⊚⊚⊚Knox's P.O.V
"Hindi ba puwedeng mag-extend? Sulitin na kaya natin ang pag-stay rito kahit hanggang tatlong linggo lang. Sigurado naman akong malaki ang binigay ni Doc Graves na budget natin sa pagpunta rito," sabi ni Max habang kumakain kami ng dinner sa isang food & grill restaurant. Dito rin iyon matatagpuan sa mismong resort.
"I'm afraid we can't dahil may mga naiwan pa tayong trabaho sa sanitarium. Doc Graves mentioned me na hanggang two weeks lang at hindi na lalagpas pa ng tatlo." Ikatlong araw pa lang naman namin pero parang may balak pa 'ata silang huwag muna bumalik.
"I see." Tumango lang si Zariah.
Naiintindihan naman siguro niyang may trabaho rin kami at hindi naman puwedeng solohin ng mga naiwang doktor at nurses ang mga pasyente namin roon.
But, it's a good thing na nagkaroon kami ni Max ng time para makapag-unwind kahit sandali lang. Yun nga lang. Dipende sa kasama mong magbabakasyon. Mukhang stress lang din ang aabutin ko rito imbes na makapagliwaliw.
"I'll go night swimming later. May indoor pool sila rito. Sasama ka ba?" yaya sa akin ni Zariah.
"No. You can go by yourself. Kailangan kong magpahinga," sagot ko.
"Ikaw ba Max?" baling niya sa katabi ko.
"Why not?" nakangiting saad naman niya. "Basta maraming mga girls."
"Titingnan ko kung saan mas maganda. Baka mapuno kasi agad yung public pool nila rito. I prefer using the private pool if ever."
"No problem. Basta ba naka-two-piece ka--"
"Max," mariing banggit ko na pumutol sa sasabihin niya.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya pero hindi naalis ang ngiti sa labi niya.
"She's our patient. Maybe the water's cold. It can be bad for her if she's using those--"
"Hey, don't be like that, Knox. Kapag nasa labas na tayo ng sanitarium, hindi niyo na ako pasyente. And also you're not nurses for the meantime too. Hindi ba puwedeng alisin niyo muna ang mga responsibilidad niyo habang naririto kayo? You two have this chance to take time off from work thanks to Dr Graves, yet you're still doing what you normally would just because I'm here," parang nagtatampo ang boses na sagot niya. "Moreover, please don't regard me as nothing more than just your patient," bulong niya pa na ikinatigil ko pero hindi ako nagpahalata.
"If Doc Hunter gave this vacation leave to us, why'd you join us?" tanong ko sa kaniya na ikinabigla niya rin.
"Uhh, kasi gusto ko ring mamasyal. Nabo-bored na kasi ako sa ospital. So, I thought maybe I need some beach therapy. Y'know, 'the beach is calling me and I must go.' Saka gusto kong ibang view naman ang makita ko."
"Anong view ba ang gusto mong makita, Zariah?" tanong ni Max.
"Kakaibang view. The white sand, clear water, the blue skies and palm trees -- the brilliant turquoise beach of Maldives! Bonus ko na lang kung may makita pa akong mas kakaibang view rito. Like those half-naked gorgeous men walking along in this heavenly paradise," ngingiti-ngiting sabi niya saka tumingin sa akin.
Pinaningkitan ko siya ng mata pero agad siyang umiwas ng tingin.
"Hihintayin kita, Max. Hindi ka puwedeng hindi sumipot. Wala akong makakasama do'n. Kakalbuhin talaga kita," banta niya.
"Huwag kang mag-alala. Gusto ko ring makakita ng kakaibang view," natatawa ring sagot ng isa.
Hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit tatlo kaming nandito sa ibang bansa. Gusto lang pala niyang makatakas saglit sa sanitarium. Dinamay pa kaming dalawa ni Max. Hindi ko na rin ikagugulat pa, dahil sigurado naman akong hindi papayagang lumabas ang babaeng 'to nang siya lang. 'Buti at pinayagan siya ni Doc Hunter at ng guardian niya. Understandable naman siguro dahil nasa recovery stage na siya and she needs something to wind down.
BINABASA MO ANG
DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]
General FictionRaven didn't anticipate that one unidentified sender would be enough to put an end to all of his terrible and evil deeds-- who hopes he will stumble into his trap. He was apprehended and made to confess by the authorities because of this. However, h...