Part 27

212 7 0
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

Kung maaari ko lang siyang pagtaguan o huwag na muna akong magpakita ng ilang araw sa kaniya ay ginawa ko na, pero alam kong hindi naman ako makakaiwas dahil sa mga treatment ko. Kahit na gano'n ang nangyari kahapon, magkikita't magkikita pa rin kami -- sa ayaw at sa gusto ko. Isa pa, sigurado naman akong hindi niya ako hahayaang hindi makita kahit isang araw lang. Ngayon pang may nangyari nang aminan? But, I am nevertheless, in a state of shock and astonishment.

Kaya pinipilit kong huwag na lang munang isipin iyon sa ngayon. Kailangan kong ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Baka mabaliw ako sa pag-iisip nun. Kahit na siguro tapos na ang issue ng nangyaring 'markahan ng walang permiso,' ay may problema pa rin ako, at yun ay ang katotohanang may gusto 'raw' siya sa akin. Nakakatawa lang isipin. How could he possibly feel that way for me in this circumstance? Nabagok ba ang ulo niya at kung ano ano na lang ang pumapasok sa utak niya? Or maybe, he have this tendency known as 'emophilia' o yung mabilis at madaling ma-inlove. Pero kahit na gano'n, bakit sa akin pa? Hays. Kahit ano pa yan, wala na akong pake.

Kaya nandito ako ngayon sa cafeteria para humingi ng yelong ngunguyain. Wala akong ibang maisip na gawin. Kung maaari, susubukan ko na munang huwag siyang isipin ng ilang oras, hangga't maaari.

"Aanhin mo yung yelo?" nagtatakang tanong ni Jay nang sabihin ko ang sadya ko rito.

"Wala. Gusto ko lang may pagkaabalahan ang bunganga ko," sagot ko.

"Bakit hindi ka na lang kumain kung naghahanap ka ng pagkakaabalahan ng bibig mo? Ilang minuto lang naman na bago ang dinner time mo."

"Hindi pa ako nagugutom. Yelo ang kailangan ko. Kahit mga apat o tatlong cubes lang."

Kung kami lang ni Jay ang nag-uusap, kaswal lang. Pero kapag kasama ko yung baliw na iyon, nagiging ma-respeto ako bigla at tinatawag siyang 'sir.'

"Dati ka na bang nagke-crave ng yelo?" tanong niya bigla. "Masama kaya sa kalusugan iyan. Tinatawag iyon na pagophagia. It's a disorder. Intense craving of chewing ice or consuming a lot of ice can cause dental damage. It is usually associated with iron deficiency anemia or mental abnormalities too."

Napakunot-noo ako. "Anong connect ng ice sa .. teka, hindi! Ngayon lang ako naghanap ng ice na ngunguyain."

"Sabi mo iyan ah. Baka ako ang mapahamak nito kay Doc Graves kapag nagkasakit ka," nag-aalalang sabi niya.

"Hindi. Ngayon lang 'to. Tsaka huwag kang mag-aalala sa isang 'yon. Ako ang bahala."

"Okay. Hintayin mo 'ko rito. Kukuha lang ako sa ref."

Tumango lang ako. After a minute ay agad din naman siyang bumalik. "Okay na ba 'to?" tanong niyang iniabot sa akin ang isang malaking plastic cup na puno ng ice cubes.

"Oo, saktong sakto. Salamat."

Tango lang ang isinagot niya kaya agad rin akong nagpaalam.

Habang sinisipsip ang unang yelong isinubo ko mula sa baso ay palabas na din ako ng cafeteria. Saktong may namataan ako sa hindi kalayuan-- shit! Mukhang nakita na rin niya ako. Kung magpapatuloy ako sa paglalakad, magkakasalubong kami at iyon ang kanina ko pa iniiwasan na mangyari. At ang magkita kami ng lalaking 'yon ang huling bagay na gusto kong gawin. Tama na yung dalawang beses na nakita ko siya sa therapy session namin.

Agad akong tumalikod at bumalik sa loob ng cafeteria. Magpapalipas na lang muna ako rito ng oras hanggang sa masiguradong wala na siya.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon