⊚⊚⊚
THANK YOU FOR READING AND FOR VOTING TOO!
adlaon-05 & RealEXtraordinary⊚⊚⊚
Raven's P.O.V
Saktong maga-alas sais na nang matapos ang pag-uusap namin ni Conner. Pero hindi pa man nakakatagal ay muling bumukas ang pinto at si Knox naman ang sumunod. Mabuti na lang din at wala ang susunod na therapist ko. Sana nga hindi na iyon makakapunta rito kahit kailan.
"I knew you talk to that guy named, Conner."
Hindi ko inaasahan na iyon ang ibubungad niya sa akin. "Ang talas naman ng radar mo. May CCTV ba 'yang mata mo at lahat na lang nakikita mo," irap ko.
"I'm just saying, you idiot. Is that rascal your friend? Mukhang magkasundo kayo ah," sagot niyang inilapag sa mesa ang dala na naman niyang tray.
"Oo, bakit?"
"Tsk. He's just using you."
"Alam ko. At gagamitin ko rin siya para sa pansarili kong interes. Sigurado akong mapapakinabangan ko siya."
"How?"
"Bakit ko naman sasabihin sa iyo? Eh, alam ko namang magkasundo rin kayo ng kapareho mong baliw na Hunter na iyon. Baka isumbong mo pa ako. I know you're not trustworthy as a friend."
"So, mas pinagkakatiwalaan mo pa ang mga katulad ng lalaking iyon?"
"Yes! Alangan namang ikaw! Eh, wala naman akong mahihita sa iyo."
"Psh. Sabi mo eh. Kapag ikaw nagkaproblema, huwag na huwag kang hihingi ng tulong sa akin."
"Never. Hindi ko ibababa pride ko sa iyo."
"Kakaiba talaga ang tabas ng dila mo."
"Mas lalo naman sa iyo," sagot ko. Nagkasukatan kami ng tingin ng ilang segundo bagong ako ang unang umiwas. "Umalis ka na nga. Nawalan na ako ng ganang kumain. Gusto kong matulog."
"Kailangan mong kumain."
"Ayoko. Hindi na ako nagugutom."
"Kung hindi ka--"
"Kahit isumbong mo ako, hindi mo ako mapapakain," matigas na sabi ko at mabilis siyang tinalikuran. Hindi ko na narinig pang sumagot siya pero alam kong bumukas at sumara din ang pinto. Peste talaga ang isang iyon! Aish. Gusto ko na lang talagang matulog. Inaantok pa ako. Lalo eh dumagdag pa yung huling session ko kanina, nakakaantok.
"Raven."
Halos magising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Hunter kaya agad akong napalingon sa likuran ko. There they are! Kung sinusuwerte ka nga namang dalawa pa silang nandito. Mukhang alam ko na kung anong ipinunta niya rito.
"Knox told me, you don't want to eat. What's wrong?"
Tiningnan ko si Knox sa likuran niyang ngingiti-ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin. This bastard. Isinumbong nga talaga ako.
"Wala kasi akong ganang kumain. Hindi ba puwedeng mag-skip ng dinner?"
"No. May mga gamot kang kailangan inumin."
"Pero hindi nga ako gutom," pilit ko.
"No, you need to eat your meal. I'll feed you myself," sabi niyang kinuha ang kutsara't tinidor.
BINABASA MO ANG
DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]
General FictionRaven didn't anticipate that one unidentified sender would be enough to put an end to all of his terrible and evil deeds-- who hopes he will stumble into his trap. He was apprehended and made to confess by the authorities because of this. However, h...