⊚⊚⊚Zariah's P.O.V
He regarded me with skepticism.
"Bakit ganyan ka kung makatingin?" tanong ko.
"Hindi ko alam kung bakit ako ang inutusan nilang maghatid ng breakfast rito sa kwarto mo. Wala ka bang mga paa? Kaya mo namang pumunta sa cafeteria nang mag-isa," sagot niya habang prenteng nakaupo sa pang-isahang sopa sa gilid habang nakade-kuwatro. Nakatuon lang ang tingin niya sa akin. "Alam kong may kinalaman ka na naman dito," dagdag pa niya na ikinabigla ko.
"Of course not. Nagulat nga rin ako kung bakit ikaw ngayon ang nandito," sagot ko habang abalang-abala sa pagkain.
Normally, tuwing breakfast lang nila ako dinadalhan ng pagkain at yung nurse ko mismo ang laging pumupunta rito sa kwarto ko. Kaya ako rin naman ay nagtataka kung bakit siya bigla ang pumasok sa kwarto ko. Hindi man lang siya kumatok kanina. Mabuti na lang at nakapag-ayos pa ako ng 'onti bago siya dumating. Baka nakita na niya ang kapangitan ko tuwing nagigising ako.
"If you're not comfortable here, you can leave. Hindi mo naman ako kailangang bantayang kumain," saad ko.
"Kumain ka na lang diyan. Hindi 'raw' ako aalis kapag hindi ko nakitang ubos lahat ng laman ng tray na iyan."
"But I can manage eating this alone. Hindi mo ako kailangang i-monitor mula umpisa hanggang sa matapos akong kumain."
"Your doctor ordered me to do so. Wala ka nang magagawa do'n."
Tss. Sinunod ko na lang siya. Kinakain ko naman lahat. Kaya lang ay parang hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil pinagmamasdan niya ako. Hindi mapakali ang puso ko. Feeling ko, hindi ko malunok yung kinakain ko.
"Knox, hindi ako makakain ng maayos kapag pinapanood mo ako." Bakit ngayon lang ako nakaramdam ng pagka-ilang sa kaniya. Is it because I feel something different from him today? May kakaiba kasi sa itsura niya ngayon and I can't figure that out yet.
"I'm just observing you." Napahalukipkip siya. "Hindi ko kasi ine-expect na ganiyan pala karami ang kinakain mo tuwing umaga. Kaya ba dito ka kumakain sa kwarto mo dahil nahihiya kang pang-dalawang tao ang breakfast mo?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Eh, ano naman kung pangdalawang tao? Baka gusto mo? Tutal, sinabi mo na rin lang na pang-dalawang tao. We can feed each other if you like."
"No, thanks. Baka magkulang pa kapag nakihati pa ako sa iyo," natatawang turan niya pero nang saktong balingan ko siya ay tamang-tama lang para makita ko ang tila munting emosyon sa guwapo niyang mukha pero bumalik rin agad ang seryosong ekspresyon niya.
T-There was an expression on his face that is so delicate I couldn't take my eyes off him. Wait-- totoo ba ang nakita ko? That was like once in a blue moon. Ang lakas na tuloy ng kabog ng dibdib ko.
"Umalis ka na nga. Mas lalong hindi ko mauubos 'to kapag tinititigan mo ako nang ganiyan. Iniilang mo ako," irap ko.
"Iniilang?" hindi makapaniwalang tanong niya saka natawa ng marahan. "Naiilang ka sa akin? I thought you like being stared at. You don't want any attention from me now?"
"Not at the moment," irap ko ulit.
"Mabuti naman. Bilisan mo na lang diyan nang makaalis na 'ko. I won't leave not until you finish eating all that up."
"Oo na!"
Sinubukan kong bilisan ang pagnguya at paglunok para madali akong matapos at para makaalis na siya agad pero bigla na lang akong nabilaukan. Nabigla siya kaya agad siyang napatayo at lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]
General FictionRaven didn't anticipate that one unidentified sender would be enough to put an end to all of his terrible and evil deeds-- who hopes he will stumble into his trap. He was apprehended and made to confess by the authorities because of this. However, h...