Chapter 34: Fight for love

465 30 43
                                    

"Dito ka lang sa kweba, love. Susubukan ko silang labanan sa dilim. Hindi ko sila kaya ng maramihan pero baka sakaling kakayanin ko sila kapag inisa-isa ko sila. I'll use darkness to my advantage." Bulong ni Narda kay Regina habang sumisilip sa mga talahib.

"Pero paano 'yan, love? Wala kang weapon. Paano mo sila madedefeat? How can I be of help?"

She smirked at her. "Watch me, love. Ipaglalaban kita ng patayan. I've prepared for this for years. You don't have to do anything except huwag mo na akong bigyan ng alalahanin pa. Magtago ka lang muna dito at tumakas kapag may pagkakataon. Huwag ka ng lilingon pa 'pag nangyari 'yon."

Umiling-iling naman ito sabay kapit sa braso n'ya. "No! Ayoko! I don't want you to risk it. I don't want to lose you, Narda. Dito lang tayo hanggang mag-umaga o hanggang dumating ang tulong."

Hinawakan n'ya ang mukha nito at hinalikan ito sa noo. "Mawawalan ng saysay ang mga sakripisyo kung hindi ako susugal, love. Gagawin ko 'to para sa'yo. Para maging tahimik na ang lahat. Para wala ng maging panganib pa sa hinaharap."

"But, Narda..."

She silenced her with a kiss. "I love you, Regina. Tanda mo 'yong sinabi ko sa'yo dati? Ang pinakamalaking kasalanan ay..."

"Ang pinakamalaking kasalanan ay kapag... tumibok ang puso?"

Napailing nalang si Nard saka ito kinurot sa pisngi. "Imbento ka, love."

Kaagad namang sumeryoso si Narda saka hinawakan ito sa balikat. "Ang pinakamalaking kasalanan ay kapag may kakayahan ka namang tumulong pero hindi mo ginawa. May magagawa ako para sa'yo, Regina, kaya sana hayaan mo akong ipagtanggol kita."

Napabuntong-hininga nalang ito.

"Hey, look at me. Please huwag kang lalabas kahit makita mo pang nabubugbog ako or nasusugatan. The last thing I want right now ay ang mawala sa focus sa pag-aalala sa'yo. Just be safe. Huwag ng matigas ang ulo please."

Tumango naman ito saka niyakap s'ya. "I love you, Narda. Huwag kang mawawala sa akin please. Please promise me na tutuparin mo ang pangako mong papakasalan pa ako balang araw."

"I kept my promise na hihintayin kita for 5 years right? Now it's time for you to promise me na dahil bumalik na ang memories mo, whatever happens, mawala man ako, aalagaan mo ang mga alaala nating dalawa, may it be good or bad."

"Narda..."

"Go inside, love. I need to go now."

Hindi na n'ya ito hinintay pang sumagot, iniwan na n'ya ito sa kweba at dahan-dahang naglakad patungo sa kadawagan kung saan n'ya huling nakita ang mga goons ni Julia.

"Nakita n'yo na, pre?" Nakarinig s'ya ng usapan mula sa 'di kalayuan.

Mga 5 o 6 na armadong kalalakihan ang nakita ni Narda na nagkukumpulan sa ilalim ng medyo may katandaan ng puno.

"Wala eh. Bakit kasi hindi nalang natin ipagpabukas ang paghahanap doon sa mga babae?"

"Kaya nga. Ang dilim kaya. Baka mahulog pa tayo sa bangin o 'di kaya matuklaw ng ahas, baka mauuna pa tayong mamatay kung ipipilit pa natin ang paghahanap."

"Kung 'di sana kasi iniwan ni ma'am ang mga babae kasama si Robles, wala sana tayong ganitong problema ngayon. Medyo may pagkatanga din pala 'yong amo nating 'yon no?

"Pigilan mo 'yang bunganga mo uy. Kapag narinig ni ma'am Julie 'yan baka mauna ka pang matigok sa dalawang babaeng 'yon. Magpahinga nalang tayo dito sa ilalim ng puno. Dito na muna tayo magpalipas ng gabi at pagputok ng araw, saka na natin suyurin itong kabundukan."

"Mabuti pa nga."

"Paano 'pag sumunod si ma'am Julie dito?

"Sigurado akong hindi susunod 'yon dito. Ang arte kaya ng amo nating 'yon. Sa beach pupunta pero nakadress at nakaheels pa o 'di kaya nakaboots na parang akala mo pupunta ng discohan."

In Another LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon