"Uy, bes, tara! Libre kita ng ticket. Samahan mo naman ako manood ng concert." Tinabihan s'ya ni Mara sa bangko sa ilalim ng puno ng mangga.
"Huh? Concert? Kaninong concert naman 'yan, Mara? Ayain mo nalang si Aling Marites. Wala ako sa mood para magsaya. Saka tingnan mo nga oh, nakacrutches pa rin ako hanggang ngayon dahil napilayan ako ng mahulog ako sa bangin. Hindi ko kayang makipagsiksikan sa maraming tao."
"Basta! Sikat na singer 'yon. Saka VIP kaya 'tong ticket ko. No need makipagsiksikan tayo. Saka swerte naman 'yang pilay na 'yan sa'yo eh. Kung hindi dahil d'yan, for sure natege ka na kung nagkataong ang unang bumulusok sa matatalim na bato ay 'yang ulo mo. Narda no more na talaga kung nangyari 'yon. Yay!" Kinilabutan si Mara sa isiping 'yon.
"Ayoko nga, Mara. Wala nga ako sa mood." Nangalumbaba nalang si Narda at tumingin sa papalubog na araw.
"Asus! Wala daw sa mood. Paano kung si Regina ang magyaya sa'yo? Sasama ka?" Panunudyo pa ni Mara sa kanya.
"Hindi ko alam, Mara. Alam mo namang hindi pa rin ako kinakausap n'on hanggang ngayon, 'di ba?"
"Antanga mo naman kasi, bes. Magpaprank ka na nga lang, amnesia prank pa naisip mo. Nagtampo tuloy sa'yo. Ayan, cancelled ka na sa mansyon. Ayaw ka ng makita n'ong bebe mo." Tinawanan pa s'ya nito.
"Natawa ka pa talaga ha? Mapang-asar ka talaga kahit kailan. Hayaan mo na, Mara. Wala naman na sa 'kin 'yon since ang gusto ko lang naman ay mailigtas si Regina sa kamay ni Julie which is nagawa ko naman. Happy ako na malamang magiging okay na si Regina at wala ng threat sa buhay n'ya kahit na kailan. It doesn't even matter kung magiging kami pa rin ba o hindi na."
"Oh s'ya! Tama na ang drama! Samahan mo nalang kasi ako at ng matanggal naman kahit konti 'yang boredom mo. Promise mag-eenjoy ka sa performance n'ya. Ang ganda kaya ng mga kanta n'on. For sure mawawala 'yang lungkot na nararamdaman mo ngayon. Kahit ngayon lang please? Promise hindi na ulit kita kukulitin sa susunod."
"Bakit ba kasi ang kulit mo, Mara? O s'ya, sige na nga! Basta last na 'yan ha? Wala ng next time!"
"Oo na nga. Promise. Baka ikaw pa magyaya sa 'kin sa susunod ha?"
"Asa ka, Mara. Oh s'ya hintayin mo ako dito at magbibihis lang ako. Ikaw magbayad ng grab ha? Ikaw nagyaya eh."
"Oo na! Pati dinner mo sagot ko na rin pumayag ka lang."
Napailing nalang si Narda sa kakulitan ni Mara pero kaagad na ring pumasok sa bahay ng lola n'ya para magbihis.
***
"Wow! Punong-puno 'tong Phil. Arena ngayon ah. Sure ka ba na local artist ang magpeperform dito, Mara?""Nagpeperform, bes! Sa tagal mong mag-ayos, swerte na kung makaabot pa tayo sa finale song ng idol ko."
"Eh sana kasi maaga kang nagyaya. Saka kasalanan ko bang sobrang traffic papunta dito?"
Hindi na ito sumagot at inayos nalang ang sarili sa dalang maliit na salamin.
"Oh ako? Kamusta naman ang itsura ko?"
"Syempre maganda. Always naman. Saka 'di baling nakacrutches kung havey na havey naman sa pormahan at ganda. Keri na maski pilay."
"Okay na sana eh. Binawi pa sa huli."
Natawa naman si Mara at inakay s'ya nito palabas ng grab at papunta ng backstage.
"Wow! VVIP ba 'yang ticket mo at sa backstage pa talaga tayo papasok ha?"
"Wag ka ngang assuming. Mas malapit lang dumaan dito banda." Natatawang sabi pa ni Mara.
"Ay teka, bili muna ako ng tubig."
She rolled her eyes. "Akala ko ba nagmamadali ka ha?"
"Saglit nga lang kasi. Saka sabi ng friend ko malapit na daw last set. Saka nalang tayo papasok. Hindi kasi maganda kung kalagitnaan na ng kanta tayo papasok, 'di ba?"
"Wala nalang akong sinabi, Mara. Nakakapagduda na talaga 'yang mga galawan mong 'yan. Nababaghan na talaga ako sa'yo. Ano ba'ng meron?"
"Wala! Bibili na ako ng tubig. 'Wag kang aalis d'yan ha?"
***
"Oh! Sandali naman. Kanina babagal-bagal ka tapos ngayon naman grabe ka magmadali." Reklamo n'ya dito."Ang cute kasi ng bantay doon sa bilihan ng tubig kaya natagalan ako."
"Inuna pa talagang lumandi eh no?"
"Sorry na nga kasi."
Inakay s'ya nito papasok ng Arena at saktong kakasimula palang tumugtog ang banda hudyat na magsisimula palang talaga ang performance.
"Kanino ba kasing concert-..."
Hindi na natapos ni Narda ang sasabihin ng makita sa stage si Regina.
"That explains your behavior kanina. Kinasabwat ka pa pala ni Regina ha? Akala ko ba ako ang bestfriend mo, Mara?"
Napatingin s'ya sa nakangiting si Mara na nagpeace sign pa sa kanya. "Napag-utusan lang po."
Nakatayo si Regina sa gitna ng stage habang nakatitig sa dako n'ya.
"Itong huling kanta kong 'to ay inaalay ko sa babaeng mahal na mahal ko. Tama ang dinig n'yo, hindi straight si Mysteriosa. I am a woman who's inlove with another woman. At kung tatanungin n'yo kung bakit? It's because she's deserving of my love. She deserves all the love in the world at that. Wala si Mysteriosa kung wala si Narda. I lost my memory 5 years ago but you can still hear my songs everywhere kahit ngayon lang totally bumalik ang alaala ko. Paano naging possible 'yon? Narda made sure that I will never be missed. Narda made my dream, her dream. Narda is Mysteriosa when I was lost. Now that Mysteriosa is back, there's no reason to keep Narda mysterious as well. Let me introduce to you, my love, my fiancè, my forever, my Narda."
The band played the song Narda and Regina sang it with love while looking at her.
A/N: Please play the song Narda by Janella for better feels. Here's the link: https://youtu.be/lRbcPTAJkGk
She's there, standing on stage, witnessing how the love of her life finally fulfilled her dreams.
"Kahit sulyap lang, Narda (Darna)!" Regina sang the last line while looking at her lovingly.
Regina grabbed her hips and kiss her on the lips while the crowd cheers for them.
"I love you, my Narda." Bulong nito sa tenga n'ya.
"I love you too, my Regina. Akala ko hindi mo na talaga ako papansinin habang-buhay." Naiiyak na sabi n'ya.
Ngumisi lang ito saka umiling-iling. "Nope. Tiniis lang kita to suprise you with this. Worth it naman 'yong ilang weeks na inignore kita, 'di ba?"
"Akala ko talaga nagalit ka sa akin dahil sa prank ko na 'yon."
"Maliit na bagay 'yon kaysa sa sakripisyo mo para sa akin ng ilang taon. Hindi bale, love. If nagkatotoo man na nawalan ka ng memories, ako naman ang mag-aalaga sa'yo at ako naman ang magpapaalala sa'yo kung gaano kita kamahal. 'Yong kahit gaano pa katagal bago bumalik ang memories mo, nasa tabi mo lang ako. Never kita iiwan. 'Di nga lang ako magpapakilala as your bodyguard kasi gusto ko, 'yong totoong ako na agad ang makikilala mo. 'Yong girlfriend, fiancè, asawa at only love mo. 'Yon lang dapat ang pagkakakilala mo sa akin. We will never ever engage... in another lie, ever again."
Author's Note: Check out my profile if you want to keep reading some of my new stories. Thank you for reading😘
BINABASA MO ANG
In Another Lie
FanfictionRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...