"Dapat ba nakadikit sa'yo lagi 'yang bodyguard mo, Regina? Nakakaasiwa eh." Puna ni Brian.
Umuusok na naman ang ilong nito ng maunahan n'ya sa paghila ng upuan para kay Regina.
"Malamang. Bodyguard nga, 'di ba?" Sabad naman n'ya.
"Date natin 'to, babe. Andito naman ako para protektahan ka kaya 'wag kang mag-alala. Safe ka kapag kasama mo ako. Hindi mo kailangan ng bantay."
"Sa'yo ko nga dapat protektahan si ma'am Regina, Robles, kasi hindi ka n'ya natatandaan. Stranger ka pa sa kanya."
"Kaya ko nga dinate, 'di ba? Para magkakilala kami ulit just like the first time."
"Shhh! Enough you two. Stop fighting na. Let's not ruin our day, okay? Layo ka nalang ng konti, Narda, please. I'll be okay."
"Dito lang po ako sa tabi mo, ma'am. Maraming tao ngayon sa restaurant. Ayokong malagot kay sir Rex."
Napahinga nalang ito ng malalim. "Okay! Okay! Don't mind Narda nalang, Brian. Let her do her job. Pretend that she don't exist para 'di naman awkward para sa'yo na nagdala pa ako ng bodyguard. So... paano nga ulit tayo nagkakilala, Brian?"
Tiningnan s'ya ng nakakaloko ni Brian.
"I was a newbie chef sa restaurant ng daddy mo. May pinagalitan kang crew at nacurious ako sa commotion at doon palang nalove at first sight na ako sa'yo. Inagaw kita sa boyfriend mong cheater noon."
Gusto ng sugurin ni Narda si Brian para magprotesta. "Shit! Ang sinungaling mo, Robles."
Hindi yata at ginagantihan s'ya sa pang-iinis n'ya dito kanina.
"Gago ka! Kami ang nagkakilala sa ganyang paraan at hindi kayo!" Gustong-gusto n'yang isigaw dito.
*Flashback*
"Go get your stuffs coz you're fired! Idiot!" Napatigil si Narda sa paghahanda ng first order n'ya as a newly hired chef sa 5 star restaurant na pinagtatrabahuan n'ya.
"Is that fillet steak ready yet?" Nakangiting tanong ng head chef nila.
"One moment, chef." Kinuha n'ya ang napkin para linisin ang kumalat na sauce sa platong iseserve n'ya sa guest.
"Order's ready. Table 2 please." Nakangiti n'yang iniabot ang platong hawak sa waiter na magseserve ng ginawa n'yang steak.
Naghugas s'ya ng kamay saka nilapitan ang isa sa mga nakilala n'yang sous chef kanina.
"Hmmm. Gail? Can I ask you something?" Tanong n'ya rito habang nagpupunas ng kamay.
"Yes, chef?" Kunot-noong tanong naman nito sa kanya.
"Sino ba 'yong babaeng sigaw ng sigaw kanina? That one who fired a waiter?"
Umiling ito saka ngumiti ng marahan sa kanya. "If I were you avoid getting in contact with that one. Anak 'yon ng may-ari nitong restaurant, they even own this hotel. That's Regina Vanguardia, chef. Our soon to be boss kapag nagretire na next year ang daddy n'ya. Laking states, nag-iisang anak, lumaking may ginintuang kutsara sa bibig kaya hindi makarelate sa mga poritang kagaya natin, spoiled brat in short."
Napatango-tango si Narda habang binibistahan ng tingin ang babaeng nagngangalang Regina na ngayon ay natatanaw n'yang may pinapagalitan na namang empleyado.
"Pretty but dangerous." Komento n'ya bago bumalik sa trabaho.
***
"Kung minamalas ka nga naman." Naisa-isip ni Narda habang papasakay ng elevator. Too late na para subukan pa n'yang umatras dahil nakita na s'ya ng bratenella na papasok ng elevator kung saan ito nakasakay.
BINABASA MO ANG
In Another Lie
FanfictionRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...