Part 23

220 13 0
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"Hinding-hindi makakalimutan ng mga tao si Governor Sebastian -- Sebastian Treacher."

Tila nabingi ako sa pangalang nabanggit niya. "P-Pakiulit nga ho ang pangalan ng taong sinabi niyo?"

"Sebastian Treacher," pag-uulit niya. Hindi nga ako nagkamali ng dinig sa unang beses niyang pagkakasambit doon.

"Sebastian Treacher," pag-uulit ko rin. Don't tell me related siya kay -- argh! This is unbelievable! How could that be? Of all people?

"Oo. Marahil, kilala mo na siya o baka nakarinig ka na ng kahit ano tungkol sa kaniya. Bata ka pa naman kaya siguro ay naabutan mo pa siya at hindi na bago sa iyo ang pangalan na iyon - kung nakarating ka na ng Aceredo."

Never. Never akong nakarinig ng kahit na ano tungkol sa taong iyon. Marahil, matagal nang nangyari kaya hindi na naging usap-usapan o naungkat pa ang issue tungkol sa pagkamatay niya. Saka hindi naman ako interesado sa mga pulitiko kaya hindi ko alam kung sino-sino ang mga dating tumakbo bago si Gobernador Cameron. Pero never din akong nakarinig ng impormasyon na may pulitiko ring may apelyidong Treacher.

"Uhh, ano pa hong nalalaman niyo tungkol kay .. s-sa dating gobernador na iyon?" tanong ko ulit. Susulitin ko na ang pagkakataong 'to. Baka may mas interesante pa 'kong malalaman tungkol sa taong iyon. "H-Hindi kasi ako tiga-Aceredo kaya naku-curious lang ako. Last month lang din kasi kami lumipat rito sa Elderville," pagsisinungaling ko.

"Oh, kaya pala," pagtatango niya na nabigla rin. "Sa totoo lang, ang pamilya nila ay punong puno ng mga public servants. Parang ang purpose nilang lahat ay magparami para marami rin ang makatulong sa mga taong nangangailangan. Ang ilan sa mga kapatid at kamag-anak niya ay mga military soldiers, firefighter, pulis, social worker, teacher, judge, nurse, at doktor. Siya lang ang siyang napasok sa pamumulitika."

"May asawa naman na siguro siya, 'di ba?" tanong ko.

"Oo naman. Isang veterinarian ang asawa niya at may pinamumunuan rin siyang mga iba't ibang charities kaya bagay na bagay talaga silang dalawa."

"May anak rin ba sila?"

"Oo, pero lumaki sila sa ibang bansa. Bata pa lang 'ata kasi ay doon na sila nag-aral hanggang kolehiyo -- iyon ang alam namin. Hindi naman kasi sila pinapakita ng mag-asawa noon kaya ipinagpalagay naming baka nasa ibang bansa nga sila at doon na namirmihan hanggang ngayon."

"Hmm, isang babae at lalaki?"

"Babae? Sa pagkakaalam ko'y hindi sila nagkaroon ng babaeng anak. Sa tingin ko'y dalawang lalaki ang naging anak nila ni Caridad. Pero hindi ako sigurado, tulad nga ng sabi ko, kailanma'y hindi namin sila nakitang magkakasama. Bata pa noon ang panganay niya na lalaki at baby pa ang bunso kaya 'di namin alam kung babae nga o lalaki. Mayor pa lang noon si Gov. Sebastian nang huli naming malaman ang tungkol sa mga anak nila."

Sobrang tagal na nga. Hindi rin naman ako puwedeng mag-akala agad. Maaari naman kasing magka-apelyido lang sila ni Detective Treacher pero hindi sila magka-ano ano. Ngunit hindi naman siguro masamang magtanong mismo kay Treacher.

Papaulanan ko siya ng mga tanong once na magkita ulit kami. At hindi ko na siya hahayaan pang makapaglihim ulit sa akin!

...

"What brings you here?"

"What do you mean? I have a business with you here."

Wow. Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng salamin ah. Malabo na ba ang mata mong asungot ka? "Business? Mamayang eight pa ang therapy ko sa iyo," sagot ko. Naririto pa kasi ako sa cafeteria simula kaninang kinausap ko si Ante Belinda. Deretso na ang kain ko ng dinner, tapos sumaglit lang ako sa kwarto ko para kunin yung notebook na ginamit ko kanina para sa journaling time ko -- na halos wala rin akong sinulat dahil kung ano-ano lang ang dino-drowing ko sa pinakalikod na page nun.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon