Part 60

155 10 1
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"Then .. who the fvck are you? What's your own kind of deal?"

Nanatili ang isang kamay ko sa kuwelyo niya habang nakatingin sa kaniya ng masama. Hindi mahigpit pero sapat na iyon para makuha ko ang atensyon niya.

Hindi pa rin kase malinaw ang lahat sa akin kung bakit o paano siya na-involved sa mga nangyari. Sa totoo lang, nung araw na una akong mapunta sa sanitarium na 'to, iyon din ang unang beses na nakita ko siya.

Kung totoo ang lahat ng sinabi ni Atty. Quinn, marahil hindi na nakapagtataka kung bakit parang kilalang-kilala niya na ako dahil siya pala ang nag-sponsor sa akin noon. Pero hindi ko alam kung anong dahilan niya para gawin iyon. Tho' may ideya na ako pero hindi iyon ang gusto kong marinig mula sa kaniya. I'm sure there's more to it than that.

"Hindi ka magsasalita? Fine." Bagkus ay si Atty. Quinn ang hinarap ko. "Anong kaugnayan niyo sa isa't isa, attorney? Alam kong kilalang-kilalang mo kung sino talaga ang taong 'to. I want to know the truth. Please, tell me." Kasi hindi siya basta-basta magwawaldas ng pera para sa akin kung wala namang mas malalim na dahilan.

Napabuga siya ng hangin bago nagsalita.

"Truth is .. well .. " nag-aalangan niyang sabi pero walang ano-ano'y bigla kong naramdaman ang kamay ni Hunter sa kamay kong nakahawak sa kuwelyo niya.

Napunta sa kaniya ang tingin ko at nakita kong nakatitig siya sa akin at walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mukha niya.

"Do you really want me to give you the satisfaction of knowing who I really am? Do you think you can truly handle it without losing your cool?"

Sinabayan ko ang mga titig niya, pero hindi ako nagsalita.

"You've always hated me, angel, so you may not like what you hear. But if you're still keen, then be my guest. I will tell you everything. I'll give you the satisfaction of finding out what I'm truly made of, but be prepared for your biggest nightmare as well. Cause, you have no idea what you're getting into."

Is that supposed to scare me?

"Attorney, would you mind stepping outside for a moment? I just need to have a quick private conversation with him," dagdag pa niya.

Hindi na sumagot pa ang abogado at tumango na lang bago lumabas ng opisina.

Hinablot ko naman agad ang kamay ko para mabitiwan niya ako.

"Now what?" tanong ko na humiwalay sa kaniya saka naupo sa kabilang panig ng sopa.

Bumuntong-hininga siya saka ipinaraan ang mga daliri niya sa buhok. "All of this happened because I was attracted to you---"

"Don't give me that bullshit," inis na putol ko sa kaniya.

Tumawa siya nang marahan. "Alright," sagot niya na prenteng umupo nang naka-dekuwatro saka humalukipkip. "When I first met you, it was at your parent's burial," simula niya at agad niya namang nakuha ang buong atensyon ko. "Atty. Quinn had brought me with him that day because he was assisting Detective Treacher in his investigations. That includes your uncle's case and the death of his own father."

Ibig sabihin, talagang gano'n nang katagal silang magkakilala?

"I remember that day fondly, since it was the first time I saw your face. I still remember the way you looked, with dark eyes and a melancholy expression, like there was something weighing heavy on your heart. The way your eyes were filled with sorrow and pain--- it's something I'll never forget. I had no idea who you were at the time, but I couldn't forget the feeling of that day when I first saw you crying," paglalahad niya.

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon