Part 48

121 5 4
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"Sa tingin ko .. m-may kasabwat siya. .. Ang p-pulis na .. na nakahanap mismo ng baril sa unit niya."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig mula sa bibig ng mismong landlady ng building na kinatatayuan namin. Hindi ko alam kung namali lang ako ng dinig o sadyang may isang tao talagang nag-sink-in sa utak ko nang banggitin niya iyon.

"A-Anong sabi mo?" Tanong ko na hindi na nakapagpigil pang magsalita.

"Malinaw ang sinabi ko. Y-Yung pulis na isa sa mga pumunta rito nung magkaroon ng search warrant. Siya iyon!"

Hindi ako puwedeng magkamali. Si Benson nga ang tinutukoy niya.

"Paano mo nasabing kasabwat siya ng taong nagpadala sa iyo ng pera at ng baril?" Tanong ko ulit na halatang kuha na niya ang buong atensyon ko.

"Narinig ko siya at kitang kita rin ng mata ko. Lumingon pa nga siya sa akin saka ngumiti." Huminga siya ng malalim saka bumuga habang tinitingnan kami nang palipat-lipat. "Bumulong siya nang saktong makita niya sa basurahan ang baril. Na para bang alam na niyang doon ko sa banyo ilalagay iyon kaya sinundan niya ako makalipas lang ng ilang minuto. Hindi malayo mula sa kinatatayuan ko kaya rinig ko pa rin ang sinabi niya. Ang kasama niyang pulis ay nasa kabilang panig ng kwarto kaya malayong dinig niya iyon."

"What did he say?" Si Avgust na ang nagtanong.

"Kung hindi ako nagkakamali .. 'Oh~ I found the gun far sooner than I expected to .. all thanks to someone.'  Sinabi niya na binuntutan pa ng mahinang tawa saka lumingon sa gawi ko't ngumiti. Na para bang sinadya niya iyon para marinig ko. 'Well done. You played your part superbly,' saad pa nga niya, eh," paglalahad niya.

That damn lying bastard!

'You should've known by now that I'm not the real enemy you're after,' naalala kong sabi niya nang minsang kornerin ko siya para paaminin. At naniwala naman agad ako. Tang'na niya!

"That .. son of a bitch," inis na bulong ko.

"You know who she's talking about?" Tanong ni Avgust nang mapalingon siya sa akin nang mapamura ako.

"Oo. Kilalang-kilala ko. Kilalang-kilala," mariing ulit ko sa huli.

"Then .. that only means we now know that that police is involved in this scheme. What's your plan?"

"Kailangan ko siyang makausap. Siya lang ang tanging makapagsasabi kung sino ang utak ng lahat ng 'to."

"Pero paano?" Basag sa akin ni Conner. "Posibleng pinaghahahanap ka na ng mga pulis ngayon o ang mismong security staff ng sanitarium. Sa tingin mo, makakalapit ka sa kaniya nang hindi ka nila nahuhuli?"

"Let's discuss this matter elsewhere. We cannot stay here a minute longer," sabi ni Avgust bago hinarap ulit ang landlady saka itinapon mismo sa harap niya ang perang laman ng bag. "You have fulfilled your part of the deal. I'm offering you this money as we agreed upon in exchange for the information we needed," tugon niyang nauna na nang naglakad palabas ng pinto.

Sinundan namin siya agad pero napansin ko ang saglit niyang paghinto nang makatapat siya sa mismong bungad ng building.

"Hold on a second .. " bulong niya na nagpatuloy din agad sa paglakad papuntang parking lot, "I think I spotted a highly dubious vehicle lurking nearby this building. Let's not act all caught up in it, let's just get in the car real quick, and act like nothing's up."

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon