Chapter 32: The Unconventional Proposal

481 29 11
                                        

"Narda! Narda!" Dahan-dahan namang nagising si Narda at nabungaran n'ya si Brian at si Regina sa harapan n'ya.

"Dali na. Kailangan n'yo ng makatakas dito. Sa likod kayo dumaan. Walang bantay doon ngayon. Nag-iinuman sila sa sala. Ang iba naman ay nakabantay sa labas sa harap ng bahay."

Inot-inot namang tumayo si Narda at inalalayan s'ya ni Regina.

"Paano n'yo ako nahanap dito?"

"Si Regina na ang bahalang mag-explain sa'yo mamaya. Bilisan n'yo na. Alam kong maaalarma sila sa pagpapaputok ko ng baril. Wala lang akong choice kasi hindi ko alam kung nasaan ang susi ng posas mo, Narda. Itakas mo na si Regina dito dali."

"Paano ka, Brian?" Tanong ni Regina dito.

"Susunod ako kung makakaya ko. Kung hindi naman ay susubukan kong bawasan kahit konti ang mga goons ni Julie at ng magkaroon naman kayo ng pag-asang makaligtas." Sagot nito habang tinutulungan si Regina na akayin ang medyo nanghihina pang si Narda palabas ng kwarto.

Patingkayad silang dumaan sa medyo may kadiliman ng pasilyo at tinahak ang daan papunta sa dirty kitchen kung nasaan ang pinto palabas sa likod-bahay.

"Salamat, Brian. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa'yo para sa ginawa mong ito."

"Wala kang dapat ipagpasalamat. May kasalanan din naman ako sa'yo so consider this as my apology. Just be safe. Kung pupwede ay subukan n'yong huwag gumawa ng ingay habang lumalayo sa lugar na ito. Susubukan kong makahanap ng cellphone para makatawag sa 911 para humingi ng tulong."

"Sige, Brian."

"Salamat, Robles." Sabi nalang ni Narda saka nila tinahak ni Regina ang daan papasok sa medyo madilim na kagubatan.

"Put*ng*na mo, Brian! Hanapin n'yo ang mga nakatakas na bihag! Alam kong nasa paligid pa sila at hindi pa nakakalayo!" Narinig nila ang sigaw ni Julie ng medyo nakalayo na sila.

"Natatakot ako, Narda." Pabulong na sabi ni Regina sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, Regina. Hangga't andito ako, hindi kita hahayaang mapahamak. Kumapit ka lang sa akin. Aakyat tayo sa gilid ng burol. May alam akong pwede nating pansamantalang pagtaguan habang wala pang tulong galing sa labas."

Tinalunton nila ang daan patungo sa lugar na sinasabi n'ya. Ang tanging gabay lang nila paakyat ng burol ay ang malamlam na liwanag ng buwan at ang kanilang pagnanais na makaligtas sa kapahamakang dala ni Julie.

Hinawi ni Narda ang matataas na kugon na tumatabing sa isang tagong kweba, hindi kalayuan sa isang talon.

"Dito na muna tayo magtago. Kailangan nating magpahinga muna at ng medyo makabawi naman ako ng lakas." Sabi ni Narda sa kanya saka nagpatiuna ng pumasok sa 'di gaanong kalakihang kweba.

"Baka may..."

"Huwag kang mag-alala walang ipis dito. Maraming ahas sa paligid pero alam ko namang hindi ka takot doon. Mas nakakatakot matuklaw ni Julie, Regi."

Bumuntong-hininga nalang ito saka sumunod sa kanya sa loob.

Tahimik lang na naupo sa isang sulok si Narda at wari'y nakikiramdam sa paligid habang nakapatong ang baba sa nakatiklop na mga tuhod.

"Sumandal ka muna sa akin, Narda. Kailangan mong magpahinga dahil alam kong kailangan mong makabawi ng lakas. Ako na muna ang bahalang magbantay at gigisingin nalang kita kapag nakarinig ako ng ingay mula sa labas."

Umusog ito palapit sa kanya saka s'ya nito niyakap mula sa likod saka hinapit papalapit sa katawan nito para mapasandal s'ya rito.

Kumalma naman ang medyo tense n'yang katawan at hinayaan ang sariling makulong sa mainit na bisig ni Regina. Dama n'ya ang tibok ng puso nito sa likod n'ya at ang mahina nitong paghinga.

"Ano'ng una mong gagawin kapag nakaligtas tayo dito, Regina?" Tanong n'ya habang nakapikit ang mga mata. Mukhang hindi rin naman s'ya makakatulog dahil sa pag-aalala sa sitwasyong meron sila ngayon.

"Isa lang naman ang gusto kong gawin. Bumawi sa taong mahal ko. Maybe ayain na s'yang magpakasal?" Sagot nito habang mahigpit s'yang niyayakap.

Medyo nanlumo s'ya sa narinig. Hindi yata't okay na si Brian at si Regina. "Mukhang nagkaayos na kayo ni Brian ah. Pinasunod mo pa yata s'ya dito sa isla." Medyo malungkot n'yang sagot dito.

Nagsalubong ang kilay n'ya ng marinig ang mahina nitong tawa.

"Okay na nga kami ni Brian. Nakabawi naman na s'ya sa akin."

Lalo s'yang nanghina sa narinig. "Mabuti naman kung ganoon. Mas dapat ka palang makaligtas dito dahil may pangakong kasal ka pang tutuparin."

Mas lumakas ang impit nitong tawa. "Keep up naman tayo d'yan, love. Katawan mo lang naman 'yong nabugbog at hindi utak."

"Love? Tinawag mo akong love, Regina?" Naguguluhan n'yang tanong. "Hindi ba't babe naman ang usual endearment mo sa akin?"

"Bakit? May iba pa ba akong mahal, Narda?"

Nilingon n'ya ito at sinalubong naman s'ya nito ng halik sa labi.

"Hmmm..." tanging naging daing nalang n'ya habang tinutugon ang mapusok nitong paghalik sa mga labi n'ya.

"Why now?" Reklamo n'ya habang naghahabol ng hininga.

Regina tapped her cheek and laugh. "Alam ko na naman 'yang nasa isip mo, Narda. Hindi pwede dito, hindi pwede ngayon. But..."

Tinanggal ni Regina ang kwentas na suot nito saka kinuha ang singsing na ginawa nitong palawit dito.

Inilagay nito ang singsing sa mga palad n'ya.

"Huh? Bakit mo binibigay sa akin 'to ngayon, Regina? Hindi ba si Brian ang nagbigay nito sa'yo?"

"Hindi ba't sa'yo naman talaga galing 'yan? Hindi mo pa ba ako yayayaing magpakasal?"

"Huh? Ano? Yayayain naman kitang pakasal pero hindi naman ito ang tamang panahon eh. Saka 'di ba iniinsist ni Brian na sa kanya galing 'yang singsing na 'yan?" Medyo may inis na sabi nito habang nakatingin sa singsing na nasa palad n'ya.

"That was one of his lies. Alam nating pareho 'yan." Kinuha nito ulit ang singsing sa kamay n'ya. "Kung ayaw mong magpropose, oh, eh 'di ako nalang. Narda Custodio, if ever makaligtas tayo dito, will you promise to marry me?"

"Oo naman. I promise. Pero naalog ba 'yang utak mo, Regina? Hindi ba't si Brian ang nag-aalok sa'yo ng kasal kasi s'ya naman talaga ang naiwan mong boyfriend bago ka nagkaamnesia?" Naguguluhan pa rin n'yang tanong dito.

"No need to pretend, Narda. I remember everything now. I remember you and us. I'm finally home, love. Nakabalik na ako sa'yo, Narda. Nakauwi na ako sa atin."

PS: Shit ngayon ko lang napagtanto salot talaga ang mga Julie sa kwento ng DarLentina mapareal life or fiction😒

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon