Part 25

227 17 0
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"Let's stop talking about me. Si Cameron ang pinag-uusapan natin, hindi ako." Iyon na lang ang sinabi ko sa mahabang pangaral niya sa akin. Ayokong humantong na naman sa mahaba-habang diskusyon. Medyo naginhawaan akong maghapon na wala si Hunter pero siya naman ngayon ang nane-nermon sa akin. Nananakit na ang ulo ko sa kanila pareho.

"Please think about what I said. Hindi man madali pero kailangan mong subukan .. kahit paunti-unti. That will help your treatment too."

"Oo na," nayayamot na saad ko. "Just stop."

Napabuntong hininga siya. "Okay."

"Ngayon, ang tanong ko na lang ay kung wala kang bang ideya kung sino ang nagpapatay kay Cameron? Kung sino sa tingin mo ang nagpadala sa akin ng sulat na iyon kasama ang baril at pera?"

"Wala," agad na sagot niya. "Sa tingin ko, hindi lang naman kasi kami ang nakagawaan niya ng kasalanan. Marami rin sigurong ibang taong patagong galit sa kaniya. Sobrang daming koneksyon niya sa mga high-ranking criminals -- sa loob at labas man ng kulungan, dahil sa drogang ipinapakalat niya. Siguro, may naglakas ng loob na ipapuntirya siya. Maaari ngang yung taong iyon din ang nag-leak ng information sa mga awtoridad tungkol sa mismong lokasyon ng laboratoryo niya. Kaya maaaring dati na niyang kilala si Gov. Cameron at matagal na rin niyang alam ang tungkol sa katiwaliang ginagawa niya sa buong bayan ng Aceredo."

"Alam mo na rin pala ang tungkol sa laboratoryo niya ng droga. Siya pala ang may pakana no'n," sabi ko.

"Yes. We're the ones who started the investigation. Iyon ang tinutukan namin ng ilang linggo kasama ang mga tiga-PDEA."

Iyon ba ang dahilan kaya minsan, parang nagmamadali siya noon na umalis o kaya ay saglit lang siyang dumadalaw kay Zariah?

"Anong balita do'n? Nahuli na raw halos lahat ng konektado sa lugar na iyon."

"I wonder where did you get all that information. I didn't know, naging interesado ka sa mga nangyayari sa labas ng sanitarium," nakangising sabi niya.

"Just answer me, Mr. Detective. Lahat na lang napapansin mo," irap ko.

Natawa siya sa sinabi ko. "Well, you heard it right. Himas-rehas na silang lahat. Unfortunately, hindi kabilang doon si Gov. Cameron."

"Tch. Baka nasusunog na ang kaluluwa no'n sa impiyerno. Kaya hindi na rin masama. Ano nga palang klaseng droga ang pino-produce ng laboratoryong 'yon? Sabi nila, mahal daw ang bawat piraso no'n kaya nae-engganyo ang iba na magtinda rin dahil malaki daw ang kinikita nila. Para saan ba iyon? Nakakagamot ba 'yon ng kalibugan?" Dahil kung oo, may bibigyan ako.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya napangiti ako ng makahulugan. "It's a class A drug called Ket-Ampheta-Caine. A polydrug combined by a ketamine, methamphetamine and cocaine. Those are illicit drugs -- stimulants and hallucinogens."

"Gano'n? Akala ko pa naman, napaka-espesyal na gamot para pagkaguluhan ng mga taong bumibili no'n. Ano namang epekto nun sa katawan ng tao?"

"Those are highly addictive. Malakas ang epekto nun sa utak at katawan ng tao. It can be fatal. And persistent using can change the brain's pleasure control system and can result in users experiencing cognitive and emotional problems. It can be safely used to treat pain, anxiety and depression in the correct doses. But if someone takes too much, it carries a high number of risks. These include high blood pressure, abnormal heart rhythms, confusion and liver dysfunction. With its ability to alter a person's state of mind, addiction can cause people to make irrational decisions that put them in danger or at risk of death. These drugs which typically alter how a person perceives the world. It can change the way a person sees, hears, tastes, smells or feels different things, including experiencing things that aren't there at all like hallucinations. [© google]" mahabang eksplanasyon niya.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon