Part 2

552 26 2
                                    


⊚⊚⊚

(CW: This book contains subject material that may be disturbing or upsetting, including violence or murder.)

⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"The real question here is .. is this your first time killing someone? Or have you killed someone before? Contracted or not."

"Ito ang unang beses."

Natapos doon ang pangatlong pagtatanong. Pagkatapos ay dinala nila ako sa isang selda at doon ako nagpalipas ng gabi. Sunod sunod rin ang narinig kong mga tunog ng telepono, may mga grupo ng media na pilit pumasok para interview'hin ako pero pinipigilan sila ng ibang mga pulis. Saktong alas-otso ng umaga nang muli na naman nila akong tanungin, and as usual, bagong tape recorder ang nakita ko at sinabihan ulit nila ako sa mga karapatan ko.

"We discovered another caller, telling us that you're really a hired killer, is that true?" pagsisimula ni Camero. Tang'na, kagigising ko lang, iyan na agad ibubungad sa akin?

"Hindi," inaantok na sabi ko, muntik na rin akong mapahikab.

"Hindi?" pag-uulit niya.

"Hindi."

"On your mobile phone, we have seen recent calls and messages. We discovered that those texts are you, haggling with them for cash. Are they hiring you to commit murder?"

"Hindi."

Mabuti na lang at sa tawag ko lang napag-uusapan ang tungkol sa pangongontrata nila noon at hindi sa text. Dahil kung hindi, baka pati iyon nabasa nila't mas lalo lang akong malulubog. Sa messages lang ako nakikipag-usap kapag tumatawad na ako sa ibabayad nila sa akin. Kung alam kong mahihirapan ako, magde-demand ako ng mas malaking pera. Mabuti nga din at hindi ko sila ni-save sa contacts ko.

"Are you telling the truth?"

"Yes."

"You're lying."

"Well I'm not, Mr. Camero."

Napansin ko ang pag-igting ng panga niya. Tss.  Tingnan natin kung hanggang kailan ang pasensiya mo. Ikaw lang naman ang mas nagdidiin sa akin.

"Look at these evidences. Sasabihin mo pa rin bang hindi?"

Nakita kong may mga litrato ulit siyang ipinatong sa lamesa. Nawala bigla ang antok ko at halos tumaas ang dugo ko sa ulo.

"That's absurd! Edited ang mga iyan!" sigaw kong hinampas pa ang ilan sa mga pictures na iyon sa mesa.  "Sino ang nagbigay niyan sa inyo? Iyong Benson na iyon? Naniniwala kayo sa kaniyang inosente siyang tao? Naniniwala kayong totoo ang mga iyan?!--"

"Stop it. Pinakita na rin namin 'to sa isang eksperto at sinabing original at hindi unedited," pagpuputol ni Treacher.

"Really?" I taunted. Every pictures were taken with me and the person I killed. This is ridiculous! It feels like ever since the first time, nakuhanan nila ako ng litrato nang palihim. It's like they followed me every time I did it.

"And two witnesses showed up who testify it."

"That can't be! They're liars!" pigil ang sariling makagawa ng kahit ano, baka makalmot ko pa ang mukha nitong Camero na 'to.

"Bakit mo nasabing mga sinungaling sila?"

"Alam kong may tao sa likod ng mga nagpakitang witnesses na iyon! Alam kong binayaran nila ang mga taong iyon para magsalita laban sa akin! Kasi kung totoo na nakita nila ako noon, matagal na sana silang nagsumbong sa mga pulis!"

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon