"Si-sigurado ka, Regina?" Tanong n'ya rito.
"Why not?" Tumikwas ang kilay nito saka inis na napatitig sa kanya. "Ayaw mo ba?"
"Hindi naman sa ayaw, love."
"Then why? Dahil ba maiiwan mo si Julia dito?"
Pinigilan n'yang mapahagalpak ng tawa.
"Hindi naman halatang nagseselos ka sa kanya no?"
"Ako nagseselos? Bakit ako magseselos? Eh kanina lang ang tagal mong umuwi. Siguro nakipaglampungan ka pa doon no?"
Mas lalong napangisi si Narda sa narinig. "Paano 'pag sinabi kong oo?"
Walang sabi-sabing naglakad ito patalikod sa kanya.
"Love, naman. Joke nga lang eh. Sabi ngang nagliwaliw lang ako sa subdivision kanina."
"Huwag mo nalang isipin 'yong sinabi ko kanina. Kalimutan mo nalang."
Bumuntong-hininga s'ya saka pailing-iling na sumunod dito.
"Saglit naman. Hintayin mo ako, love." Pero parang wala itong narinig at mas binilisan pa ang lakad.
"Ayaw kitang dalhin sa isla kasi ayokong mawala ka ulit sa akin, Regina!" Pasigaw n'yang sabi dito dahil medyo malayo na ang agwat nito sa kanya. Napatigil naman ito sa paglalakad.
"I gave you that promise ring as a reminder na hihintayin kita sa pagbabalik mo sa isla. You told me na aayusin mo lang ang company n'yo at ang relasyon mo kay tito Rex, pagkatapos ay babalikan mo ako at hindi mo na ako iiwan pa ulit. I'm still keeping that promise, Regi. I've waited for 5 years for you to come home to me. At... at natatakot ako na baka kapag bumalik tayo sa isla, sa susunod na pag-alis mo, tuluyan ka ng hindi makakabalik sa akin."
Bumalik naman ito at hinarap s'ya. "What if bumalik ang alaala ko sa'yo, sa atin, kapag bumalik ako sa isla? Hindi mo ba gugustuhing mangyari 'yon, Narda? Ayaw mo bang maalala ko lahat?"
"Gusto, Regina, gustong-gusto pero..."
"Pero may banta sa buhay mo. Hindi tayo nakakasiguradong safe ka sakaling umuwi tayo sa isla." Gusto n'yang idagdag ngunit ayaw n'yang matakot ito kaya sinilyado nalang n'ya ang bibig.
"Pero hindi ka na sigurado kung ako pa rin ang gusto mong dalhin sa isla? May iba na ba? Sinusubukan mo lang bang isalba ang sinasabi mong relasyon natin para hindi ka maguilty sakaling mapagtanto mo sa sarili mong iba na ang mahal mo at hindi na ako?"
"Hell no! Huwag na huwag mong iisipin na may iba na dahil wala. Ikaw lang mula noon hanggang ngayon."
"Then prove it to me, Narda. Bring me home."
***
Wala ng nagawa pa si Narda kundi ang pagbigyan ang gusto ni Regina. But as a precautionary measure mas pinili n'yang iinform muna si Rex at si Pipper."Tito, i'm bringing Regina back to the island." Bungad n'ya rito ng sagutin nito ang tawag n'ya.
"What? Why? Bumalik na ba ang alaala n'ya, Narda?" Medyo may tuwa sa boses na tanong nito.
"Hindi pa naman, Tito. Wala pa."
"Eh bakit mo s'ya ibabalik sa isla, Narda? Hindi ba may usapan tayong hindi mo s'ya pipiliting makaalala?"
"Gusto n'yang bumalik sa isla, Tito. Ang main purpose ay para daw maalala na n'ya lahat."
"Okay, okay. Pero bakit kailangan mo pa akong iinform sa bakasyon n'yong 'yan, Narda?"
"Natatakot kasi ako, Tito. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Mapilit lang talaga si Regina kaya ko s'ya pagbibigyan."
"Was it about the 'murder plan' you were talking about? Nagtataka talaga ako sa'yo, Narda. Iniinsist mo na hindi aksidente ang nangyari kay Regina 5 years ago but you can't show me proof. Ni ayaw mong sabihin sa akin kung sino ang may pakana nitong lahat."
BINABASA MO ANG
In Another Lie
FanfictionRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...