Chapter 5: A peek into the past

462 29 5
                                    

"Narda, how am I as a person before my accident?"

Nagulat si Narda sa tanong nito. Halos 1 week na n'ya itong pinagdadrive pero never s'ya nitong kinakausap not unless magbibigay ng instructions kung saan sila pupunta at kung may iuutos naman, si Ali ang usually nakakausap n'ya.

"Ang random naman ng tanong mo, ma'am Regina." Sagot n'ya habang nakafocus pa rin sa pagdadrive.

"Just answer my question, Narda."

"Ano ba ang isasagot ko? Ano ba ang kailangan mong malaman tungkol sa'yo?" Tanong n'ya habang hinuhuli ang tingin nito sa rearview mirror. Pero sa labas ng bintana lang ito nakatingin at hindi sa kanya kaya hindi n'ya malaman kung bakit ganito ang tanong nito. Hindi n'ya mabasa ang iniisip nito.

"I don't know. Maybe you know something about me before my accident na hindi ko natatandaan ngayon. Maybe work related or any personal stuff about me."

Matagal n'yang inisip kung ano ang isasagot pagkatapos ay malapad na ngumisi.

"Ano?! Bakit ngiting-aso ka na naman d'yan?" Pagalit na tanong nito na ikinatawa n'ya ng mahina.

"Naisip ko lang kasi may amnesia ka man o wala, salbahe at maldita ka pa din. Walang pinagkaiba."

Humaba ang nguso nito sa naging sagot n'ya.

"Wala ka talagang kwentang kausap kahit kailan, Narda."

"Facts 'yan, ma'am."

"I hate you! I'll never talk to you again." Parang batang napahalukipkip ito sa inis sa kanya.

Tumawa lang s'ya bilang sagot.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse habang nasa byahe sila.

"Ma'am?"

"Hmmm?"

"Pwede bang umuwi muna ako sa'min ngayong gabi? Promise babalik din agad ako bukas ng umaga."

"Okay make sure you're early. Alam mong ayaw kong nalilate, Narda."

"Opo, ma'am. Ihahatid ko nalang po ang gamit n'yo sa taas bago ako umuwi. May iuutos ka pa ba?"

"Wala na. You're free to go." Sabi lang nito at walang lingon-likod na umakyat na sa hagdanan.

Napabuntong-hininga si Narda, kinuha ang cellphone saka nagdial.

"Mara? Nasaan ka?" Tanong n'ya sa kausap matapos nitong sagutin ang tawag n'ya.

"..."

"Oo sana. Pwede ka ba ngayon?"

"..."

"Okay. Mga 30 minutes nand'yan na ako. See you."

***
"Kape?" Alok ni Mara sa kanya ng tabihan s'ya nito sa mahabang bangko sa ilalim ng puno ng mangga.

"Salamat, bes." Nginiti-an n'ya ito saka tinanggap ang tasang inilahad nito sa kanya.

"I'm sure marami kang kwento."

"Wala. Hihinga lang ng konti. Saka gusto ko rin kayong makita nina lola. Matagal na ring hindi ako nakakauwi dito sa'tin."

"Sus! Para namang hindi kita kilala. Puno pa naman ang lalagyan ng mainit na tubig at kape sa kusina kaya kahit umagahin pa tayo dito okay lang sa akin. Magkwento ka lang."

"Mara..." Bumuntong-hininga s'ya. "Si Regina..."

Napalagok bigla ng kape si Mara. "Aray! Sh*t! Napaso yata ako."

"Magdahan-dahan ka kasi." Ni hindi ito tumawa sa halip ay nakayuko lang ito at nakatitig sa kape.

"Hmmm. Hindi yata ako dinodogshow ng bestfriend ko ngayon. Mukhang seryoso 'yan ah."

"Hay, Mara. Pinilit ko naman ng magmove-on eh. Ako na nga 'yong lumayo."

"Eh bakit ka ba kasi lumalapit ulit? Bakit ka pa bumalik dito?"

"Si Tito Rex kasi. 2 weeks ago, pinuntahan ako sa kampo. He offered me something na hindi ko kayang tanggihan."

"Ano 'yon? Inoffer ba sa'yo si Regina? Ginawang alay na pwede mo ng lapain ngayon?"

Napailing nalang si Narda. Alam n'yang inis pa rin si Mara kay Rex hanggang ngayon dahil sa ginawa nito 5 years ago.

"No. He begged for me to help Regina regain her memories. It has been 5 years since the accident pero hindi pa rin daw maalala ni Regina na naging okay na sila nito before the accident. Like she treats him like how she used to after her mom's death at nalulungkot s'ya dahil doon."

"Ah! Personal reasons. Ang selfish pa rin talaga n'ya kahit kailan. Dapat lang naman sa kanya 'yon eh. Pinaghiwalay n'ya din naman kayo ah. Ang kapal naman ng mukha n'yang humingi pa ng tulong sa'yo, bes. At ikaw naman nagpapauto ka naman d'yan."

"Mara..."

"Hay! Bahala ng mainis ka sa'kin pero irerealtalk kita. Kapag naging okay na s'ya, kapag naging okay na sila, paano naman ikaw? May babalikan ka pa ba? Magiging kayo na din ba ulit? O sasaktan mo na naman ang sarili mo? Magsasakripisyo ka na naman para sa wala. Iniwan mo pa trabaho mo para bumalik dito."

Tahimik lang na nakayuko si Narda.

"Ikaw nalang ang nasa relasyon n'yo, Nards. Ikaw lang ang nakakaalam na may kayo. Eh s'ya? Wala s'yang alam. Ikaw lang ang nagdudusa kasi ikaw lang ang nakakaalala."

Tumayo si Narda at tumingin sa mga bituin.

"I can't force her to remember me, bes. Gagawin ko 'to kasi gusto ko maging maayos na s'ya. Kahit na maging parti nalang ako ng nakaraan n'ya at hindi na ng hinaharap. Pwede naman akong lumayo ulit kapag okay na s'ya eh. Saka na ako, s'ya muna ngayon."

Napalatak si Mara. "Ang masokista mo talaga! D'yan din ako bilib sa pagiging martir mo, Narda."

Nagkibit-balikat lang s'ya at uminom ng kape.

"Pero 'di ba pinababalik ka nga ng daddy ni Regina? Meaning ba n'yan payag na ulit s'yang magsama kayo? Papayag na ba daw s'yang ituloy n'yo ang relasyon n'yo?"

"Hindi ganoon 'yon, Mara. Gusto n'ya lang mabuo si Regina as a person. Babantayan ko lang s'ya, aalalayan at ipapaalala sa kanya 'yong mga nakalimutan n'ya paunti-unti without forcing her to do so. Iintroduce ko s'ya ulit sa mga lugar at mga bagay na dati ay mahalaga sa kanya without saying or telling her anything."

"Kasama na ba d'yan 'yong pagpapaalala mo sa nakaraan n'yong dalawa?"

"No. Hahayaan kong isipin n'ya na isa lang ako sa mga annoying bodyguards ng daddy n'ya na walang ibang ginawa kundi alaskahin at asarin s'ya."

"At hahayaan mo lang din ang sarili mong makasama s'ya."

"Mara, naman. Ang kulit! Sabi ko ngang tutulong nga lang ako na maibalik ang memorya n'ya."

"Pero wala namang rule na bawal makipagclose ulit, 'di ba? Ang bawal lang naman iforce s'ya na maalala ang nakaraan dahil baka lalo lang s'yang maguluhan. Pero hindi naman bawal gumawa ng bagong memories, di ba? At hindi rin bawal na hayaan mong maalala ka ng puso n'ya kahit nakalimutan ka man ng isip n'ya."

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon