"I'm sorry." Akmang lalabas si Regina matapos s'ya nitong halikan pero hinila s'ya ni Narda pabalik.
Niyakap n'ya ito mula sa likod.
"Don't be sorry. Ako ang dapat magsorry. I had been too emotional. Naintindihan ko kung bakit mo 'yon ginawa. Naaawa ka lang sa akin."
"Awa? Bullsh*t! But it's okay... for now. I don't want to rush her on liking me. I don't want to confuse her with anything including her feelings." Sabi n'ya nalang sa sarili.
"You're just portraying your role well. 'Yon lang. Let's not ruin our day with it, okay?"
Tumango naman nito na ikinapanatag n'ya. Akala n'ya iiwan na s'ya nito sa bahay.
But whatever Regina's reason is for kissing her, she likes the kiss.
"Hahayaan nalang muna kita dito. Feel free to use the instruments that you like while I continue cooking, okay? And no peeking please. Tatawagin nalang kita kung ready na."
Ngumiti naman ito sa kanya. "Thanks, Narda."
Tumango lang s'ya saka lumabas na ng kwarto.
***
"Lunch is ready, love." Tawag n'ya rito.Nawala ang tunog ng piano at kalaunan ay bumukas ang pinto.
"Wow!" Bulalas nito sa nakita. "Akala ko ba maglulunch lang tayo? Bakit may paballoons at cake ka, Narda?"
"We haven't celebrated your birthday together for so many years so I figure out I needed to do this now."
Hinawakan nito ang tali ng mga nakalutang na balloons at nilaro-laro sa palad nito.
"But today isn't my birthday, love."
"It doesn't matter. Let's pretend nalang that it's your birthday today. Baka kasi hindi na maulit pa 'to." Nalungkot si Narda sa isiping 'yon.
"Hey! I will celebrate more birthdays with you from now on. Don't be sad na."
"Hindi ko alam kung ang nangangako ay 'yong ikaw ngayon o 'yong babaeng minahal ko noon, Regina. But nonetheless please keep your promise, my love." She silenty wished.
"Promise mo 'yan? For real?"
Saglit naman itong nag-isip. "That is if you weren't that bully and annoying Narda anymore. I swear to keep that promise, love."
"Aba't may condition pa talaga. How about you keep your promise kung maging successful itong 24 hours jowa pretend natin?" Naghila na s'ya ng upuan para dito.
"You've got yourself a deal, Miss Custodio." Sabi lang nito habang inaalalayan n'yang makaupo.
"Come on. Dessert first. I made your favorite matcha cake. Sorry walang candles but you can still make a wish before slicing your cake."
"Wow! Parehas din pala kami ng favorite flavor ng cake ng girlfriend mo, Narda." Bulalas nito. Hindi na s'ya nagsalita pa.
Pumikit ito saka natahimik. Marahil ay nagbabanggit na ng wishes sa utak nito. "There! Tapos na akong magwish."
"Ano naman ang wish mo?" Curious n'yang tanong.
"It's a secret I wouldn't tell, Narda." Tudyo nito sa kanya.
"I wish for your memories to come back, Regina." Sabi n'ya dito saka pinahiran ng icing ang ilong nito.
"Ah, ganoon ha? You want this the messy way eh?"
Kumuha din ito ng icing para sana ipahid sa kanya pero nahuli n'ya ang kamay nito at isinubo sa bibig n'ya.
She swirled her tongue on her fingers. "Hmmm. Yummy."
"Pero mas masarap sana kung ikaw mismo ang nilagyan ko ng icing." Hindi n'ya mapigilang komento.
"Narda!!!"
"Joke lang kasi."
Napansin naman n'ya ang lalong pamumula nito kaya binitawan na n'ya ang kamay nito saka pinahiran ulit ang mukha nito ng icing.
"You're so madaya, Narda!"
"Am I? Oh 'di gumanti ka rin."
***
"Ah! That's one messy lunch. A kind of lunch I never had my whole life. Thanks, Narda."Natatawa pa ring sabi nito habang pinapahiran ng towel ang kamay at mukhang napuno ng icing.Pagkukulitan habang nagsusubuan ng cake ang naging lunch nila, kung matatawag ngang lunch 'yon.
"Busog ka na n'yan? Eh 'yong cake na isinusubo ko lang naman sa'yo ang kinain mo. Ni hindi mo nagalaw masyado 'yong steak at mashed potato na ginawa ko sa'yo for lunch."
"I'm fine, Narda. Don't worry. Nabusog ako. Naubos ba naman natin 'yong ginawa mong cake for me. I didn't know you can cook so well. I might hire you as my personal chef nalang siguro kaysa bodyguard."
"Bakit hindi mo nalang ako ihire as your girlfriend, Regina? Sa ganoon eh may bodyguard ka na may tagaluto ka pa. At libre lang 'yon. Love lang ang tatanggapin kong bayad." Parinig n'ya rito.
Natahimik ito.
"Kinoconsider kaya n'ya?" Tanong ni Narda sa isip.
"Narda, i'm straight. I hope I don't give you mixed signals. I had been vocal of why I spent this day with you."
"Yes, straight ka naman talaga noon, nabaliko din naman kita." Sabi pa ni Narda sa isip.
"Klarong-klaro, Regina. But I am taking my shot here. You're single, i'm technically single. Why don't we try? Promise, I won't force you. If wala ka talagang magiging feelings for me, feel free na bastedin ako."
"Which I doubt." Dagdag pa ni Narda sa isip.
"Are you trying to ask if you can court me, Narda?"
"Kung papayag ka. I swear hindi ko gagamitin ang pagiging bodyguard ko to my advantage."
"I don't mix business with pleasure, Narda."
"We can figure out how to separate them. Like you're my boss in the morning, but my lover at night."
"Narda!!!"
"So ayaw mo talaga sa'kin? Hindi mo talaga ako bibigyan ng chance?"
"Hmmm."
"Love knows no gender, Regina."
"Hmmm.."
"Love has no boundaries."
"Hmmm..."
"Straight din naman 'yong girlfriend ko bago naging kami." Depensa n'ya.
Tumawa ito. "Hindi ka talaga marunong sumuko eh no? You don't take no for an answer, do you?"
"Not without a fight, Regina."
Matagal itong tumahimik at wari'y malalim na nag-iisip.
"Sige paliguan mo 'ko."
"Ha? P-papaliguan kita?" Paninigurado n'ya. Hindi yata't nabibingi s'ya sa narinig.
"Ngayon ko na ba ulit mahahaplos ang hubad mong katawan, Regina? Paano kung 'di ko kayaning magpigil at matempt ako?" Napalunok s'ya sa isiping 'yon.
"Ano ba ang iniisip mo at parang natuklaw ka ng ahas dyan? Feeling ko naughty 'yan. Ang sabi ko, paliguan mo ako ng pagmamahal, Narda. D'yan ka na nga." Natatawang iniwan na s'ya nito sa sala.
BINABASA MO ANG
In Another Lie
FanfictionRegina and Narda left the chaotic world and lived quietly on the island as lovers but Regina soon meet an accident where she forgot about her present life with Narda. After 5 years... Regina tries to regain her lost memories. Narda also reappears in...