Part 31

219 5 0
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"Nabusog ka ba?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Hindi," pagsisinungaling ko kahit ang totoo, halos maimpatso na ako sa dami ng kinain ko.

"Hindi? Nabundat na nga ako sa kabusugan, eh. Mas marami ka pa ngang nakain kaysa sa akin kung tutuusin," natatawang saad niya. "Look at these." Inililis niya ang suot na polo at ipinakita ang tiyan niyang--! Natigilan ako bigla nang makita ang .. one, two, three .. six-pack abs niya. Gamit ang kamay niya ay pinaglakbay niya pa iyon sa medyo maumbok at matigas niyang tiyan.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napalunok kaya agad ko na lang iniwas ang tingin ko. Baka makahalata siyang tinitingnan ko ang tiyan niya. Paano siya nagkaroon ng abs? Hindi ko naman siya nakikitang nagwo-workout.

"Ang laki na, 'di ba? Ang dami ko kasing kinain," pagmamalaki niya habang tinatapik-tapik iyon.

Hindi ko alam kung maiinis ako o mayayabangan sa kaniya. "Tss. Pinapakita mo lang 'yang abs mo, eh!"

"Hindi mo ba nakikita na halos matanggal na rin ang butones ng pantalon ko? Ta's ikaw, hindi pa nabusog? 'Di ko alam na magaling ka palang kumain. O sadyang napadami lang dahil nasarapan ka sa mga in-order ko? Pa-ayaw-ayaw ka pa kanina, dami mo naman palang kakainin."

"Whatever." Inikutan ko siya ng mata.

Nandito kami sa isang panig ng cafeteria kung saan niya ako dinala kanina matapos niya akong 'kaladkarin' mula sa labas. Alam niya kasing iniiwasan ko siya ta's saktong nakita niya akong papalabas ng building. Gusto ko sana siyang pagtaguan pero nagkataong nasa parking area pala siya kung saan may kausap siyang lalaki na naka-motor at may hawak pang malalaking plastic. Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi niya ako naabutan at nahawakan kanina. Kailangan pa niyang magtawag ng ibang nurse para habulin ako.

"Wala kang masabi, 'no? Ang cute ko kasi." He grinned.

"May itatanong nga pala ako sa iyo," pag-iiba ko.

Nawala ang ngiti sa labi niya at matamang napatitig sa akin. His face went blank at nawala rin ang ngiti sa labi niya. Bigla naman akong kinabahan dahil sa agad niyang pagseseryoso. "Hey, this is nothing serious. Huwag mo akong tingnan ng ganyan," saway ko.

"Okay. Tell me about it."

"Huwag na nga lang."

"Bakit hindi?"

"Pinaglololoko mo ako, eh."

"Okay, fine. I'll stop." Muling bumalik ang nakakaloko niyang ngisi. "Wala ka bang sense of humor? Akala ko kasi magpo-propose ka na sa akin eh. Hindi ako handa."

"Sira-ulo ka ba? Anong tingin mo sa sarili mo, chicks?"

"Maybe, I am one. Madalas kasi akong makatanggap ng proposal, eh. Indecent proposals nga lang."

Bigla akong natawa. "Alam mo, ang yabang mo talaga!"

"Atleast, may ipinagyayabang. Pati ikaw. Kaya kitang ipagyabang sa iba, basta payag kang maging boyfriend mo ako."

"Anyway--"

"HAHAHAHA!" Napatigil ako nang bigla siyang tumawa. "I always thought we'd get along, Raven. Ano nga ulit yung sasabihin mo?" pag-iiba niya.

"Hmm, gusto ko lang malaman kung paano mo ako nakilala. I mean, lahat ng impormasyon tungkol sa akin. You said to me, you have sources. I just wanna know who told you about me."

Hindi ko alam kung tama bang itanong sa kaniya ang tungkol do'n. Ngayon lang kasi sumagi ulit sa isip ko ang katanungan kung kanino niya nalaman ang pagiging contract killer ko.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon