Chapter 6: Flashbacks

435 26 0
                                    

*Flashback*

"I'm ready, love." Bitbit ni Regina ang maleta n'ya paglabas ng kwarto nila.

Yumakap ito sa kanya mula sa likod habang nagluluto s'ya.

"I'm gonna miss you."

"Me too, pretty. Miss na nga kita kahit hindi ka pa umaalis." Hinagod n'ya ang kamay nitong nakayakap sa kanya. "Breakfast muna tayo before ka umalis, love. Saglit nalang ito."

"Hmmm. Your adobo smells good. But you smell even better, love." Inamoy nito ang leeg n'ya. "Ikaw nalang kaya gawin kong breakfast?"

Nilingon n'ya ito saka ikinulong sa mahigpit n'yang kayap.

"Tigilan mo 'yan, baka hindi ako makapagpigil at ikaw ang maihiga ko d'yan sa lamesa para kainin." Natatawang aniya.

"Kung 'di ko lang talaga kailangang umalis ngayon."

Nangingiting umupo nalang ito sa may dining table at nangalumbaba sa harap n'ya.

"Oh ano na namang titig 'yan, Regina?" Tanong n'ya ng mapansin n'ya itong nakatingin sa kanya.

"Wala lang. I just wanna say thank you for everything. For all the love, care, support and sacrifices na ginawa mo para sa'kin ng umalis ako sa company ni dad para sumama sa'yo dito. Thank you for making time to teach me everything I know now from doing the dishes to cleaning the house, doing the laundry and for teaching me to be brave and to follow my dreams."

Lumapit s'ya dito saka s'ya naman ang nagbackhug kay Regina. "Bakit ang agang drama n'yan, love? Andito lang ako lagi. Kahit matagalan ka bago makabalik dito sa'tin asahan mong andito lang ako. Hihintayin kita kahit gaano man katagal, Regina."

Nilingon naman s'ya nito. Nakita n'yang nag-uumpisang mabasa ang mga mata nito at nagbabadyang umiyak.

"Ops! Stop right there, love. Ayokong ang huling memory ko sa'yo bago ka umalis eh ang namumugto mong mga mata."

"Ikaw kasi eh! Bakit kasi ang sweet mo?" Hinampas pa nito ang kamay n'yang nakayakap dito.

"Sweet na ba 'yon sa'yo?"

Kinapa n'ya ang bulsa. "Akin na ang kamay mo, love."

Agad naman nitong inilahad ang kamay ng wala ng tanong tanong pa.

Isinuot n'ya ang singsing sa daliri nito.

"Promise ko pagbalik mo sisiguraduhin ko nang hindi na kita bibigyan pa ng rason para iwanan mo ako ulit. Promise na hihintayin kita gaano ka man katagal bago makabalik."

"Thank you, love. This won't take long. I promise. Aayusin ko lang ang problema namin sa kompanya saka babalik na ako sa'yo dito."

"Paano kapag pinagtrabaho ka ulit ng daddy mo sa company ng full time?"

"Eh 'di kukunin kita dito. Ako naman ang mag-aalaga sa'yo kagaya ng ginawa mo sakin for the past couple of years. Bakit kasi ayaw mo pa sumama sa akin pabalik ng Manila, love? 'Yan tuloy mamimiss natin ang isa't isa."

"But I like it here. Maayos na tayo dito, love. Bakit kasi kailangan mo pang bumalik ng Manila."

Tumayo ito at niyakap s'ya. "Shhh! Napag-usapan na natin 'to, di ba? Dad needs me. The company needs me right now. Ayaw kong mag-argue pa tayo sa bagay na 'to. Ayokong may sama ng loob tayo sa isa't isa bago ako umalis. Let's just cross the bridge when we get there. Okay?"

"Hay! Okay. Just take care of yourself, love. Tumawag ka sa'kin kapag nasa Manila ka na."

"Will do, love."

***
Nagising si Narda sa tunog ng cellphone n'ya.

"Good morning, love." Masayang bati n'ya rito.

Ito ang araw na matagal nilang pinakahihintay na dalawa. After 2 months ay uuwi na si Regina sa isla.

"Hello." Boses ng lalaki ang sumagot sa cellphone.

Napabangon naman bigla si Narda.

"Sino 'to? Bakit nasa'yo ang cellphone ng girlfriend ko?"

"Ma'am sa Makati Med. po ito. Inform ko lang po kayo na nasa ospital ang may-ari nitong cellphone."

"What? Why? Ano po'ng nangyari?" Tumulo nalang ang luha n'ya at parang ayaw ng tumigil pa. Ang lakas ng kabog ng dibdib n'ya.

"Naaksidente po ang sinasakyan n'yang kotse. Nabangga ng 10 wheeler truck."

"Oh ghad! How is she?"

"Nasa emergency room pa po hanggang ngayon. Tumawag lang po ako para iinform kayo since kayo po ang nasa emergency contact ng phone n'ya. Pakipuntahan nalang po dito sa ospital."

"Opo. Opo. Salamat sa pag-inform."

Ginawa ni Narda ang lahat ng paraan para mabilis s'yang makarating ng ospital. Grabeng kaba at pag-alalala ang nararamdaman n'ya habang nasa byahe na umabot din ng ilang oras.

"I'm here for Regina Vanguardia. 'Yong sa car accident." Agad n'yang sabi paglapit sa information desk.

"Narda?" Nabaling naman ang tingin n'ya sa lalaking nakatayo sa likod n'ya. Saktong napadaan ito at napahinto ng marecognize s'ya.

"Sir Rex? Kamusta na po si Regina?" Agad n'yang tanong paglapit n'ya dito.

"She's stable now. Pero inoobserbahan pa rin ang kalagayan n'ya. I might bring her to the US for further examination. Hinihintay ko lang na magrant 'yong request para sa transfer n'ya."

"US?"

"Yes, Narda. I don't want to lose my daughter, especially now. Ngayon lang kami nagkaayos tapos ganito pa ang nangyari. I want to give her the best medical treatment she needs. Sana okay lang sa'yo 'yon."

"Ganoon ba kalala ang nangyari at kailangan pa s'yang dalhin sa Amerika?"

Tumango naman ito at napabuntong-hininga. "Unfortunately, yes."

"Huwag n'yo namang ilayo si Regina sa akin, sir. Paano ko s'ya aalagaan? Paano ko s'ya babantayan? Paano ko s'ya makikita manlang?"

Hinawakan s'ya nito sa balikat. "I'm sorry, Narda. Though I am thankful sa pag-aalaga mo sa anak ko ng ilang taon, hindi sa pagiging kontrabida sa inyong dalawa, pero I guess it's in your destiny na magkahiwalay. I want my daughter back, Narda. I need her. Nawala na ang mommy n'ya at ayokong pati s'ya ay mawala rin sa akin. Kaya sana maintindihan mo kung bakit kailangan ko 'tong gawin."

"Pero babalik pa naman kayo after n'ya maging okay, 'di ba? Hindi rin kayo gaanong magtatagal doon, 'di ba, sir?" Patuloy lang sa pag-agos ang masaganang luha sa mata ni Narda.

"I don't know, Narda. Hindi kita masasagot. But if ever magtagal kami, please make use of your waiting time to make yourself better. Improve yourself. If kaya mong magmove on, do it. Be successful kahit wala si Regina sa buhay mo."

"Sa tono mo, sir, parang hindi mo na s'ya ibabalik pa sa akin."

"You've taken her from me for a couple of years. Maybe it's time na sa akin naman s'ya at ako naman ang mag-aalaga sa kanya, Narda. If you'll call it selfishness, so be it. Gusto kong magpakaselfish ngayon para sa ikabubuti n'ya. Please understand, Narda."

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon