"Ano? Malapit na ba tayo sa sakayan?" Pangungulit ni Julia sa kanya habang patingin-tingin sa labas ng bintana ng sinasakyan nilang van.
Tutok na tutok kasi s'ya sa pagdial sa mga number ng inutusan n'yang magbantay kina Narda sa isla.
"Malayo pa. Kakaalis nga lang natin eh." Sagot n'ya habang nagdadial sa phone.
"Hello! Ano'ng balita?" Kaagad na tanong ni Pipper ng may sumagot sa kabilang linya.
"Sino 'yan?" Tanong ni Julia sabay kalabit sa kanya.
Hinawakan n'ya ang kamay nito saka kinagat ang daliri.
"Aw! Bakit ka naman nangangagat ha?" Malakas na singhal nito sa kanya.
Agad naman n'yang tinakpan ang bunganga ito. "Ang kulit mo kasi. Saka 'wag kang maingay. Baka sabihin nila minomolestiya kita d'yan."
"Ha?" Kaagad nabaling ang atensyon n'ya sa kausap sa cellphone. Kinompirma nito na nasa isla na nga si Julie kasama ang mga goons nito. "Shit! Ano'ng patay na lahat?"
Natahimik naman si Julia sa tabi n'ya at idinikit sa tenga n'ya ang tenga nito kung nasaan ang phone n'ya at sa wari'y sinusubukan ring pakinggan kung ano ang sinasabi ng kausap n'ya.
"Sigurado ka ba? Wala ng natira kahit si Dennis manlang?"
"Oh my!" Natutop pa ni Julia ang sariling bibig.
"Shit! Shit! Shit! On the way na ako. For the meantime obserbahan n'yo na muna ang paligid. Kung may makita kayo maski isa sa mga tauhan ni Julie, kunin n'yo saka paaminin kung ano ba ang nangyayari d'yan sa isla. Subukan n'yo na ring hanapin sina Narda at si Regina at baka sakaling nagtago lang sa kung saan. Hopefully hindi sila nahuli ni Julie."
Pinatay n'ya na ang tawag pagkatapos.
"Oh no!" Julia exclaimed.
Umiling-iling si Pipper. "Kasalanan 'to ng kapatid mo, Julia."
"What can I do? May sariling utak naman kasi 'yon." Sagot naman nito sa kanya.
"Isa ka pa eh. Tutulungan mo pa nga sana. Mabuti nga at napigilan kita. Pero saan kaya kumuha ng impormasyon si Julie sa kinaroroonan nina Narda kung wala kang nafeed na info sa kanya?"
"Eh 'di ko alam. Kaya nga n'ya ako pinuntahan para sa akin magtanong kasi nasalisihan nina Narda ang mga tauhan n'ya, 'di ba? Baka kay mommy?"
An idea struck her dahil sa sinabi nito. "Iliko mo. Pupunta muna tayo ng Batangas." Utos nito sa driver.
"Ha? Bakit?"
Hindi na muna s'ya sumagot at ipinikit ang mga mata. Hinilot ang sentido dahil nag-uumpisa na s'yang mastress sa mga pangyayari kaya sumasakit na ang ulo n'ya.
Nagulat naman s'ya at napadilat ng may ibang kamay na nagmasahe sa ulo n'ya.
Nagkatitigan sila.
"Close your eyes, Isabela. Naiilang ako sa titig mo." Sabi nito.
Huminga muna s'ya ng malalim at ipinikit ulit ang mga mata. Ninamnan ang lambot ng mga kamay nitong humahagod at nagbibigay ginhawa sa sumasakit n'yang ulo.
"I feel a bit better, Julia. Tama na. Salamat." Sabi n'ya para patigilin na ito sa ginagawa.
"Rest ka muna. Malayo pa naman ang Batangas. Just let me do this. Konting tulong para mabawasan ang stress mo. Naiilang ka din ba? Hindi naman na tayo nagtititigan ah." Tanong nito habang patuloy lang sa pagmamasahe sa kanya.
"Hindi naman. Hindi lang ako sanay na ganito ka kalapit." Sagot n'ya.
"Why? Tao lang din naman ako ah. Sa nakikita ko, hindi ka naman sobrang introverted para mailang sa mga tao. Am I taking too much of your private space?"
BINABASA MO ANG
In Another Lie
Fiksi PenggemarRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...