Chapter 30: Duos

394 21 44
                                    

"Ah!" Napasandal si Regina sa punong-kahoy. Her head is currently spinning and is flooded with memories of her past.

Nanghihina s'ya sa mga alaalang nagsidagsaan nalang bigla kasabay ng pagkaalala n'ya sa nakaraan nila ni Narda.

"Oh, Narda! Bakit ko nagawa sa'yo lahat ng 'yon?" Pagsisisi ang naramdaman n'ya sa mga pinaggagawa n'ya sa girlfriend na inakala n'yang bodyguard lang talaga n'ya.

"Hindi ako pwedeng sumuko ng ganito. Ako nga 5 years na hindi mo sinukuan. Dapat ipaglaban kita. Dapat na ipaglaban ko 'yong sa akin." Akmang babalik s'ya sa bahay ng makita n'yang bitbit ng mga lalaki ang walang malay na si Narda.

"Nar...!" Akmang sisigaw s'ya ng may pumigil sa bibig n'ya. Hinila s'ya nito hanggang sa makarating sila sa batuhan.

"B-brian?! Bitawan mo nga ako! Kailangan kong iligtas si Narda!" Ipiniksi n'ya ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

"Huwag mo ng subukang sagipin si Narda, Regina. Hindi mo sila kaya." Pigil nito sa kanya.

"At ano ang gusto mong gawin ko, Brian? Tumunganga dito habang nasa panganib ang taong mahal ko?"

"Kita mo ngang may mga baril 'yon! Magpapakamatay ka ba? Huwag kang magpadalos-dalos. Tutulungan kitang sagipin si Narda."

"Bakit naman ako magtitiwala sa'yo? Eh sinubukan mo pa nga akong lokohin!"

"What? Hindi kita niloloko, babe!" Sagot naman ni Brian.

"Bumalik na ang alaala ko, Brian."

Natahimik naman ito sa sagot n'ya.

"You tried to ruin my chance to be with my true love, Brian. Ikaw pa of all people ang humadlang sa amin!"

"Mahal kita, Regina! 'Yan lang naman ang nag-iisang rason kung bakit ko ito ginawa."

"Not with that argument again, Brian! You being a palikero is the main reason why we broke up. You should have helped me remember Narda, not confuse me with your lies!"

"I'm sorry. Akala ko kasi kaya ko pang maibalik 'yong dating tayo bago dumating si Narda sa buhay natin. Handa na ako, Regina. I can be the man you want me to be dati. Inayos ko na ang buhay ko. I'm ready to settle down with you."

"Stop it, Brian! I don't have time for this. Kita mo nga oh! My girlfriend is being kidnapped tapos andito ako, walang ginagawa kundi makinig sa nonsense mong litanya. Kung may phone lang talaga ako nakahingi na ako ng tulong. May phone ka ba? I have to call daddy for help."

"Wala rin. Hindi ko alam kung nasaan na. Nahulog yata habang hinahabol kita."

"Argh! You're so useless!"

"Relax ka lang. Mag-iisip ako ng paraan para matulungan si Narda. Sundan na muna natin sila. Basta huwag ka lang gagawa ng ingay."

***Sa kabilang dako***

"Hello! May tao ba d'yan?" Nagising si Julia sa hindi familiar na kwarto. Pagtingin n'ya sa bintana ay umaga na ulit.

"What the hell?! Ilang oras ba akong tulog?" Tanong n'ya sa sarili habang hinihimas ang medyo nananakit pa n'yang batok.

Akmang bubuksan n'ya ang pinto ng bigla namang pumihit ang doorknob kaya napaatras s'ya mula dito.

"Gising ka na pala." Sabi ng babaeng may dalang tray ng pagkain at gamot.

Sinipat n'ya ito ng tingin. Maganda ang babae. Matangkad, medyo payat pero halatang naggigym sa porma ng katawan nito dahil may abs pa, sexy ika nga.

"S-sino ka? Nasaan ako?"

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon