Part 4

406 21 2
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"Anong mangyayari sa akin sa loob ng mental facility na paglilipatan niyo sa akin?" tanong ko kay Atty. Quinn habang sinisimulan ang pag-iimpake sa maliit na gamit na dadalhin ko. Narito kasi kami ngayon sa unit ko at kinukuha ang ilan sa mga alam kong kakailanganin ko sa hospital.

"I think, mostly psychotherapy or counseling talaga ang pinakamabisang treatment na kailangan ng mga taong may mga mental illnesses. Huwag kang mag-alala, it's just a talk therapy. May mga mental health professionals naman doon na tutulong sa iyo, kakausapin ka lang about your condition and any related issues regarding your mental health. During the psychotherapy, you'll learn about your condition and your moods, feelings, thoughts and behavior. Basta't sabihin mo lang ang totoo sa kanila, they could help you."

"Ano naman ang maitutulong nila sa akin? Wala naman akong sakit."

"You can talk about your childhood trauma. That is one. Doon, matutulungan ka nila para tuluyan mo nang matanggal ang takot mo, anxiety, o kung depressed ka. Malalaman mo kung anong nararapat na gawin kapag nagsabi ka ng mga problema mo. Not just problems, your experiences when you're having the visions when you kill someone. Saka may iba't iba namang klase ng mga therapy ang meron, kung gusto mong through medications, puwede. Meron ding tinatawag na ECT, I think it's a brain stimulation therapy, I'm not sure."

Kahit na medyo nag-aalangan ako kung may naintindihan ako sa mga sinabi niya, hindi na lang ako nagsalita pa tungkol doon.

"Oo nga pala, na-kontak mo na ba sina Detective Treacher?" tanong niya bigla sa akin.

"Hindi pa."

"Tawagan mo na sila ngayon kung may gusto kang sabihin, dahil hindi ka na makakahawak pa ng telepono kapag nandoon ka na sa pupuntahan natin."

Sakto namang tapos na ako sa pag-iimpake kaya agad ko na ring kinuha ang cellphone ko - na binalik na sa akin ni Treacher - at agad siyang tinawagan. Mabuti at kinuha ko ang contact number niya bago ang huli naming pagkikita kahapon. Kinausap ko kasi siya tungkol sa mga nakuha nilang ebidensiya noon na mga litrato at napag-alaman kong sinunog na pala niya.

"Hello?" salubong ko nang makita kong sinagot niya agad ang tawag ko matapos ang isang ring.

["Who's this?"] tanong niya na agad kong ikinatawa.

"Aba! Hindi mo na pala ako nabobosesan, Mr. Treacher. Siguraduhin mong matapos ng tawag ko, ise-save mo na ang number ko sa phonebook mo dahil kung hindi, baka susugurin kita diyan sa istasyon ninyo."

["Oh, you brat! HAHAHA. Anong balita?"] tanong niyang pansin kong lumiwanag pa ang boses nang makilala ako.

"Nakapag-impake na ako. Aalis na kami maya-maya. Tinawagan lang kita, kasi sabi ni Attorney, hindi na raw ako makakatawag pa kapag nasa loob na ako ng facility."

["Ganoon ba? Edi, maganda. Hindi ka na mambubulabog sa amin."]

"Sira ulo ka ba? Hmp! Sige na nga! Bye!--"

["Oy! Oy! Biro ko lang iyon. HAHAHA. Siyempre, panatag na ako na kusa ka nang tumuloy sa pagpapa-counseling. Kasi iyon naman talaga ang gusto kong mangyari sa iyo kahit noon pa."]

"E di sa kulungan naman ang bagsak ko kung hindi ako pupunta doon."

["Kaya nga. Pero sana magpaka-behave ka na doon. Huwag ka nang gumawa ng ikaka-sama mo. Gusto kong paglabas mo, matinong matino ka na."]

"Matino naman talaga ako ah!" sigaw ko.

["Oo na. Pero gusto ko, matinong matinong matino na ang isip mo. Ayokong sa paglabas mo, mauulit na naman ang nangyari sa iyo. Ayoko nang marumihan pa ng dugo ang mga kamay mo."]

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon