"Mali ba ako, Ali? Dapat ba akong makonsyensya sa ginawa ko kay Narda? Tama naman ang ginawa ko 'di ba?"
Naghihikab na itong si Ali dahil sa antok pero dahil tinawagan s'ya ng amo ay kaagad naman itong pumunta para tingnan kung ano ang kailangan nito.
"Pinapunta mo ba ako dito para magrant lang tungkol kay Narda, Regina? Magmimidnight na oh. Kailangan mo ba talaga ng opinion ko o kailangan mo lang ng validation na tama ang actions mo at para may magsabi sa'yo na wala kang ginawang masama?"
"Have I been too much? Nakita ko si Narda kanina sa garden. Iyak ng iyak. Medyo nakaramdam ako ng konting awa." Napabuntong-hininga s'ya na medyo nalungkot pero agad na tumaas ang kilay ng may maalala. "Tapos sinundo s'ya ng babaeng nakamotor. 'Di naman siguro 'yon kagandahan kasi hindi manlang nag-abalang magtanggal ng helmet. Kita pa ang cleavage kasi nakaracerback top lang. Ni hindi pinag-abalahan pang magsuot ng jacket. Feeling sexy at makinis."
Nanunudyo ang mga ngiti ni Ali. "Feeling ko maganda talaga 'yon saka sexy. Bitter ka lang kaya mo kinicriticize. Nagseselos ka ba doon sa sumundo kay Narda, Regina?"
Tumalim ang titig n'ya kay Ali. "Mukha bang nakikipagbiruan ako sa'yo, Alitaptap?"
Tinaas naman ni Ali ang kamay. "Easy, Regi. Hindi ako ang kaaway mo dito."
"Hmp." Umupo s'ya at humalukipkip sa tabi ni Ali.
"Magsorry ka nalang bukas. Or better yet hayaan mo nalang, panindigan mo nalang 'yong mga sinabi mo kasi sanay naman ang mga tao sa kamalditahan mo." Humiga na si Ali sa sofa.
"Hoy! Umuwi ka na nga. Wala ka namang pakinabang tapos dudumihan mo pa 'yang sofa."
"Grabe ka talaga sa 'kin. Kung 'di lang talaga kita boss at kaibigan, 'di na rin kita kakausapin."
"I don't care, Ali. D'yan ka nalang matulog sa guest room. Kawawa ka naman eh. Baka kung ano pa mangyari sa daan, makonsensya pa ako."
"May awa ka pa pala. Finally! I got to rest. Goodnight, Regi."
She motioned for him to leave her na s'ya naman nitong ginawa.
She dialled Narda's number after ng ilang minutes na nakaalis na si Ali. Hindi s'ya mapakali na wala ito sa bahay. Narda answered after a few rings.
"Narda? Where are you? Bakit hindi ka nagpaalam na aalis ka?" Sunod-sunod n'yang tanong dito.
"Kasama ko lang kaibigan ko, ma'am. Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba? Hindi ba nag-usap na tayo na si Sir Ali nalang ang pakokontakin mo sakin?" Narda's scribbling her words na halos pawhisper na ang iba at ang iba naman ay halos pasigaw na.
"Nakainom ka ba, Narda? Bakit ganyan ang boses mo?"
"Konti lang po, ma'am. Nagchichill lang po. May kailangan ka ba? Kung wala na, kailangan ko na ibaba ang tawag."
"Sandali. Come back here right now, will you?"
"Nasa province ako. Bukas nalang ma'am. Aagahan ko." Sagot lang nito.
"No! I need you to be here right now, Narda. I-i might go out." Pagdadahilan pa n'ya. Ewan ba n'ya kung bakit gusto n'yang makita si Narda ngayon.
"Ohkay. Jules, pahiram ng susi! Kailangan daw ako ng prinsesa ko." Dinig n'yang sabi nito.
"You're drunk. I'm not letting you drive, Narda." Dinig n'yang sagot ng kasama nito. Boses babae kaya tumikwas ang kilay n'ya.
"For sure s'ya 'yong girl na sumundo kay Narda kanina." Sabi n'ya sa isip.
"Who are you with?" Hindi n'ya mapigilang itanong.
"None of your business, ma'am."
Biglang nag-init ang ulo n'ya sa sagot nito.
"Wag mo akong iniinis, Narda. Come back here."
"Later." Sagot lang nito.
"I said now, Narda! Wait! If you can't drive, i'll just fetch you. Where are you? Send me your location. Gigisingin ko nalang si Ali para samahan ako."
"Akin na ang phone, Narda." Dinig n'ya mula sa kabilang linya.
"Hello, ma'am na boss ni Narda or whoever you are for her. Narda has her own personal life too. Hindi sa lahat ng oras dapat andyan s'ya para sa'yo. Kailangan din po ng rest ng tao and besides hindi ka n'ya jowa para magdemand na uwian ka n'ya lalo na sa ganitong oras."
Lalong nag-init ang ulo ni Regina sa sagot nito.
"Who are you to meddle with our conversation? Bakit ka ba sabad ng sabad?" Nalingunan n'yang pupungas-pungas si Ali. Narinig siguro nito ang sigaw n'ya since katabi lang ng sala 'yong guest room. "If I want Narda to be here, she should be here! Trabaho n'ya 'yon and besides hindi s'ya nagpaalam na aalis s'ya. So I have every right na utusan s'yang umuwi since employer n'ya ako."
Narinig n'yang tumawa si Narda. "Hindi ka uubra d'yan, Juls."
"Tumigil ka nga, Narda! Kaya namimihasa eh pinagbibigyan mo palagi." Saway nito kay Narda. "Hindi mo ako kilala, maam. At wala akong balak magpakilala sa'yo. Pero ako lang naman 'yong taong nagmamahal kay Narda. 'Yong taong uunahin ang kapakanan at kaligtasan n'ya. In short ako lang naman 'yong taong hindi s'ya hahayaang mapahamak ng dahil sa'yo. Ihahatid ko nalang s'ya, huwag ka ng mag-abala pang pumunta."
Saka s'ya nito pinatayan ng tawag na lalong ikinakulo ng dugo n'ya.
BINABASA MO ANG
In Another Lie
FanficRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...