to be your sister, Regina. I wish you were never born! Eh 'di sana kami ang minahal ni dad, sana sa amin s'ya umuuwi at sana marangya din ang pamumuhay namin kagaya mo! I wanted the life you have! I deserve your kind of lifestyle!"
"But it was never the life I wanted. Sana nga nagkapalit nalang tayo. Maybe I had lived a happy childhood. Hindi madaling maging Regina Vanguardia, Julie! Kung alam mo lang!" Banat nito pabalik.
"Ano ang hindi madali sa paglustay ng kayamanang hindi mo naman pinaghirapan, Regina? You have everything! Money, fame and attention that we never had!"
"Having so much money doesn't make you completely happy, Julie!"
"Enough! I know what I want! And what I want to do right now is to kill you! Gusto kong tuluyan ka ng mawala sa landas ko at ng mapasaakin na ang kayamanan ng mga Vanguardia!" Tinutukan nito ng baril sa noo si Regina.
"Easy, Julie! Easy! Hindi ito ang pinag-usapan natin, 'di ba?" Hinawakan ni Brian ang kamay ni Julie at akmang kukunin ang baril mula sa kamay nito.
"Inalam mo muna sana kung marunong ba akong tumupad sa usapan, Brian!" Nakangisi nitong itinutok kay Brian ang baril.
"Wala namang ganyanan, Julie. Magkasabwat tayo dito ah. May pinagsamahan din naman tayo. Wala namang gulangan."
Nakangisi namang naupo pabalik si Julie sa upuan.
"I can't let that woman live, Brian. Hindi ko matutupad 'yong ipinangako ko sa'yo na hahayaan ko s'yang mabuhay kung papayag s'yang sumama sa'yo sa US."
"Mga hayop kayo! Kayo pa talaga ang magdedesisyon para sa buhay ko? Akala ko kakampi kita, Brian?! Hindi dapat ako nagtiwala sa'yo! May paplano-plano ka pang nalalaman eh lolokohin mo lang din pala ako! At ikaw naman, Julie! Bakit kailangan mo pang pumatay ng tao? Kung gusto mo sa'yo na lahat ng kayamanan sa mundo! Just spare me and Narda! Let us live! Promise, hindi ako maghahabol ng kayamanan."
"Ugh! Where's the excitement in that? Walang ka thrill-thrill naman 'yang gusto mong mangyari, Regina. I planned this! After that flop fake car accident 5 years ago, sinigurado ko na na this time, hindi na kami papalpak sa pagpatay sa'yo!"
"Flop fake car accident? You planned to murder me and disguised it as a car accident 5 years ago? Wala ka palang kasing sama, Julie! Wala kang konsyensya!"
"Meron naman. Hindi ba hinayaan pa kitang namnamin ang pagiging Vanguardia mo for 5 years? Hindi naman kita pinatay agad after mong bumalik ng bansa, hindi ba? I was enjoying your show. Nakakatuwa kang pagmasdan habang binubuo mo ang sarili mo. Nakakaamaze kung paano mo unti-unting naaalala ang mga bagay-bagay sa pagdaan ng mga taon. And now? Na sa palagay ko ay malapit ng bumalik ang lahat ng alaala mo? I think it's time for you to die."
Tinutukan ito ulit ni Julie ng baril pero hunarang si Brian.
"Woah! 'Wag namang ganoon, Julie. Pwede namang ibalato mo muna sa akin 'to? Hindi ba nangako kang hahayaan mong matikman ko ulit at magpakasasa muna ako sa katawan ni Regina bago mo s'ya patayin? Kahit 'yon nalang 'yong tuparin mong pangako. Huwag ka namang gahaman."
"Hayop ka, Brian! Baboy! Manyak!"
"I've had enough of you, Regina. Sinubukan ko namang bawiin ka ulit eh. Pero kahit wala kang naaalala, mas pinili mo pa rin si Narda kaysa sa akin! Now na may chance naman akong makabawi sa investment ko sa'yo, why not do it, 'di ba? Masiyahan naman muna ako bago ako bumalik sa dati kong buhay! Sa buhay na wala ka, Regina!"
"Tama na satsat, Brian! I'll give you an hour. Gawin mo na lahat ng gusto mo! Isama mo na rin 'yang si Narda kung gusto mo total parehas ko namang papatayin 'yang mga 'yan!"
"Huwag! Spare Narda! Let her leave! Ako lang naman ang kailangan n'yo, 'di ba? Huwag n'yo ng idamay si Narda please!"
"I can't do that, Regina. Narda knows everything. She must die! Do what you have to do, Brian!"
"Basta ba huwag kayong mang-iistorbo ano man ang marinig n'yo sa loob."
"Oo na! Enjoy! Use this in case of emergency."
Inabot nito sa kanya ang baril na hawak at saka ito naglakad palabas ng kwartong kinaroroonan nila. Sila nalang tatlo ang naiwan.
Lumapit s'ya sa kinaroroonan ng dalawang babae.
"Brian, don't do this please. Hindi ka masamang tao, 'di ba?"
Ngumisi s'ya at tinutukan ito ng baril.
"Hindi nga ako masamang tao, Regi. Masyado kitang mahal para bastusin at babuyin." Tinanggal nito sa pagkakatali ang mga kamay ni Regina.
Pinaputukan nito ang posas sa mga kamay at mga paa ni Narda.
"Narda! Gising! Tumakas na kayo ni Regina bago pa sila makabalik dito."
BINABASA MO ANG
In Another Lie
FanficRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...
