⊚⊚⊚Raven's P.O.V
He reverted to being the serious bastard that he usually is. Argh. I can't imagine I said those things to him in front of Zariah.
"Okay ka lang?" tanong niya sa akin nang makitang napahilamos ako ng mukha.
"Yeah. I'm fine. Sanay na ako sa isang iyon. Aalis na ako. Narinig mo naman kanina, may ituturok siya sa aking gamot."
"Okay. See you after."
Tumango lang ako bago tuluyang lumabas rin ng kwarto niya at sa elevator ako nagtungo.
Damn. Sa dinami-rami ng rooms sa sanitarium na 'to, hindi ko alam kung paano niya ako natunton sa kwarto ni Zariah. May ikinabit ba siyang GPS sa katawan ko? Kaya namomonitor niya ako lagi kung saan ako pumupunta--oh. I remembered those CCTV's. I'm not even surprised.
Pag-akyat ko sa top floor ay nakita kong prente siyang nakasandal sa may pintuan ng Room 501 habang nakahalukipkip. Yeah, he's waiting for me.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ni Zariah?" agad na tanong niya nang makalapit ako.
"Nakikipagkuwentuhan lang ako sa kaniya."
"About me?" seryosong tanong niya ulit.
"Hindi!" depensa ko. "Nagpunta ako sa kaniya para itanong kung dadalaw ngayon si Treacher. Nagkataon lang na nasali ka sa usapan."
"Anong ibig sabihin ng narinig ko kanina?"
"Anong sinabi ko?"
"Tungkol sa akin."
"W-Wala iyon."
"Anong wala?"
"Don't mind it. I don't mean it. Binibiro ko lang si Zariah."
"It doesn't sound like a joke to me."
"E 'di, sabihin na lang nating realtalk iyon tungkol sa iyo."
He sighed after staring at me for a couple of seconds. "I'll let this pass pero huwag ka na ulit papasok do'n nang mag-isa ka lang."
"Bakit naman?"
"Because I told you so. And you're a guy."
"Ano bang masama kapag nakikipagkita ako sa kaniya?"
"Huwag ka na lang magtanong. Kumain ka ba ng breakfast?" tanong niya na binuksan ang pinto ng kwarto at hinila ako papasok.
"Oo," sagot ko na napaupo sa side ng kama. Nanatili lang siyang nakatayo sa harap ko. Bakit ba siya naiinis o nag-iinit ng ulo kapag nalalaman niyang nagkita o nakipag-usap ako kay Zariah? He's getting suspicious. Is it him being distrustful or overprotectiv--OVERPROTECTIVE? Kanino naman? Sa akin o kay Zariah? Hmm. Or might be jealous?--ugh, wtf! Napailing ako agad. That's absurd.
"Alright. To answer your question, mamayang gabi mo matatanggap ang first shot ng SGB, saktong alas-otso. So, when the clock strikes 12 PM today, hindi ka na muna kakain o iinom ng kahit na anong pagkain bago ang procedure kaya may two hours ka pa para kumain ng kahit na anong gusto mo. I already informed Jay about it."
Tumango ako. "Okay."
"Any other questions?"
Wala naman na akong itatanong tungkol do'n kaya naisip kong magtanong sa kaniya ng iba.
"By any chance, may pasyente ba dito na may bumibisita ring pulis maliban kay Zariah?" pagbabakasakali ko. Baka kasi may kilala siyang patient na si Benson ang isa sa mga loyal visitors niya.
BINABASA MO ANG
DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]
General FictionRaven didn't anticipate that one unidentified sender would be enough to put an end to all of his terrible and evil deeds-- who hopes he will stumble into his trap. He was apprehended and made to confess by the authorities because of this. However, h...