Chapter 21: Eye for an Eye

582 33 14
                                        

Narda's phone rang. She excuses herself and find a secluded place where she can answered the call.

"Yes, Pipper? Any updates?"

"Boss C, positive. They're on the move again."

"Shit!"

"Narinig namin ang pakikipag-usap ni big momma sa utusan nitong si Dado through our bugging device. They're planning an attack sometime soon. Susugurin na ba namin at ng mapigilan agad sila?"

"No! Hayaan n'yo lang. We need proofs. Solid evidence is a must, Pipper. Hindi ko na hahayaang makalusot pa sila this time. Don't worry nababantayan ko pa din naman 'yong anak kahit andito ako at nakabantay din kay Regina."

"Paano kung mapahamak ka? Sure ka talaga na gagamitin mo ang sarili mo as bait?"

"If that's the only way para mahuli na sila, so be it. Hinding-hindi natin sila mapapaamin, Pipper, alam mo 'yan. Saka malinis ang naging trabaho nila 5 years ago. Ni wala tayong nahanap maski na anumang ebidensya."

"Boss C, humingi ka nalang ng tulong sa daddy mo. I'm sure pwede s'yang mag-utos sa iilang tauhan n'ya para tulungan ka."

"Pipper, hindi ko gagamitin ang posisyon ng tatay ko para sa sarili kong kapakanan. Alam mo naman kung bakit ako pumayag na maging sundalo. Hindi para pagbigyan ang tatay ko sa gusto n'yang sumunod ako sa yapak n'ya bilang heneral ng sandatahang lakas kundi para kapag dumating ang panahon na magtutuos na kami ng may gawa nito kay Regina, handa na ako at mapoprotektahan ko na s'ya."

"Mas gusto mo pa rin talaga ng kawali at bread knife kaysa sa baril atsaka swiss knife no?"

"Cooking will always be my passion, Pipper, it always will. First love ko ang pagluluto kaya if bibigyan pa ako ng chance na mabalikan ko ang phase na 'yon ng buhay ko, gagawin ko, Pipper. Ginagawa ko lang naman 'to lahat para kay Regina."

"Love mo talaga s'ya no? Ang swerte talaga ni miss Vanguardia sa'yo. Goodluck, Boss C. We're always on standby. Isang tawag mo lang, and'yan kaagad kami."

"Salamat, Pipper."

"Til my next update. Over and out, Boss."

Naikuyom naman ni Narda ang kamao ng may maalala sa nakaraan.

                   ***Flashback***

"Regina, baby, miss na kita." Nakasandal si Narda sa punong-kahoy habang malungkot na nakatingin sa bangin sa gilid ng Marilaque highway kung saan nahulog ang kotse ni Regina a few weeks ago.

Wreckage nalang ng kotse nito ang tanging alaala sa girlfriend na dinala na ng ama nito sa ibang bansa para ipagamot.

"Kung hindi ka lang sana umalis sa isla, maybe wala tayo sa ganitong sitwasyon ngayon, love." Hindi mapigilang pumatak na naman ang luha n'ya na hindi yata't walang balak maubos hanggat hindi s'ya nagiging manhid.

"I hate you, Regina Vanguardia! I really really hate you! Bwisit ka!"

Napatigil sa pagluha si Narda ng makarinig ng sigaw hindi kalayuan sa kinaroroonan n'ya.

"Shhh! Baka may makarinig sa'yo, anak." Palinga-linga pa sa paligid ang kasama nito.

"Wala akong pakialam, mom. Bakit ba kasi hindi mamatay-matay ang babaeng 'yon?"
   
"Shhh! Sabing tama na eh."

"Tingnan mo kasi 'yan! Kita mo 'yan, mom? Sirang-sira na 'yong kotse n'ya. Nahulog pa sa bangin, pero may sa demonyo yata ang babaeng 'yon at hanggang ngayon buhay pa."

"Sinwerte lang s'ya, hija."

"So kailan mauubos ang swerte n'ya, mom? Ikaw naman kasi! Napakaincompetent ng inutusan mo! Isa lang naman ang dapat n'yang gawin, hindi pa n'ya magawa ng tama!" Galit na singhal nito sa nanay.

"Sabi ko kasi na ipatira nalang natin kay Dado, ayaw mo naman."

"You know my reasons. I want it to look like an accident para hindi tayo mapaghinalaan, alam mo naman 'yon 'di ba? Paano mapupunta sa akin ang mamanahin n'ya kung makukulong naman tayo dahil ka sa katangahan ng tauhan mo? Fix this mess, mom."

"Naipapatay ko na kay Dado 'yong inutusan kong truck driver na banggain ang sasakyan ni Regina. Wala ka ng dapat ipag-alala pa doon."

"Oh s'ya! Wala naman na tayong magagawa kundi ang maghintay kung magigising pa ba sa coma ang gaga na 'yon. Mas mabuti sana kung hindi na para tapos na ang problema natin sa kanya. Pero kung may sa pusa talaga s'ya at hindi maubos-ubusan ng buhay, magpa-plan B na agad tayo ngayon palang at ng hindi na tayo magmintis sa susunod."

"Halika na! Umalis na tayo dito. Baka may makakita pa sa atin." Sabi ng nanay nito saka nagsuot ng shades at patay-malisyang naglakad pabalik sa kotse ng mga ito na s'ya naman n'yang sinundan.

***
"Hmmm. Dito pala kayo nakatira ha? I'll keep an eye on you both from now on. Maghaharap din tayo balang-araw. Paghahandaan ko kayo at sisiguraduhin kong magbabayad kayo sa ginawa n'yong ito balang-araw."

             ***End of Flashback***

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon