Part 67

99 6 1
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

Hmph.

Sa hindi malamang dahilan ay agad rin akong tumalikod at bumalik sa baba. Salubong ang kilay na halos tinakbo ko ang apat na palapag ng hagdan.

Isang tao ang una kong naisip na hanapin. Sigurado akong matutulungan niya ako at alam kong hindi niya ako puwedeng tanggihan.

Hindi maaaring hindi ko siya makausap. Kung kailangang libutin ko pa ang buong sanitarium na 'to para lang malaman kung nasaan siya, gagawin ko---just to give that jerk a lesson!

The moment I saw him bring that woman into his office, I can't help but feel a twinge of irritation.

Hindi ko siya kilala dahil ngayon ko lang din nakitang dinala niya rito ang babaeng iyon. Pero sigurado akong matagal na silang nag-uusap sa telepono nang patago. Hula ko na baka sa social media lang din sila nagkakilala. Baka nga hindi rin alam nina Detective Treacher na may sugar mommy pala ang kapatid niya.

Hah. Hindi nila alam, may kababalaghan nang nangyari sa dalawang iyon dati pa.

Mas lalo lang tuloy nangunot ang noo ko. I felt a subtle pang of curiosity and unease considering what I had seen.

Sigurado akong hindi pera ang dahilan kase mayaman naman na si Hunter. At mukha ring milyonarya ang matandang iyon. Kaya malaki ang tsansa na totoo ang hinala kong sex lang talaga ang habol niya kay Hun---wait, no, imposible pa rin! Hindi pala siya pumapatol sa mga babae dahil .. dahil baliko siya!

Pero .. paano kung hindi pala talaga siya bakla? Paano kung nagpapanggap kang siya at sinasabi niya lang iyon para linlangin ako? .. Yes. Maaaring tama ako. Tang'nang iyon. Kapag napatunayan ko, humanda talaga siya.

But I can't still quite understand why it frustrates and bothers me so much. Maybe because he lied to me?

I can't believe he almost convince me with those meaningless and empty promises. How can he claim to love me just days ago and then turn around and bring another woman into his office?

The contrast felt like a slap in my face for almost trusting his words. And I'm glad I didn't let myself fall into the pit of his own grave of lies.

So, as a way to get back at him, I need to show him that he's not the only one who can toy with me. That I can play the same game. That I can definitely give him a taste of his own medicine.

Habang tinatalunton ko ang daan papuntang cafeteria ay hindi ko mapigilang magtaka kung bakit naninikip bigla ang dibdib ko. Hindi ko ma-explain pero medyo masakit.

Ngunit pinilit kong huwag munang pansinin iyon, marahil dala lang ng pagtakbo ko kanina pababa sa may hagdan. Mawawala rin siguro mamaya.

Nang makarating ako sa may bungad ng cafeteria ay inilibot ko ang paningin ko sa mga nagkalat na tao sa paligid. Nagbabaka-sakaling mahanap sa mga iyon ang sadya ko.

Malaki ang tsansa na nagpunta siya rito dahil sa libreng pagkain at dahil baka akala niyang nandito rin ako dahil nga birthday ko.

Naisip kong pumunta sa side kung saan naroroon ang mga naka-display na pagkain.
Mabuti na lang at medyo malayo doon ang puwesto nina Detective Treacher, baka mamaya ipatawag ako kapag nakita nila akong pakalat-kalat rito.

Napatakip rin ako ng mukha para hindi ako makatawag ng atensyon sa mga bata, mamaya may biglang sumigaw ng 'happy birthday' sa akin, e'di huli rin ako.

Saktong may ilang mga taong pumipila sa naka-buffet style na hinanda nilang pagkain at---ah! There he is!

Nagliwanag ang mukha ko nang mamataan ko ang isang semi-kalbong lalaki na may tattoo sa leeg at may hawak pang plato.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon