Part 30

190 7 0
                                    


⊚⊚⊚

Thank you for reading and voting Xiumin99_Chen21  and androgynousboy !

(⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)~♡

⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

Kung pagtatagpi-tagpiin ang mga impormasyon na nalaman ko sa nurse kanina at sa nangyari kahapon, posible na si Hunter ang tinutukoy ni Benson na 'kapatid' niyang dinalaw rito. Yun nga lang at hindi ako sigurado kung yung 'kapatid' na sinasabi niya ay kung totoong kapatid talaga o tanging tawagan lang nila iyon bilang magkaibigan -- dahil kahit saang anggulo, hindi ko rin sila ma-picture bilang magkapatid.

Pero hinala ko pa lang naman iyon dahil baka nagkataon lang na silang dalawa ang natitiyempuhan ng nurse na makita ritong nag-uusap. But I still need to know whether it's true or not. Pansin ko kasi kahapon nung kausapin ng Hunter na iyon si Benson, parang hindi sila magkakilala. May pa-'sir'-'sir' pa siyang nalalaman. Pero kung totoo ang sabi ng nurse na may time na nagka-usap na pala silang dalawa, then posibleng dati na silang magkakilala at hindi first time lang ang pagtatagpo nila kahapon.

Ang tanong ko ngayon ay kung anong sadya niya rito. Kung tama ang hinala kong si Hunter nga ang dahilan ng pagparito niya, ano namang koneksyon nila sa isa't isa? Is it about work or something? Nasabi kasi ng nurse na si Benson ang isa sa mga pulis na laging bumibisita sa hospital na 'to kaya maaaring trabaho lang ang dahilan kaya siya nandito.

However, I felt something unusual about it. Pansin kong parang ayaw ni Hunter na malaman ko kung ano talaga ang ginawa ng Benson na iyon dito. I get the impression that he doesn't want me to know. Kung trabaho lang pala, bakit kailangan pa niyang ilihim sa akin?

I sighed. He must be hiding a lot from me, I'm sure with that.

Pero malalaman ko rin ang totoo. Hindi ko titigilan ang Benson na iyon hangga't wala akong nakukuhang impormasyon mula sa kaniya. Alam kong siya na lang ang natatanging susi ko para makilala ang anonymous person na matagal ko nang hinahanap. Ayokong si Hunter ang magsilbing hadlang para malaman ko ang katotohanan.

"Magandang umaga," bati sa akin ni Knox nang makasabay ko siya sa elevator pabalik sa taas.

"Hearing that coming from you makes me wanna laugh to death," walang emosyong sagot ko.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" kunot noong tanong naman niya.

"It gives me goosebumps. Ngayon mo lang 'ata ako binati ng ganiyan."

"Ayaw mo ba? Pasalamat ka nga may nag-go-good morning pa sa iyo. Mukha naman kasing wala."

"Hindi ko kailangan ng tiga-good morning sa akin. Maganda ang araw ko lagi."

"Aba! 'Di porke't may nagmamahal sa iyo," aniyang siniko pa ako.

"Maganda pa rin ang gising ko kahit walang nagmamahal sa akin."

"Hindi ka ba gino-good morning ni Doc Graves?" tanong niya bigla.

"Like I said, hindi ko kailangan ng--"

"Hindi ka niya binabati?" pilit na tanong niyang gulat na gulat.

Hindi ko alam kung pa'no siya sasagutin.

Sa katunayan, mula nang araw na sabihin niyang may nararamdaman siya sa akin, hindi na tumigil ang mga dinadala niyang mga iba't ibang bulaklak sa kwarto ko tuwing umaga. Hindi ko man nakikita pero sigurado akong siya ang naglalagay nun sa ibabaw ng katabi kong mesa. Tinataon lang niyang hindi pa ako gising sa tuwing pumapasok siya sa kwarto ko. At sa bawat bulaklak na iyon, may kasamang message card - handwritten pa, pero hindi ako sure kung sulat kamay niya iyon o pinapasulat lang niya.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon